Chapter 13

14 2 0
                                    

CHAPTER 13 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"Kapag nahiwa 'yang kamay mo, h'wag mo akong sisisihin."

Napaiwas siya, titig na titig kasi, kulang na lang matunaw ako dito sa kinatatayuan ko.

"A-Ako na lang po ang magluluto, Miss Rose."

"Ako na lang, puntahan mo na lang muna ang pinsan mo, bigyan mo ng tubig, baka mamaya e siya pala 'yong hindi makahinga dun."

"Sige po, babalik na lang po ako."

"Babalik ka?"

Napatigil siya sa paglalagay ng tubig. "P-Po? Kung . . . Kung gusto niyo po, b-babalik po ako."

"Magbabalikan kayo? Bakit, naging kayo ba?"

Pareho kaming napatingin kay Rosalinda at sinamaan ng tingin. "Kung maka-ganyan ka sa akin e para bang wala kang kasalanan ah."

"Sorry na kasi Miss Rose, hindi ko po 'yon sinasadya."

"Sinadya mo 'yon." Sabi ni Russel at tumabi sa akin.

"Halaaa! Totoo nga talaga! Akala ko kanina e nananaginip lang ako ng gising, okay ka na nga Miss Rose, i'm so happy for you. At ikaw Kuya, grabi ka, pumayag ka naman e."

"Oo nga, pero hindi para sa sarili ko, para kay Ranna. Ang hirap ng ginagawa ko, hindi lang si Rose . . . si Miss Rose ang niloloko ko, pati na rin ang sarili ko, gusto ko na talagang umamin sa kanya nung birthday niya pero ayokong dagdagan 'yong bigat sa dibdib niya, atsaka natatakot ako, natatakot ako na baka kung Ani ang mangyari sa kanya kapag nalaman niyang lalake ako."

"Oo na, kasalanan ko na."

"At nagtalo pa nga sa harap ko. Sige na, doon na kayo sa sala at malapit na maluto itong adobong manok."

"Gusto ko may itlog."

"Naglaga na ako."

Bumalik na si Rosa sa sala ko pero naiwan si Russel na nakatayo sa harap ng lababo.

"Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko doon muna kayo sa sala, hindi ko naman lalagyan ng lason ang pagkain niyo."

"Tutulungan ko na po kayo, maglalagay na po ako ng plato, luto na rin po ang kanin."

Napaka-kulet.

"Sige na nga."

Lahat talaga ng may kasalanan gagawin ang lahat para makabawi.

"Tawagin mo na si Rosa, luto na 'to." Inihain ki na Ang adobong manok, binalatan ko rin ang tatlong itlog at nag timpla ng juice.

"Let's eat, anong oras na e marami pa akong pipirmahan."

"Thank you dito sa masarap na lunch Miss Rose, papasok po ako later, babawi."

"Hindi, sasamahan mo ako dito, ang dami ko pang pipirmahan, ayusin mo ang mga papel."

"Eh pa'no ako?"

Napatingin ako kay Russel.

"Naku Kuya, umuwi ka na after nating mag-usap, may lakad kayo ni Ranna, baka magtampo na naman 'yon."

"Eh saan ka sasabay pauwi?" 

"Ihahatid ko na lang siya." Sabi ko sabay subo.

Biglang tumahimik, focus sa pagkain, ano kaya'ng iniisip ng dalawang 'to?

"So, galit galit muna?"

"Ay, pasensya na Miss Rose, ang sarap kasi ng adobo niyo, pwede mo na 'tong maging business."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon