CHAPTER 17 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★
"Aalis na ako Ranna, Tita Raquel, Rosa."
"Mag-iingat ka palagi Kuya, don't worry mag-aaral akong mabuti, tatawag na lang ako lagi sa 'yo, inform kita sa lahat ng gagawin ko." Niyakap ako ni Ranna at binigyan pa ng isang maliit na box.
"Ano 'to?"
"Buksan mo na lang pagdating mo sa trabaho mo."
"Mabuti naman at okay na kayong magkapatid. Mag-iingat ka Russel iho, miss ka na siguro ng Boss mo ano? Magtrabaho ka ng mabuti para maayos ang pakikitungo sa iyo ng Boss mo, kami na ang bahala sa kapatid mo. Ikaw anak, kumilos ka na at baka ma-late ka pa, marami kayong gagawin nung babaeng maganda 'di ba? Sige na, magsabay na kayo nitong pinsan mo papunta sa sakayan."
"Thank you Tita, si Ranna po ha. Aalis na po ako."
"Aalis na po kami Nay, dito na lang muna kayo ha."
"Sasama ka ba sa akin papunta sa bahay ni Miss Rose o deretso ka na sa company?" Tanong ko kay Rosa habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng tricycle.
"Sa kompanya, hindi ko alam kung nandoon na ba siya, baka tulog pa 'yon, pagod kagabi."
"Nandoon siya sa bahay, gising na, nag-reply nga sa text ko e." Nakangiti kong sabi.
"Yang mga ngiting 'yan, matagal ko ng gustong makita 'yan pero mag-iingat ka Kuya Russel, ang puso mahirap kalaban 'yan. Kilalanin mo si Miss Rose para kaya mo siyang i-handle, mabait siya, sobrang bait pero ayaw niyang niloloko lalo na ng mga lakake."
"Hindi ko naman siya lolokohin, mahal ko si Rose Lyn."
"Lakas ng tama mo Kuya, sige na, stay in love, mauna na ako sa iyo, tawagan mo na lang ako ha."
"Sige, mag-iingat ka."
Binuksan ko ang box na ibinigay ng kapatid ko. Pabango galing sa Perfume de Cervantes?? Saan kaya kumuha ng pambili ang kapatid ko, mukhang mahal 'to ah!
"Nandito na po tayo Sir."
"Salamat po, heto po ang bayad ko Kuya."
Papasok na sana tulog ako ng bahay ng mapansin ko ang isang taong grasa na may dalang bato.
"Kuya, ano 'yan? Babatuhin niyo ba 'yang sasakyan? H'wag niyong gagawin 'yan, masama 'yan." Nakita ko kasing sinisipat niya ang kotse ng kapit bahay pero imbis na sumagot ay humalakhak lang siya at tumingin sa lalakeng sakay ng motor na pula.
Sino ba 'yong lalakeng 'yon?
Pumasok ako sa gate pagkaalis ng lalakeng naka-motor.
"Miss Rose, good morning po." Bati ko pagpasok ko ng bahay pero hindi niya ako pinansin.
"Miss Rose?" Galit ba siya? Ba't hindi namamansin 'yon?
*Meow* sumalubong sa akin ang dalawang pusa. "Good morning po Miss Rose." Bati ko ulit.
"Good morning. Kunin mo 'yong susi sa lalagyan, kunin mo 'yong kotse sa gasoline station, gagamitin ko papunta sa company."
"Opo. Kumain na po ba kayo? Kape po, gusto niyo?" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.
"Nagkape na ako, kumain na rin ako, may tinatapos pa ako, kunin mo na 'yong kotse ko tapos bumalik ka agad. H'wag ka munang masyadong magtatrabaho ha, baka bumalik ang lagnat mo."
Nag-aalala ba siya sa akin? Gusto ko sanang ngumiti pero baka sawayin niya na naman ako.
"Good morning po, kukunin ko lang po itong kotse."

BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Random"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...