CHAPTER 29 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★
"Sigurado ka na ba? Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?"
"Hindi na, kailangan kong harapin 'to para matapos na, babalik naman ako eh, sana hindi sila mapagod maghintay sa akin, sana hintayin nila ako kahit ano'ng mangyari." Sagot ni Rose sa taong naghatid sa kanya.
"Oh, ayos ka lang?" Tanong pa nito ng mapahawak si Rose sa ulo niya.
"Ayos lang ako, medyo nahilo lang, kulang kasi ako sa tulog dahil sa kakaisip. Nasa akin na 'yong video, salamat sa tulong mo, quits na tayo, at ang usapan natin ha, sana this time tumupad ka na." Sabi ni Rose at tumalikod na para maglakad patungo sa lugar na sinasabi ni Rolly.
"Sigurado ka bang kaya mo mag-isa?"
"Hindi ako mag-isa, kasama ko ang Diyos, hindi niya ako pababayaan. Handa akong magsakripisyo para sa mga taong mahal ko." Naglakad na si Rose patungo sa dulo ng ilog, malapit sa kawayanan.
May humarang sa kanyang dalawang lalake pagtawid niya ng ilog.
"Boss, nandito na ang hinihintay niyong bisita." Sabi ni lalake at itinulak sa harap ni Rolly si Rosa dahilan para madapa ito sa sahig.
Napakunot noo si Rolly ng makita ang mga kamay si Rosa. "Eh bakit nakatali 'to? Inutos ko ba 'yon? Ang sabi ko lang abangan niyo siya sa dulong ilog at ihatid dito, ng maayos. B*bo ka talaga 'no? Mahirap bang intindihin ang mga sinabi ko?" Bulyaw ni Rolly
"Hindi, at hindi ako b*bo!" Sigaw pabalik ni Robby, isa sa mga tauhan ni Rolly.
"At sumasagot ka na ngayon? Baka nakakalimutan mo kung sino ka!" Napailing na lang si Robby at masama ang tingin kay Rolly bago nag-walk out.
Napailing na lang si Rolly, sinundan naman ng tingin ni Rose ang papalayong si Robby. "Kalagan niyo ng tali 'yan, bigyan niyo ng upuan at tubig." Utos ni Rolly
"Hindi pa ba natin pag-uusapan ang mga gusto mong pag-usapan? Hindi ako nagpunta dito para maki-inom lang, nandito ako para tapusin na 'to, gusto ko na ng tahimik na buhay, Rolly."
"Gusto ko na rin ng tahimik na buhay kaya tapusin na natin 'to, uminom ka muna, alam kong medyo malayo ang nilakad mo." Sabi ni Rolly at uminom ng kape.
"Ano ba'ng gusto mo Rolly? Alam mo sa simula pa lang na hindi ako bayaran, nagtatrabaho ako ng maayos, iba ako sa mga babaeng nakasalamuha mo noon."
"Alam ko, kaya nga ikaw ang nagustuhan ko e. Sorry." Natahimik saglit si Rose, hindi niya akalain na maririnig niya ang salitang “Sorry” mula kay Rolly.
"Ako na niloloko mo? Ano ba talaga 'to Rolly? Pinapunta mo ako dito ng ganitong oras? Sinasayang mo lang ba ang oras ko? Alam mong hindi na ako natatakot sa 'yo! Kung iniisip mo pa rin na ako ang may kasalanan, nagkakamali ka, wala akong kinalaman sa pagkakahuli ng mga kasamahan mo noon, tinulungan pa nga kitang tumakas hindi ba? Nakalimutan mo na ba 'yon?"
"Kalma Rose, kalma."
"Paano ako kakalma huh!? Bakit ngayon ako na ang sinisisi mo? Bakit parang kasalanan ko na? Hindi ako ang pumatay sa kapatid mo!"
"A-Alam ko, alam ko na, alam ko na ang totoo. Sinabi na niya sa akin ang totoo."
"Nino?"
"Hinatid ka niya papunta dito 'di ba? Pinagkakatiwalaan mo pa rin siya."
"Dahil siya lang ang nakaka-alam ng totoo at ayaw kong madamay ang pamilya ko, lalong-lalo na si Russel."
Napatango-tango si Rolly. "Alam ko, mahal mo pa rin ang pamilya mo kahit hindi ka na nila itinuring na anak. Wala na bang katulad mo? Gusto ko na rin magkaroon ng pamilya, 'yong magmamahal ng totoo."

BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Random"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...