CHAPTER 02 : ROSALINDA's POINT OF VIEW ★
"Rosa, nasaan na ba ang Kuya Russel mo? Bakit pinaghihintay itong girlfriend niya?" Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Nanay.
"Nay, maaga pong umalis si Kuya Russel, alam niyo naman 'yon hindi tumitigil sa bahay. At hindi niya po girlfriend itong si Roselle, bestfriend ko po siya." Sabi ko at kinindatan si Kuya Russel.
"Mukha ba talaga akong babae?" Bulong ni Kuya
"Oo, ang ganda mo, mas maganda ka pa kesa sa akin, hanip!"
"Bestfriend? Ngayon ko lang 'to nakilala ah."
"Eh kasi 'Nay galing po siya sa probinsya, sa internet po kami nagkakilala, mabait 'to, ang ganda ganda pa."
"Ang ganda nga pero kakaiba ang boses, natural na boses mo ba 'yan iha?" Tanong ni Nanay
"Ah, O-Opo." Sagot ni Kuya Russel na pilit pinapaliit ang boses.
Bago pa mahalata ni Nanay na nagpapanggap si Kuya Russel at nagpaalam na kami. "Nay, aalis na po ako. Ingat po kayo sa pagtitinda sa Divisoria."
"Salamat anak, mag iingat ka rin."
Naglakad kami patungo sa sakayan. "Ayusin mo nga ang paglalakad mo Kuya, para kang sigang naghahamon ng away pero naka-dress."
"Ano'ng gusto mong gawin ko insan, kumembot-kembot habang naglalakad? Ang taas kaya nitong heels mo, hindi ako sanay."
"Pumayag ka sa alok ko e so panindigan mo 'yan."
"Ano pa nga ba'ng magagawa ko? Kapag nalaman ng Boss mo na lalake ako, yari tayo pareho, sa kulungan ang bagsak natin."
"May puso yun si Miss Rose, alam kong maiintindihan niya ako kung bakit ko ginawa 'to, hindi ko naman ginawa 'to dahil lang sa pera, gusto kitang matulungan Kuya, nakikita ko ang hirap mo sa construction at gusto ko ring tulungan si Miss Rose na bumalik ang tiwala niya sa mga lalake dahil hindi lahat ng lalake ay manloloko, gets mo 'ko?" Tumango lang si Kuya Russel at hindi na nagsalita hanggang makarating kami sa Perfume de Cervantes.
"Handa ka na? Galingan mo Kuya para matanggap ka."
"Ready na ako pero hirap na hirap na ako dito sa heels mo."
"Sabi kasi sa 'yong mag rubber shoes ka na lang e, aayaw-ayaw pa kasi, magtiis ka."
"Rosa, nandito na si Miss Rose, hinahanap ka."
Napatingin ako sa relo ko, late na ba ako? Maaga pa naman ah, ba't ang aga niyang pumasok ngayon? "Seryoso Ate?" Tanong ko sa guard
"Kakarating lang nila, kasama niya si Miss Rhialene, puntahan mo na agad sa office at baka mapagalitan ka pa."
ROSE LYN's POINT OF VIEW ★
"Bakit pati ako e kailangan ko pang kilatisin yung tao? Queen, it's your decision. Kung ako ang tatanungin, lalake ang gusto kong makasama mo sa bahay, para bongga!"
"Napaka-supportive mong bestfriend, salute."
"Bakit kasi hindi ka pa kumawala d'yan sa nakaraan mo? Tatlong taon na ang nakalipas Queen, h'wag mo na kulungin ang sarili mo sa bagay na 'yon, kinarma na si Rico, nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa kanya."
"Hindi kasi gano'n kadali Hiru, alam mo naman ang mga pinagdaanan ko, hindi madali, hindi." Umiling iling kong sambit, sasagot pa sana siya pero pumasok ang secretary ko.
"Good morning po."
"Good morning Rosa, nasaan siya?"
"Tatawagin ko lang po saglit." Tumango ako.

BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Random"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...