CHAPTER 16 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★
"Miss Rose, ano po'ng ginagawa niyo dito sa labas? Sana sa loob na lang po kayo naghintay." Sabi ni Rosa habang inaaalalayang bumaba ng tricycle ang Nanay niya.
"Mahangin kasi dito sa labas, medyo mainit sa loob kaya dito ko na lang kayo hinintay."
"Pasensya na po Miss Rose, naghintay pa po kayo, halos hindi na po kasi umuusad ang mga sasakyan lalo na po't may banggaan sa may gas station. Nanay ko nga po pala."
"Hello po, magandang gabi po, nakialam po ako sa kusina niyo, sana magustuhan niyo ang luto ko."
"Ikaw pala ang Boss nitong anak ko, salamat ha, ang laking tulong ng mga ibinibigay mo sa amin."
"Wala po 'yon, pinagtatrabahuhan naman po ni Rosa 'yon, ang sipag sipag po ng anak niyo."
"Nagmana sa akin."
"Pasok na po muna tayo sa loob Miss Rose para makapaghapunan na tayo, doon na rin po kayo magkwentuhan sa loob."
"Ang ganda mo naman Rose, may nobyo ka na ba?"
Napalingon si Rose kay Aleng Raquel. "Wala po, ang pagpapalago po ng kompanya ang binibigyan ko ng oras ngayon, kasi marami akong natutulungan. Ayos lang naman po akong mag-isa."
"Naku hindi ayos 'yon, akala mo lang e okay lang ang mag-isa pero darating ang araw na mapapaisip ka, bata ka pa naman, sa bait mo 'yan ay sigurado akong bibigyan ka ng Panginoon ng tamang tao."
Napangiti na lang si Rose Lyn sa tinuran ng Ale.
"Rosa, tawagin mo na ang Kuya mo, baka hindi na naman kumain 'yon, ang hirap pa namang painumin ng gamot ng batang 'yon."
Napatingin si Rosalinda kay Rose bago nagpunta sa sala. "Wala naman po dito sa sala si Kuya Russel, Nay."
"Nasa kwarto niya siguro."
"Akala ko ba Miss Rose e nandito siya sa sofa, natutulog."
"Oo nga, nand'yan siya kanina, may hawak pa nga'ng remote nang nadatnan ko e." Sagot ni Rose at bigla niyang naalala ang sinabi niya kanina.
"Kuya.. Kuya Russel, gising na, kakain na." Paulit-ulit na tawag ni Rosa habang kumakatok.
"Kuya, labas na. Nandito si Miss Rose."
Bumukas ang pinto. "Baka mahawa pa kayo ng lagnat, mamaya na lang ako kakain, nand'yan na ba si Ranna?"
"Wala pa, may gagawin pa raw project kaya male-late ng uwi. Tara na, kumain ka na para makainom ka na agad ng gamot."
"Ayoko nga ng gamot."
"Talaga? Ayaw mo? Kahit si Miss Rose Lyn Cervantes ang bumili ng gamot mo? Kanina pa kaya siya nandito, siya pa nga ang nagluto ng hapunan natin e."
"Alam ko." Bulong ni Russel
"Ano?"
"Wala. Ano'ng oras siya nagpunta dito?"
"Kanina pa, naabutan ka nga niyang natutulog sa sofa e, h'wag mong sabihing 'yan ang suot mo." Natatawang sabi ni Rosa
"Ito nga, hindi ko naman alam na pupunta siya dito ngayon."
"Ilang beses kaya kitang tinawagan pero hindi mo sinasagot, ang dami ko ring text sa 'yo. Hindi ka na nadala sa kaka-boxer mo, magbihus ka nga ng maayos, sumunod ka na lang ha."
"Oo na, magda-damit lang ako."
Pagbalik ni Rosa sa kusina ay nag-uumpisa ng kumain ang dalawa.
"Ang tagal mo anak, nagsimula na kaming kumain. Nasaan na ang pinsan mo?"
BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Random"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...