CHAPTER 22 : RHIALENE's POINT OF VIEW ★
"Sumama ka na sa akin Rian, ayaw mo bang makita ang Ate mo?" Kanina ko pa pinipilit si Rian na sumama sa akin papuntang Manila para surpresahin si Rose pero halatang hindi siya interesado.
"Ayoko nga, ayoko mag-travel, ayokong mag-byahe ng malayo dahil madali akong mahilo, ayokong malayo sa pamilya ko, at ayoko siyang makita, period." Nakataas pa ang kilay niya, mahirap nga pilitin ang ayaw.
"Ikaw na lang kaya ang sumama, Babe."
"Ayoko." Mabilis a tanggi ng boyfriend ko.
"Saglit lang tayo, kukumustahin ko lang siya, kasama naman kita noong nakaraan ah."
"At muntik na nga tayong mahuli. Rhia, ayaw na niya sa mga lalake tapos isasama mo pa ako, ako pa talaga?"
Napasimangot na lang ako. "Matagal na 'yon eh, baka this is the right time para aminin sa kanya ang totoo, hindi 'yon magagalit, sige na, please."
"Fine, fine, baka magtampo ka na naman d'yan, sasamahan kita pero hindi ako magpapakita kay Rose, matagal mawala ang galit nun."
Naiintindihan ko naman si Rico, ex boyfriend siya e, kilalang kilala niya si Rose at hindi ako ang third party ha, baka kasi gano'n ang isipin niyo, nakilala ko si Rico noong bumisita ako sa Uncle ko na nakakulong, walang dumadalaw kay Rico at simula nung araw na nakita ko siya ay palagi ko na siyang dinadalaw, dinadalhan ko na rin siya ng mga kailangan niya sa loob, hindi ko naman alam na siya pala 'yong ex boyfriend ng bestfriend ko.
Hindi niyo ako masisisi kung bakit ako pumatol sa kanya, minahal ko siya ng hindi ko alam kung bakit, sabi nga nila na ang tunay na pag-ibig dumadating sa hindi mo inaasahang panahon. Kapag tinamaan ka, tinamaan ka, wala naman sa rules ng buhay na bawal umibig sa dating bilanggo. Yeah, tama ang nabasa niyo, nakulong siya pero napagbintangan lang, matagal na siyang napawalang sala.
"Kailan ba tayo pupunta?"
"Pagkatapos ng birthday niyo ni Papa, gusto ko nga sanang isama si Rian pero ayaw niya, lalo na siguro ang Lola niya, halos isumpa niya rin kami nung nalaman niya na galing kay Rose lahat ng binibigay ko sa kanila. Naaawa na ako kay Queen, alam kong kailangan niya ako ngayon, nararamdaman ko."
"Matatag ang babaeng 'yon pero alam kong kailangan niya rin ng taong magpapalakas ng loob niya, at ikaw 'yon Babe. Nasabi ko na ba sa 'yo na binenta ko 'yong condo na binigay niya?" Tanong ni Rico
"Oo, tapos 'yong pera binigay mo sa family niya noong nagkasakit ang Lola ni Queen at hanggang ngayon hindi pa nila alam na sa Apo niya galing 'yon , sana talaga magka-ayos na sila, tutulungan mo ba akong magka-ayos ang mga Cervantes, Rico?"
"Tutulungan kita, makabawi manlang ako kay Rose sa lahat ng nagawa ko sa kanya noon."
ROSE LYN's POINT OF VIEW ★
Mukhang wala ng balak si Russel na bitawan ako ah, isang minuto na yata kaming magkayakap at ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
"I love you." Bulong pa niya pero bakit may luha?
"Bakit ka umiiyak? Masakit na naman ba 'yang noo mo?"
"Masaya lang po ako, sobrang saya."
Naiyak din tuloy ako, ngayon ko lang kasi naramdaman ulit na may nagmamahal sa akin, unexpected love.
"Thank you for making me happy, Russel. I'm so happy to have you, i love you." Ngumiti siya and my heart melts. Ang perfect niyang mga ngiti, ang makapal na kilay, the way he treat me, i'm so happy, i already found the love of my life.
-
Today is Friday, hindi na ako masyadong busy dahil marami na akong employees, s'yempre marami akong gustong tulungan kaya nag-hire kami ulit, and guess what, mayroon na kaming mga lalakeng workers, hindi nga lang ako gaanong lumalapit sa kanila pero kinakausap ko naman.
BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Random"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...