CHAPTER 09 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★
Lilingon ba ako?
Nand'yan pa kaya siya?
"Hindi ba't sabi ko sa 'yo magpahinga ka."
Tinapos ko ang paghihiwa ng sibuyas bago ako lumingon, hindi ako makatingin ng deretso kaya hindi ko makita kung ano ang naging reaksyon niya.
"Na-Nagising lang po." Sagot ko at dahan dahang tiningnan si Miss Rose, kung sibat lang ang titig niya ay malamang kanina pa ako bumulagta sa sahig.
"Itabi mo na 'yan at bumalik ka na sa kwarto mo, magpahinga." Bumalik na siya sa loob ng kwarto.
Pinisil ko ang balat ko, masakit, hindi nga ito panaginip.
Ibinalik ko sa ref. ang ibinabad kong ulam..
Ahhhh! Pa'no 'to?
Bumukas ang pinto. "Ros–, Ahm, eight am, may lakad tayo." Bumalik rin siya agad sa loob.
Galit kaya siya? Lalo lang siyang lalayo sa mga lalake, lalo lang niyang iisipin na manloloko ang mga lalake, dapat ako ang magpapabago ng isip niya e pero ako pa lalo ang nagpalala, dapat siguro umiwas na ako, baka ako pa ang maging dahilan ng tuluyang pagkasira ng buhay niya.
Maghahanap na lang siguro ako ng ibang trabaho, kahit ano, kahit mahirap basta para sa kapatid ko, makapag-aral lang siya at makapagtapos, okay na 'yon.
Tatlong oras na akong nakahiga sa kama pero gising na gising pa rin ako, alas kwatro na.
Bumangon na lang ako at bumalik sa kusina. Nagsaing ako sa rice cooker at isinalang ko na rin ang adobo aa stove.
"Pwede mong buksan ang ilaw, hindi tayo nagtitipid." Nagpalinga-linga ako, wala naman akong narinig na nagbukas ng pinto.
May nakita akong nakaupong tao sa harap ng laptop, may tao pala sa sala.
"G-Good morning po." Nahihiya kong bati, naka-boxer short pa rin ako pero naka-tshirt na..
"Morning."
Morning lang?
Hindi yata good ang morning ni Miss Rose, dahil siguro sa akin.
Sumingot-singot siya tapos parang ibinuga sa hangin, hindi ko talaga siya matingnan, hiyang-hiya ako.
"Multo, ipaghanda mo nga ako ng kape."
Ako na 'yong multo?
"Ilagay mo na lang sa mesa, ako na lang ang kukuha."
Nagtimpla ako agad, nagtimpla rin ako ng para sa akin.
"Heto na po." Pagkalagay ko sa mesa ay bumalik ako agad sa niluluto ko.
"Pagkatapos mo d'yan ay maligo ka na, aalis tayo ng maaga."
"O-Opo."
"Hindi mo ba itatanong kung saan tayo pupunta?" Tanong niya, ihahatid niya na kaya ako pauwi?
"Ah, M-Miss Rose, ihahatid niyo na po ba ako pauwi?"
"Bakit ko gagawin 'yon? Kung papaalisin kita dito, bakit pa kita ihahatid? Ros–, maligo ka na, ako na ang maghihintay na maluto 'yan."
Galit siya.
"Luto na po ito."
"E 'di maligo ka na. Kunin mo 'yong paper bag sa kwarto ko, sa 'yo 'yon."
Inubos ko lang ang kape ko at nagtungo na sa kwarto niya, kinuha ko ang paper bag na nakapatong sa kama niya.
Ano kaya'ng laman nito? Bakit parang ang bigat?
BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Acak"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...