Chapter 26

12 2 0
                                    

CHAPTER 26 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"So, nasaan sila ngayon?"

"Nasa isang magandang resort po Boss Rolly, mukhang birthday nung dalagita."

Napangisi si Rolly. "Itutumba na ba natin Boss? Isang pasabog lang dun tapos na ang maliligayang araw nila." 

"Kumalma ka, h'wag muna, alam kong kating-kati na ang mga kamay mong pumatay pero hayaan na lang muna natin silang magsaya kasi huli na 'yon, BWAHAHAHAH! Susundin natin ang plano, nakakalat naman ang mga tauhan natin e, subaybayan ang bawat isa sa kanila, ang mga magulang ni Roselyn, ang mga kaibigan niya at higit sa lahat ang Kompanya niya at 'yong walang hiyang boyfriend niya, hinding-hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanila kapag nagkita kami."

"Mukhang nagpalit na naman ng number si Cervantes, Boss."

"E 'di gawan mo ng paraan, dapat bawat galaw niya alam natin at dapat alam niya na alam natin ang ginagawa niya bawat oras." 

"Ang gulo Boss, hindi ko ma-gets."

"Bobo kasi kasi! Ang ibig kong sabihin i-text niyo siya lagi na alam natin ang bawat galaw niya! Imposibleng hindi niya nababasa lahat ng text ko, mga siraulo kayo! Bigyan niyo nga ako ng beer! Sayang ang mga binabayad sa inyo, walang kwenta!" Galit na sigaw ni Rolly, ilang sandali pa ay bumalik siya sa mga tauhan niya.

"Tawagan niyo ang mga kasamahan niyo sa iba't-ibang lugar, papuntahin lahat dito, lahat! Marami tayong pag-uusapan, sa lunes sisimulan na ang lahat ng plano, sisimulan na nating pabagsakin ang babaeng sumira ng negosyo at buhay natin, akala niya yata ligtas na siya, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi niya pinagbabayaran ang ginawa niya sa kapatid ko!" Gigil na sambit ni Rolly at binato ang darts sa dart board, bulls eye. 

ROSE LYN's POINT OF VIEW ★

Ayaw kong umiyak, ayaw kong umiyak!

H'wag ngayon, please.

"Ano kasi Mahal, may . . . may nangyari sa atin nung gabing 'yon."

Sa wakas, inamin niya rin.  "Alam ko Mahal, kaya ko nga nalamang lalake ka e." Ang bigat sa dibdib makitang umiiyak siya.

"Sorry."

"I love you." Sambit ko at lalo siyang umiyak.

"Mahal, sorry."

"Hinihintay ko lang naman na aminin mo sa akin eh. Mahal, lasing tayo pareho nun pero nagising akong katabi ka, bigla akong umiyak nung nakita kita, hindi ko rin alam ang totoong nangyari pero alam kong may nangyari, nagtulog-tulugan ako nung nagising ka. Pinalitan mo ako ng damit, pang ibaba at lang itaas, pinalitan mo rin 'yong sapin sa kama at kumot, gising ako nun. Niyakap mo ako at hinalikan ng ilang beses sa noo sabay sambit ng “sorry” at “i love you” bago ka lumabas ng kwarto ko, M-Mahal.."

"M-Mahal, sorry, sorry."

Niyakap ko siya, mahigpit. "Mahal kita, wala kang kasalanan, Mahal kita Russel." Hinalikan niya ako sa noo, sa tuwing ginagawa niya 'yon, i feel safe.

"Alam mo ba kung bakit kita pinauwi?" Umiling siya. "Tini-test ko 'yong sarili ko, kung mamimiss ba kita o hahayaan na lang kitang maglaho sa buhay ko na parang bula, kaso hindi ko kaya, palagi kitang tinatanong kay Rosa."

Ngumiti siya, naalala ko tuloy 'yong “Buri da ka.” Yun 'yong time na na-realize ko na mahal ko na talaga siya.

"Kahit kasama kita namimiss kita, kaya nag-decide ako na kahit ano'ng mangyari e hindi ko  hahayaang mawala ka sa kin, hahayaan ko na lang ang sarili ko na mahalin ka, hindi ko nga akalaing mamahalin mo rin ko e. Gustong-gusto ko kapag niyayakap mo ako at hinahalikan sa noo, kumakalma ako, gumagaan ang pakiramdam ko, thank you Mahal, akala ko hindi na babalik 'yong dating ako pero dahil sa 'yo mas minahal ko ang sarili ko, kasi pinaparamdam mo na sapat ako, na kaya mo akong mahalin kahit sino pa ako. Mahal kita, mahal na mahal kita Russel."

Pinahid niya ang mga luha ko. "Mahal, una sa lahat, sorry. Sorry kasi may nangyari sa atin ng hindi sinasadya, sorry kasi hindi ko nasabi agad, natakot ako na baka hindi na tayo magkita kapag inamin ko sa 'yo, mahal na mahal kasi kita. Alam nila na wala talaga akong balak mag-asawa kasi takot ako na baka iwan din ako tulad ng ginawa ni Mama sa amin pero nung nakilala kita, nagbago, kasi alam kong ipaglalaban natin 'yong “tayo” kahit ano'ng mangyari. Mahal na mahal kita Rose at pipiliin kita araw-araw,mas mamahalin pa kita sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon hanggang sa lisanin na natin ang mundong ito, I love you so much."

"I love you. Mahal, alam mo ba kung bakit ako umiyak nung nakita kita sa tabi ko nung birthday ko?" Umiling siya. "Mahal, hindi mo ba ako natatandaan? Kasi ako, natatandaan kita."

Napakunot noo siya. "Ang alam ko lang e nagkita tayo noong naka-damit pambabae ako at ang panget tingnan, sissy pa nga ang tawag ni Rosa sa akin nun e." Napailing siya.

"Six years ago, isa isang lumabg gusali sa San Vicente."

"San Vicente? Parang may natatandaan ako sa lumang building na 'yon, napadaan kasi ako doon dahil sa kliyente namin na may ari nun, tinatanong niya kung pwede pa raw ba ituloy yung building at kung pwede pa magamit 'yong mga materials na nakatambak lang doon. May nakita akong mga tao sa loob, may apat na lalake tapos isang babae na walang malay, hawak-hawak nila at mukhang may gagawing hindi maganda, mabuti na lang at marunong akong mag-taekwondo kasi tinuturuan kami ng kapit bahay namin dati, nailigtas ko 'yong babae at dinala ko sa hospital. Naaalala ko pa pala Mahal, sana ayos na  'yong babae, puro pasa ang mukha niya nun tapos puro sugat ang katawan. Nasaan na kaya 'yong babaeng 'yon ngayon?"

"Nandito sa harap mo, hawak mo ang kamay at girlfriend mo na ngayon. Salamat sa pagligtas sa akin ha, Super Russel."

Napaseryoso siya, binitawan ang kamay ko at tumayo. "Mahal? Ikaw 'yon? Mahal, mahal.." Niyakap niya ako agad, "I love you, I love you!" Paulit-ulit niya akong hinalikan sa noo.

"Tara na sa labas Mahal, mag-swimming na tayo." Masayang sambit niya.

"Mauuna na ako Magal." Sabi ko, may kinukuha pa kasi siya sa bag niya.

"Mahal!" Sigaw ko nung nasa baba na ako, ang tahimik kasi, nawalan ng tao? Nasaan na kaya sila Ranna? Bigla tuloy akong kinabahan.

"Mahal! Mahal wala sila!" Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko, bumalik ako sa hagdanan ng biglang may tumugtog, ako 'yon ah, boses ko 'yon, kinanta ko 'yon sa isang restaurant sa Mall of Asia.

“H'wag ka ng umalis, h'wag ka ng lumayo.”

Russel?

Napabalik ako sa may swimming pool.

“Dito ka lang sa aking tabi.” Kanta niya, saan siya dumaan? Bakit nandito na siya agad sa baba?

"Hi Mahal, i love you." Sabi niya with a sweet voice.

"Mahal na mahal kita, wala akong masabi kun'di mahal kita. Kahit isang buwan pa lang tayo ngayon e parang sobrang tagal na nating nagmamahalan at handa akong mahalin ka habang buhay."

Teka, teka! Ano'ng nangyayari?

Naglabasan na sila Rosa.

Napalunok ako, hindi ako handa.

"ROSE LYN CERVANTES, payag ka bang maging MRS. FUENTENEGRO?" Tanong niya at naglabas ng box, lumabas din si Rico at Rhialene na may hawak na, “Will You Marry Me?”

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko, ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ayaw tumigil sa pagluha ng mata ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Payag ka bang maging asawa ko, Mahal?"

"O-Oo naman, YES!"

Tears of joy, minsan lang tayo makatagpo ng taong totoo magmahal, h'wag na nating pakawalan.

"I love you Mahal."

"I love you too, Mister ko."

* End of Chapter 26 *

A/N : Heyiee Chubbabies 💜 thank you! Don't forget to vote and comment, keep rockin' rockerzz!! 🤘

  >🎸

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon