Chapter 20

11 2 0
                                    

CHAPTER 20 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

Saan ba niya natutunan 'yon?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? Imposible, tulog siya nun e.

“Buri da ka, Miss Rose.”

“Buri da ka, Miss Rose.”

“Buri da ka, Miss Rose.”

Letcheeee!!!

"G-Ganyan ka rin ba kapag bagong gising?" Tanong ko na lang at inubos ang natitirang kape sa tasa ko.

"Good morning! Ano'ng mayro'n? Ang aga niyo naman gumising, heart to heart talk ba 'yan? Naka-istorbo ba ako?"

"Oo." Mabilis na sagot ni Russel sa kapatid niya.

"We're talking about you Rhianna, go back to your room, masyado pang maaga, pupunta tayo sa Mall of Asia later." Sabi ko at tila nagningning ang mga mata niya.

"Really? Omg! I'm so excited, sige, usap lang kayo d'yan, babalik na ako sa pagtulog ko para may energy ako mamaya."  Bumalik siya sa kwartong tinulugan niya. 

Hindi ako makatingin ng deretso kay Russel, totoo ba 'yong narinig ko kanina o naririnig ko lang 'yon sa isip ko?

"M-Miss Rose, n-nand'yan na po 'yong gagawa ng bintana."

"Papasukin mo, sabihin mong umpisahan na at may pupuntahan tayo mamaya."

Bakit kaya nakatingin lang siya sa akin? Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko? "Uulitin ko pa ba? Hindi mo ba naintindihan?"

"Na-Naintindihan ko . . . po."

Pinuntahan na niya ang lalakeng gagawa ng bintana.

"Russel." Tawag ko sa kanya.

"Bakit po?"

"Bantayan mo siya, may kutob ako, baka mamaya e utusan 'yan ni Rolly." 

"Yun nga rin ang naisip ko, pupuntahan ko na, sisiguraduhin kong doon lang siya sa pwesto niya."

Ang hirap kapag may trust issues ka, kahit mabait 'yong tao pag-iisipan mong may gagawing masama.   

"Ate, hindi na ako makatulog ulit, pwede bang mag-ready na ako? Excited na ako, hindi kasi kami natuloy ni Kuya doon e, nagkasakit kasi siya."

"Kaya nga naisip ko kanina na dalhin ka doon para naman maging memorable ang pag-stay mo dito sa bahay ko."

"Ngayon pa lang Ate sobrang memorable na, 'yong tipong kahit matanda na ako e hindi ko makakalimutan, thank you so much Ate, dagdag pa 'yong tinanggap mo si Kuya dito kahit allergic ka sa mga lalake, hay! I'll be forever thankful, thank you so much Ate thorns, i love you."  Niyakap niya ako kahit amoy laway pa siya.

"You're welcome always Rhianna, you can count on me anytime."

"Wala akong ibang masabi kun'di the best ka."

Namimiss ko ang mga salitang “the best ka” lalo na kung galing sa pamilya ko, hindi ko na matandaan kung kailan ko huling narinig ang “the best ka talaga!”, “Proud ako sa 'yo!”, lalo na ang “i love you!” mukhang hindi ko na 'yon maririnig buhat sa kanila. 

"Ate, tapos na raw 'yong bintana, natahimik ka na naman d'yan, ayos ka lang ba?"

"O-Oo naman, ibigay mo sa Kuya mo ang ibabayad, mag-ready ka na pagkatapos at aalis tayo ng maaga para marami tayong time para maglibot sa MOA."

Pumasok ako sa kwarto ko para huminga, parang nauubusan na ako ng hininga, sumisikip ang dibdib ko.

"Ate thorns, kakain na po."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon