Chapter 11

12 3 0
                                    

CHAPTER 11 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

Twenty thousand? Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking pera.

"M-Miss Rose.."

Alam ko namang wala na dapat talagang second chance ang nagawa ko, pero pa'no ang kapatid ko?

"Bukas na umaga, makakauwi ka na." 

Nabitawan ko ang perang binigay niya. "Miss Rose, sesante na po ba ako? Sana po mapatawad niyo ako, hindi ko po talaga gustong lokohin kayo, dala lang po ng pangangailangan."

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa, baliw na ba siya? Kanina masungit siya tapos ngayon biglang tumatawa, gano'n ba epekto ng laging nag-iisa?

"Pinagbabakasyon lang kita, bumalik ka kapag magaling ka na, i mean 'yang mga sugat at pasa mo."

Napangiti ako.

"H'wag kang ngumiti d'yan, marami lang akong aasikasuhin pero mag uusap pa tayo, hindi ka pa abswelto sa ginawa mo."

"O-Opo. Salamat po."

"At.."

Ay, may kasunod pa..

"A-Ano po 'yon?"

"H'wag mong sasabihin kay Rosa na alam ko na."

Yari, lagot si Insan.

"O-Opo, pero ako na lang po ang tanggalan niyo ng trabaho, h'wag na po si insan, marami pa po siyang binabayarang utang e." Napatungo ako, kaya ko namang maghanap ng ibang trabaho pero si Rosa, mahihirapan na naman siyang mag apply..

Hay, sa susunod talaga hindi na ako gagawa ng kasalanan.

"Walang masesesante.  Walang masesesante kung hindi mo sasabihin sa kanya, naiintindihan mo? Kapag nalaman niya na alam ko nang lalake ka, pareho ko kayong tatanggalin sa trabaho."

Agad akong tumango. "Hindi ko po sasabihin."

"Ahm, nagugutom na po ba kayo? Magkikita na po ako."

"Kanin lang, initin mo na lang 'yong tirang adobo sa ref. at lagyan mo ulit ng maraming onions."

Nakahinga ako ng maluwag, sarap sa pakiramdam ng walang tinatago.

"Wait.."

"Bakit po?"

"Magbihis ka, isuot mo 'yong dress at wig, pati na rin 'yong medyas mo."

Napatulala ako, seryoso ba siya? Akala ko pa naman tapos na ang kalbaryo kong 'yon.

"HAHAHAHAHA! Look at you, I'm just kidding . . . Kuya Russel." Tumatawa n'yang sambit, okay haha! Kuya zone..

Kung sakaling hindi niya na ako pabalikin dito, sobrang mamimiss ko siya.

"Iwasan mo 'yang pagiging tulala." Sabi niya sabay snap sa may mukha ko. "Dagdagan mo 'yong onions, ilagay mo na lahat ng natitira sa ref."

Sinulyapan ko siya habang naghihiwa ng sibuyas, ang ganda niya malayo, ito 'yong mamimiss ko e, pagmasdan siya buhat sa malayo.

"Miss Rose.."

"What?"

Sungit na naman.

"Alam mo ni Miss Rhialene."

Napakunot noo siya. "Na lalake ka?"

Tumango ako.

"Thank you. Ituloy mo na 'yan, nagugutom na ako."

Alas-onse na ng gabi pero mulat na mulat pa rin ako, kahit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako e hindi ako dinadalaw ng antok, ang daming sumasagi sa isip ko.

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon