Chapter 08

15 2 0
                                    

CHAPTER 08 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

"Sa susunod Ma'am, h'wag niyong pagsusuotin ng damit pambabae ang boyfriend niyo, kaya napagti-tripan sa kanto e." Nakasilip ako sa bintana ng marinig ko ang sinabi ng nurse, mabilis akong naglakad pabalik sa sofa at nagtulog-tulugan. Yari ako nito, buking na yata.

"Roselle, Roselle, gising. Doon ka na sa kwarto mo magpahinga." Hindi ako agad bumangon, nahihiya akong imulat ang mga mata ko, pakiramdam ko sobrang lapit niya sa akin dahil nararamdaman ko ang hininga niya.

"Bangon na, mahihirapan ka d'yang humiga, aalalayan kita papunta sa kwarto mo." Hindi mo maiwasang mapangiti, ang sweet ng boses niya.

Nagkunwari akong nagising. "S-Salamat Miss Rose."

"Kaya mo bang tumayo? Ako na ang magluluto ng tanghalian, hindi na muna ako papasok."

"Y-Yung tungkol po sa nangyari." Napatungo ako, hindi ko alam kung pa'no haharap sa kanya, na pakiramdam ko kasi ay nakakahalata na siya.

"H'wag na muna nating pag-usapan 'yon, kailangan mo munang magpahinga." Inalalayan niya akong tumayo, naka-akbay ako sa kanya, kaya ko naman tumayo at maglakad mag-isa pero okay na din 'to, ngayon lang nagkadikit ng matagal ang mga katawan namin.

"Ang bigat mo." Sabi niya bat inupo ako sa kama.

"Dapat hinayaan mo na lang sila na kunin ang pera para hindi ka nila sinaktan, pera lang 'yon, makikita pa natin 'yon sa mga susunod na araw."

"Baka po kasi mapagalitan niyo ako at matanggal ako sa trabaho kaya nakipag-agawan talaga ako sa kanila nung nakuha nila ang pera, mabuti na lang po at may dumaan na tanod."

Hinawakan niya ako sa balikat at inihiga sa kama. "Sa susunod h'wag ka na lang makipag-agawan para hindi ka masaktan." Kinumutan niya ako. "Magpahinga ka na, dadalhan kita ng lunch later."

Na-guilty tuloy ako, parang ako na ang amo ngayon, siya na ang nag-aalala sa akin, kapag magaling na ako, babawi ako sa kanya.

Halos isang oras din akong nakatulog, medyo ayos na ang mga sugat ko maliban sa sugat oo sa noo, mahapdi pa rin lalo na't may tahi.

"Hi."

Napabangon ako.

"Gising ka na pala, kumusta ang pakiramdam mo?" Para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat, nandito pala siya? Binantayan niya ba ako habang natutulog? Patay! Baka may nakita sita sa mga gamit ko.

"Roselle, okay ka lang ba?"

"Ha? Opo, salamat po ulit Miss Rose." Ngumiti lang siya, nakakainis, in love ako.

"Mas masakit ka na nga nakangiti ka pa." Napakamot ako sa ulo. "Kaya mo na bang tumayo mag-isa? May naaamoy akong lalake." Sabi ni Miss Rose at lumabas na ng kwarto ko, inamoy ko ang sarili ko, ang baho ko na, hindi pa pala ako nagpapalit ng damit pang-ibaba, nasapo ko ang ulo ko.

Aray! May sugat nga pala.

"Roselle." Tawag sa akin ni Miss Rose sa akin, ang hirap sumagot kapag magugulat, baka boses lalake na naman ako.

"B-Bakit po?"

"Kailan kayo magkikita ng kapatid mo? "

"Hindi ko pa po alam, wala pa po akong balak umuwi." Gusto kitang makasama araw-araw.

"Sayang naman, gusto ko siyang makilala." Sabi niya at uminom ng tubig kasi natapon sa damit niya kaya . . . ang hot niya.

"Ang ganda mo."

Ngumiti siya.

"Kukuha lang ako ng damit, willing to undress me?"

Napalunok ako.

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon