Chapter 10

12 1 0
                                    

CHAPTER 10 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

Ang hirap kumalma, buong buhay ko biktima ako ng manloloko.

"Good morning Miss Cervantes, hinihintay na po kayo sa loob." Sabi ng babaeng pulis na lumapit sa sasakyan.

"Susunod na kami." Sabi ko, sinulyapan ko ang sakay ko sa likod, parang hindi siya mapakali at namumutla pa.

"H'wag kang kabahan, wala akong balak ipakulong ka."

"E-Eh ano po'ng ginagawa natin dito?" Utal niyang tanong, ni-hindi makatingin sa akin.

"Nahuli na ang mga bumugbog sa 'yo, kukumpirmahin lang kung sila talaga 'yon, halika na sa loob." Nauna na akong bumaba ng kotse at dere-deretsong naglakad papasok ng police station samantalang siya ay nangangatog ang tuhod habang naglalakad kasunod ko. 

"Good morning."

"Good morning po Miss Cervantes." Bati sa akin ng police, "Nice to see you again iha, namiss kita." 

Nawala ang ngiti sa labi ko.  " Namiss ko rin po kayo pero hindi ang lugar na ito." Pabulong kong sambit at pilit na ngumiti.

"Have a seat. Tatawagin lang natin ang mga salarin para makapag-usap ng maayos." 

Napasulyap ako sa kasama ko, para siyang uminom ng isang galong suka, sobrang putla.

" Gusto mo ba ng tubig? Kumalma ka nga, hindi ka naman ikukulong e, sasabihin mo lang ang totoo."

Ilang sandali pa ay may dumating na dalawang lalake, nakatungo, naka-posas at may mga bantay na pulis sa gilid habang naglalakad. 

"Miss Cervantes, itong dalawang lalake sa harap natin ang nakita namin sa CCTV na bumugbog sa boyfriend mo, nahuli siya ng team namin sa sakayan ng bus. Iho, maaari mo bang kumpirmahin kung sila nga ang bumugbog at kumuha ng pera mo?" Tanong ng Police kay Ros–, sa lalakeng kasama ko.

"Sila po, sila nga po 'yon, hinding-hindi ko po makakalimutan ang mga mukha nila." 

"Umamin na kayo, kayo po ba ang ang bumugbog kay–" Ha? Ano nga ba ang pangalan ng lalakeng 'to? Baka pagtawanan lang nila ako kapag sinabi kong Roselle. "Kay . . . kay Russel." Imbento muna ng pangalan since hindi ko kilala ang lalakeng 'to.

Bigla akong tiningnan ni Ros– Russel, wow! Nakakatingin na siya ng deretso sa akin ngayon, aba aba!

"Sorry po Ma'am, Sir, hindi na po mauulit, kailangang kailangan lang po talagan namin ng pera, may sakit po ang nanay namin at kakamatay lang po ng Lola namin, patawad po, sorry po, sorry po." Biglang lumuhod ang isa at humagulgol.

"Bakit hindi na lang kayo huminge ng tulong? Bakit kailangan niyo pang manakit? Lahat naman tayo kailangan ng pera e."

"Wala pong nagbibigay Ma'am, hindi ko po 'yon sinasadya, akala ko po kasi bakla siya."

"So kapag bakla kailangang saktan? Bugbugin? Grabi po kayo ha, gano'n lang ang ayos niya kanina kasi may challenge akong pinagawa sa kanya," pagsisinungaling ko. " Ang bilis niyong maghusga."

" Sorry po, sorry po. "

" Ano po'ng plano natin ngayon? Kakasuhan ba natin sila? " Tanong ng Pulis

" H'wag na po." Napatingin ako kay Russel.

" Sigurado ka Sir?"

Tumango si Russel at tumingin sa akin.

"Ikaw Ma'am?"

"Hmm, gusto ko sanang pagbayaran nila ang ginawa nila pero mukhang ayos lang naman sa BOYFRIEND ko ang nangyari, mukhang naiintindihan naman niya so h'wag na lang, klaruhin lang natin na h'wag na 'tong maulit."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon