Chapter 15

17 2 0
                                    

CHAPTER 15 : ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

"At 'yon na nga, gaya ng sinabi ko kanina, kailangan nating gumawa ng page, account sa mga social media platforms para ma-promote natin ang mga perfumes. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay napadalas ang paggamit ng mga tao ng cellphone lalo na't karamihan sa kanila at bored, scroll dito, scroll doon kaya naman naisipan kong gawin 'to, gagawa rin tayo ng YouTube channel, ipapakita natin sa kanila ang malawak na taniman natin ng mga rosas, i'm sure marami ang manunood at sigurado din akong tataas ang sales natin." Paliwanag ko, nagpatawag ako ng meeting para talakayin lahat ng plans ko, natutuwa akong makita na nakangiti lang sila habang nagsasalita ako.

Hindi ko hahayaang bumagsak ang kompanyang pinaghirapan ko, at kung sakali mang hindi na sila kontento sa kompanya ko, palalaguin ko 'to kahit mag-isa na lang ako. Hindi nawawalan ng tuso at traydor sa paligid na walang ibang gustong gawin kun'di ibaba ka, in other word, pabagsakin, kaya dapat handa ka sa mga ganoong tao.

"Gustong gusto ko talaga ang mga idea mo Miss Cervantes, matalino, magaling, perfect."

Abot-tainga ang ngiti ko. "Perfect, tulad ng mga perfumes natin."

"Hindi mo talaga binababa ang expectations ko sa 'yo."

"Thank you Miss Collins, tapusin na natin ang meeting na 'to sa isang malakas na palakpakan." Sambit ko, nilapitan ako ni Rosa at inabutan ng tubig.

"The best ka talaga Miss Rose. Napabilib mo na naman ang mga malditang 'yan." Bulong ni Rosa

"Sshhh, baka marinig ka." Saway ko, as usual babae lahat sila, hindi pa rin ako komportable sa lalake kahit maraming gustong maki-sosyo.

"Rosa, pakihatid na sila sa baba, dadaan lang ako sa office, naiwan ko ang susi ko doon."

"Opo Miss Rose, hintayin ko na lang po kayo sa baba. Tara na po mga Ma'am."

Nagtungo ako sa office ko , hindi maganda ang pakiramdam ko, feeling ko may nag-aabang sa akin sa labas ng company.

"Hello?"

"Ate! Free ka po ba today? Gusto kitang makita, gusto ko lang mag thank you dahil sa mga payo mo."

"Sure, send mo na lang sa akin ang address, pupuntahan kita."

"Okay ate Halimuyak."

"Tsk, Rhianna! H'wag mo nga akong tawaging Halimuyak, hindi lahat ng rosas may amoy." Tumawa lang siya sa kabilang linya.

"Okay ate Thorns, hihi."

Hayss, namimiss ko talaga ang kapatid ko dahil kay Rhianna, nakita ko lang siyang tumatawid dati, mukhang may balak magpasagasa pero agad ko siyang hinila at dinala sa condo ko, mukhang wala siya sa sarili niya that time, na-kwento niya sa akin lahat ng pinagdadaanan niya at naging dakilang taga payo niya ako ngayon, nakahanap ako ng little sister sa katauhan niya, sana gano'n din kami ng kapatid ko.

"Miss Rose!"

"Ano ka ba naman Rosa, nanggugulat ka."

"Sorry po, ang tagal niyo po kasi kaya binalikan ko na kayo." 

"May tumawag kasi, gusto mo bang sumama sa akin? May pupuntahan ako ngayon."

"Gusto ko Miss Rose kaso may lagnat ang nanay, walang mag-aasikaso, nakakahiya naman kung iaasa ko kay Kuya Russel."

"Pagaling kamo siya. Bibigyan kita ng pambili ng gamot." Kumuha ako ng one thousand sa wallet.

"Salamat Miss Rose."

"Wala 'yon. Sige na, umuwi ka na, dadaan pa ako doon sa kabila. Tingnan mo nga pala kung nasa labas 'yong pulang motor tapos sabihin mo sa akin."

Napakunot noo si Rosa. "H'wag ka na magtanong, basta kapag nakita mo 'yon e lumayo ka na agad, magpunta ka sa mataong lugar, hindi mabuting tao 'yon, para hindi ka na magtaka kung bakit ko sinasabi 'to, ang masasabi ko lang e isa siya sa sumira ng buhay ko, noon." May gigil kong sambit.

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon