Chapter 25

9 2 0
                                    

CHAPTER 25 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

"Paano kung bumalik si Mama, Kuya? Tatanggapin ba natin ulit?" Tanong ni Ranna, bumisita siya dito sa bahay ni Rose ngayon.

"Depende, dapat kung babalik siya sa buhay natin e hindi na siya aalis." Sagot ko at inabutan siya ng juice.

"Kuya, ano'ng nagpabago ng isip mo? 'Di ba dati sabi mo sa amin ay hindi ka maggi-girlfriend, ayaw mo nga mag-asawa e."

"Takot kasi ako, natatakot ako na baka katulad ni Mama 'yong babaeng mapili ko, na baka iwan din ako, ayaw kong maiwan ulit, alam natin kung gaano kahirap 'yon Ranna pero nang makilala ko si Rose, nagbago lahat, hindi ko namalayan na mahal ko na pala siya, at ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Hindi ako natakot sumugal sa kanya kasi alam kong ipapanalo namin 'to."

"Sobrang saya ko talaga Kuya, sana kapag nagka-boyfriend na ako e katulad ni Kuya, hindi katulad nung mga napapanood ko sa TV, sinasaktan ang mga babae, ipinagpapalit, hindi porke't sila ang lalake e sila na ang masusunod sa lahat, feeling Boss, mali 'yon."

"Tama, tama. H'wag muna mag-boyfriend ha, bata ka pa, aral muna."

"Eh crush Kuya, okay lang?" Napatango na lang ako, crush lang naman e.

"Dito ka muna sa sala, kakatukin ko lang si Rose, ihahatid na kita kila Tita."

"Maya-maya ng konti Kuya, wala naman akong gagawin sa bahay e, wala namang pasok ngayon, boring, dito na lang muna ako."

"Sige, sige." Pinuntahan ko pa rin si Rose. "Mahal, Mahal?"

"Bakit Mahal?"

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?  Ano'ng gusto mong meryenda?"

"Gusto ko ng kwek kwek saka calamares, kanina pa ako nagki-crave nun."

"Bibilhan kita Mahal, hintayin mo lang ha."

"Thank you Mahal, I love you."

"I love you." Nakangiti akong lumabas ng bahay. Ano kaya'ng magandang surprise para kay Rose? Gustong-gusto ko ang reaksyon niya tuwing nasu-sorpresa siya.

"Ate, calamares po at saka kwek kwek, lagyan niyo na rin po nga fish ball." Naiilang ako, nakatitig lang kasi sa akin 'yong Ale. "B-Bakit po?"

"Ngayon na lang ulit kita nakita."

"Nakita niyo na po ako dati?" Tumango siya habang niluluto ang mga binibili ko.

"Ikaw 'yong nag-ayos ng bubong ng bahay namin dati, dito ka na pala nakatira?"

"Trabaho po, tumigil na po muna ako sa pagko-constraction , mainit po at madalas hindi ako makahinga."

"Oo nga, marami namang ibang trabaho, sayang ang kutis mo, ang gwapo pa rin ng kilay mo iho." 

"Ay, salamat po."

Sa tagal naming nagkukwentuhan ni Ateng tindera ay may naisip na akong plano para kay Rose at nagmamadali rin akong umuwi dahil alam kong nagugutom na 'yon.

"Mahal, halika na dito."

"Lalabas na Mahal."

Inihanda ko ang mga binili ko, nagtimpla din ako ng juice, paborito kasi ni Rose ang orange juice.

"Kuya, uuwi na ako, may nakalimutan pala akong gawing assignment."

"Ihahatid na kita."

"H'wag na Kuya, sabayan mo na lang si Ate Thorns kumain, susunduin po ako ng classmate ko dito, ihahatid niya ako pauwi."

Napasilip ako sa labas, may lalakeng nakatayo sa may gate.

"Nagpa-deliver ka ng pizza?"

"Hindi Kuya, siya 'yong classmate ko, don't worry Kuya, mapagkakatiwalaan siya."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon