SPECIAL CHAPTER // EPILOGUE *
ROSE LYN CERVANTES POINT OF VIEW ★
Kahit ako nagulat din ako sa nagawa ko ngayong araw, araw-araw ko rin kasing sinusubukang tumayo, maglakad at magsalita pero wala e. Dumating na rin sa puntong mismong sarili ko sinukuan ko na, I'm out of my mind,m at there was a time na sinubukan kong kitilin ang sarili kong buhay, sa sobrang lungkot, sa dami ng iniisip, hindi ko ma kilala ang sarili ko pero mabuti na lang at nakita ko ang anak ko, naalala ko ang mga sinasabi lagi sa akin ni Russel, na hindi niya ako iiwan, na mahal na mahal niya ako, sobrang hirap para sa amin na hindi siya makasama but I don't have choice, hindi ako makapagsalita, hindi ako makagalaw ng maayos, natanggap ko na nga na mamatay na lang akong ganito, walang silbi, wala ng kwenta pero lahat talaga nagbabago e, imbes na sisihin ko ang sarili ko sa lahat ng kat*ngahang ginawa ko, nagdasal na lang ako, huminge ng gabay kay Lord at ipinagkatiwala sa Kanya ang lahat.
Alam niyo ba kung ano ang wish ko ngayong birthday ko? Hindi 'yong makalakad ako o makapagsalita ako, ang wish ko e sana makita ko ang pamilya ko at ito, wish granted, kayakap ko na ang lalakeng mahal ko, nakapag-salita at nakatakbo pa, miracle. Mayroong Diyos, nand'yan lang Siya palagi, hindi tayo pababayaan, hindi Niya tayo bibigyan ng pagsubok ng hindi natin kakayanin, magdasal ka, kausapin mo Siya, ipagkatiwala mo lahat sa Kan’ya, magiging magaan at masaya ang buhay mo.
"Mahal, i love you, happy birthday!"
Wala pa rin akong tigil sa kakaiyak, akala ko ubos na ang luha ko sa ilang taon na lumipas, araw-gabi akong umiiyak pero mas bumubuhos ngayon kasi sari-saring emosyon.
"S-Salamat M-Mahal, i love you, I miss you so much." Parang hindi na ako makahinga.
"Tubig, tubig!" Sigaw ni Rhianna pero siya rin naman ang tumakbo papuntang kusina para kumuha ng tubig. "Ate, inom ka muna, upo ka dito."
Masaya ako na parang kapatid ko na rin talaga si Rhianna, tinanggap ko na, na hindi na ako kayang tanggapin ng pamilya ko pero masaya ako na may pamilya pa ring kumupkop sa akin, sila Tita Raquel, si Rosa, si Ranna at ang Mama nila na laging nasa tabi ko sa loob ng anim na taon, okay na dun.
"Kuya, magpalit ka muna, hindi ka ba nahihiya sa anak mo na ganyan ang suot mo?"
"Rosalinda, baka nakakalimutan mo na ikaw ang nagsimula nito."
"Oo, hindi ko naman nakakalimutan, kaya mga kayo nagkaroon ng ganito kagandang anak e." Sabi ni Rosa at pinisil sa pisnge si Roselle.
"A-Anak, halika dito sa Mimy." Sabi ko at lumapit naman siya sa akin, yumakap.
"A-Ako ang Papa mo, a-anak." Sabi ni Russel at hinalikan sa noo ang anak namin.
"I love you Papa, i love you Mimy. I'm hungry na po, I want crinkles."
"Hayy, everyday crinkles." Sabi ni Rhianna at sinamahan ang pamangkin na kumuha ng crinkles.
"Samahan ko lang po si Russel magbihis, mag-uusap din po kami saglit, pwede na po kayong kumain." Sabi ko, inalalayan aki ni Russel na maglakad, pumasok kami sa kwarto ko at nagbihis siya sa banyo.
"Mahal?"
"Nandito lang ako Mahal." Sabi ko
"I love you." Sambit oannita kahit nasa loob pa siya ng banyo.
"I love you." Humihikbi kong sagot, i miss his voice, i miss his smell, everything about him.
"Mahal, sorry." Sambit ko ng yakapin niya ako.
"Shhh, wala kang kasalanan, hindi na mahalaga 'yong nangyaring hindi maganda noon, 'yong ngayon na magkasama na tayo ulit, ito ang mahalaga. Namiss kita ng sobra. Araw-araw akong pumuoubta sa bahay mo, nagbabakasakaling nandoon ka, hinihintay ako."
BINABASA MO ANG
DANGEROUS Danger Rose
Acak"My hair is messy, my life too." Paano niya makikilala ang true love niya kung dahil sa isang pangyayari sa buhay niya ay naging iwas siya sa mga lalake? Si Rose Lyn, ang babaeng sing ganda ng isang rosas ngunit may matinik na pinagdadaanan sa buh...