CHAPTER 06 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★
"Bakit kasi hindi ka nagsigurado? Early person si Miss Rose, kahit madaling araw na 'yon matulog e maaga pa rin nagigising."
"Hindi ko alam e, atsaka uunahin ko pa ba ang pagme-make up kesa pagkakape e kumukulo na ang tiyan ko."
"Oo, dapat, kasi may tinatago kang imahe. Insan talaga e, buti na lang at hindi ka niya nakilala, patay tayo pareho kung nagkataon, baka matanggal tayo sa trabaho e ang laki pa ng babayaran ko para napasa'min na 'tong bahay." Sabi ni Rosa kay Russel at inabutan ng towel. "Maligo ka na, bilisan mo para makabalik ka agad doon, sigurado akong hinahanap ka na nun."
"Salamat insan."
"No problem Kuya. Sige na, bilisan mo na ang paliligo at baka magising na si nanay at ang masungit mong kapatid. Buti na lang at may damit pang pambabae dito, may wig rin at pahihiramin muna kita ng make up." Sambit ni Rosa sabay higop ng kape.
"Pahiram din ng pera, babayaran ko kapag naka-sweldo na ako."
"Pera para kay Ranna?"
"Oo, pati na rin pamalengke ko ngayon, gagawa ako ng paraan, kailangan makalusot ako kay Miss Rose."
"Dapat lang, bilisan mo d'yan at maliligo na rin ako."
Ilang minuto pa ang lumipas bago tuluyang lumabas ng banyo si Russel. "Oh, bakit ka tumatawa d'yan?" Tanong nito kay Rosa
"Akalain mo 'yon, nakauwi ka dito ng naka-boxer short lang, nakakahiya 'yon, HAHAHAHA!"
"Nagtakip naman ako ng mukha, katawan lang nila ang nakita ko."
Napailing na lang si Rosa. "E 'di nakita nila 'yang abs mo na hindi pa tumutubo."
"Wala akong choice, muntik na nga akong habulin nung aso, akala yata e buto akong naglalakad."
Ipinagpatuloy ni Rosa ang pagme-make up kay Russel. "Oh ayan, maganda ka na ulit hihi, alis na at baka makita ka pa ni Na–"
"Magandang umaga anak, ang ganda gising ko, hilutin mo ako ulit mamayang gabi ha."
Nagkatinginan ang mag-pinsan.
"Oh, may bisita ka pala anak.
Good morning iha, ang aga mo yata.""Ahh.. ehh.." Pilit pinapaliit ni Russel ang boses niya.
"N-Napadaan lang po Tita, papasok na rin po ako sa work."
"Ingat ka. Kumain ka na ba? Mag agahan ka muna."
"Hindi na, ah.. eh.. sa susunod na lang po Tita." Pasimpleng iniabot ni Rosa ang pera kay Russel. "Sige po, aalis na po ako." Nakangiting paalam ni Russel at nagmamadaling umalis ng bahay.
"Nay, kape?" Kinakabahang sambit ni Rosa
"Sige 'nak, ipagtimpla mo ako. Yung kaibigan mo, misteryosa, pero maganda siya ha, kung lalake lang siya e mapagkakamalang kakambal ng Kuya Russel mo hindi ba?"
"Aray." Daing ni Rosa, napaso siya ng mainit na tubig dahil sa sinabi ng kanyang Nanay.
"Ito na po ang kape niyo, maliligo na po ako." Nagmamadaling pumasok ng banyo si Rosa para takasan ang mga susunod na tanong ng kanyang ina, baka sa muling pagtanong nito ay mabanggit niya ang tinatago nila ng pinsan niya.
–
"G-Good morning po Miss Rose, gising na po pala kayo. Masakit po ba ang ulo niyo? Gusto niyo po ba ng kape?" Tanong ni Russel, pilit siyang ngumiti na tila walang nangyari, ayaw pahalata.
"Saan ka ba nagpunta Roselle?"
"Sa palengke po, maaga po akong nagpunta para fresh ang mga gulay at isda na mabibili ko. Gutom na po na kayo? Magluluto na po ako ng ulam." Napalunok si Russel ng makitang titig na titig sa kanya si Rose Lyn.
BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Random"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...