Chapter 30

17 4 0
                                    

CHAPTER 30 : RUSSEL's POINT OF VIEW ★

Mugtong-mugto ang mga mata ko, ayoko sanang umiyak in public pero ang hirap pigilan lalo na't tears of joy 'to.

Ang pag-iyak madalas dalawa lang ang rason n'yan e, kapag malungkot ka o kapag sobrang saya mo, maiiyak ka sa tuwa. Minsan naman kapag galit tayo, umiiyak na lang tayo, lalo na kung mas minabuti mong iiyak na lang 'yong galit kaysa makapagsalita ka pa ng hindi maganda.

"Ganito na lang Ranna, pagpunta niyo sa Bakery, kunin niyo na lahat ng crinkles tapos doon niyo na lang ako hintayin, pupunta lang ako sa bahay ni Rose, may kukunin ako at saka gagamitin ko 'yong kotse niya para may sakyan tayo, tatawagan ko rin si Rosa saka si Tita Raquel, isasama natin. Hindi na ako makapaghintay na makita si Rose." Oo, buhay siya.

FLASHBACK ★

"N-Namatay siya sa panganganak." Sabi ni Ranna at para bang bigla akong nanlamig, ang saya ko na e, sobrang saya na tapos biglang bagsak.

"Pero!"

"Pero ano? Ranna, h'wag ka na nga'ng magpaligoy-ligoy pa, kinakabahan ako sa 'yo e." Sabi ko, tapos ng kumain si Roselle at buhat-buhat ko na siya, kakaiba ang naramdaman ko nang yakapin niya ako.

"Pero, buhay siya."

Hayy, nakahinga ako ng maluwag, bumalik 'yong saya at ngiti.

"Ang kwento ni Mama."

Muli akong natigilan. "Mama? Nandito si Mama?" Tumango si Ranna.

"Si Mama ang nag-alaga kay Ate thorns simula nung nanganak siya. Kuya, sabi ko naman sa 'yo e, mahabang kwento 'to."

"At sabi ko rin sa 'yo na marami akong oras. Sige na, ituloy mo na para naman alam ko."

"So ayun nga, kwento ni Mama, hirap na hirap raw manganak si Ate thorns, sinisigaw nga raw 'yong pangalan mo e tapos ayaw talaga lumabas nung baby hanggang sa nagkagulo na raw 'yong mga doctor kasi hindi na kinaya ni ate na umere, nawalan na siya ng malay, ng heartbeat, wala na raw choice 'yong mga doctor kun'di i-cesarian si Ate kasi baka may mangyari sa baby kasi hindi nailabas ng normal, 'yon raw kasi ang gusto ni Ate Rose, normal delivery kaso hindi nga kinaya. Kwento pa ni Mama, pagkakuha sa baby, iyak raw ng iyak kaya inilagay nila sa tapat ng dibdib ni Ate Rose, bigla raw bumalik 'yong heartbeat ni Ate at para bang si Roselle ang nagbigay sa kanya ng panibagong buhay pero after nun hindi na niya maigalaw ang mga kamay at paa niya, hindi na rin siya makapagsalita." Tuluyan na nga'ng bumuhos ang luha ko, dapat nasa tabi niya ako nung mga panahong 'yon pero sa sobrang pagmamahal niya sa akin at ayaw niya kaming madamay, kumilos siya mag-isa. Ang t*nga ko lang sa part na hindi ko naramdaman ang mga 'yon, lagi siyang nakangiti, lagi siyang okay kaya akala ko okay lang ang lahat, hindi pala gano'n. Madalas kasi kung sino pa 'yong nakangiti, sila pa 'yong may mabigat na pinagdadaanan kaya dapat lagi nating kinu-kumusta, nakakatulong sa kanila 'yon.

"I love you." Bulong ko kay Roselle, nakatulog na siya habang buhat buhat ko.

"Kilala ka niya Kuya, palagi kitang kinu-kwento sa kanya, nahihiya lang siya kasi ngayon ka lang niya nakita."

Hindi ko na kailangan ng paliwanag o magtanong pa kung ano ang totoong nangyari, makita ko lang si Rose, sapat na 'yon.

* END OF FLASHBACK *

"Kuya, bakit ba? May nangyari ba kay nanay? Bakit mo ako pinapauwi ng maaga?"

"Walang nangyari kay Tita, basta umuwi ka na, sumunod ka na lang sa akin, nasa bahay na si Tita Raquel. Hintayin niyo na lang ako doon, may pupuntahan tayo, nandito pa ako sa bahay ni Rose, kinukuha ko ang kotse." Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, sana naman sumunod siya.

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon