Chapter 01

61 6 0
                                    

CHAPTER 01 : AUTHOR's POINT OF VIEW ★

"Nandito na si Miss Rose." Sambit ng secretary kaya tumigil ang mga naglalakad na worker at tumingin kay Rose Lyn, nag bow.

"Good morning Miss Rose Lyn."

"Good morning." Mabilis itong naglakad papasok sa opisina.

"Ang mga sale kumusta? Nasaan ang mga papel? Ilagay sa mesa ko." Masungit na tanong ni Rose Lyn.

"H-Heto na po Miss Rose."

"Rosalinda."

"Miss Rose?"

"May nahanap ka na bang mapagkakatiwalaan? Gusto ko e yung pwede kong makasama sa bahay, hindi malikot ang kamay."

"Wala pa po Miss Rose, naghahanap pa rin po ako."

"Pakibilisan, ayoko na pinaghihintay."

"Noted Miss Rose."

"Okay. Back to your work."

"Bakit ba ganyan ang ugali ni Miss Rose? Ang sungit ng aura niya, bihira lang siya makipag usap at ngumiti, at naku! Ma-attitude talaga."

"Dahil lang sa itsura niya hinusgahan mo agad?"

Pilit na ngumiti ang babae. "Subok na 'yan ng panahon, maraming pinagdaanan."

"Wala siyang pamilya? Boyfriend?"

"Pansin mo bang walang lalake dito sa kumpanya niya?" Tumango-tango ang baguhan sa trabahong babae atsaka tumingin sa opisina ni Rose Lyn. "Ayaw niya sa lalake. Sayang, ang yaman niya tapos walang magmamana."

"Kayong dalawa, tama na ang kwentuhan, back to work." Pagsita si Rosalinda sa dalawang babae at agad namang nagtungo ang dalawa sa malawak na hardin.

"Excuse me, gusto kong makausap si Miss Rose Lyn Cervantes, pwede ba?"

"May appointment po ba kayo?" Tanong ni Rosalinda at tiningnan niya ng babae mula ulo hanggang paa.

"Wala. Pakisabi sa kanya, ako ang Tita niya."

Ngumiti si Rosalinda. "Saglit lang po, maupo po muna kayo d'yan, pupuntahan ko lang po saglit si Miss Rose." Nagmamadaling pumasok si Rosalinda sa opisina at ipinaalam ang sinabi ng babae.

"Tita? Wala akong Tita, baka scammer 'yan, ayokong maloko ng paulit-ulit."

"Ano po'ng sasabihin ko?"

"Pupuntahan ko siya, ayusin mo na ang mga papel at ako na ang bahala sa kanya."

"Opo."

Sinilip ni Rose Lyn ang babaeng naghihintay sa labas.

"Tita?" Bigla siyang natawa, "Kapag kumikita ka na talaga ng pera, lumalabas ang mga kamag anak." Bulong niya bago lumabas, nakatalikod ang babae, naka sumbrero at naka-dress na abot hanggang sakong.

"Excuse me, gusto mo raw akong makausap?"

Pagharap ng babae ay, "Hiru!" Bulalas na Rose Lyn

"Hey Queen, I'm back with the bang!" Agad na yumakap si Rose Lyn kay Rhialene.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka dito? E 'di sana pinasundo kita sa private jet ko."

"Loka, wala kang private jet, kalabaw lang ang kaya mo."

"Wala kang alam." Atsaka umismid, binatukan siya ni Rhialene.

"H'wag mo nga akong ganyanin sa harap ng mga worker ko, baka mawalan sila ng respeto sa akin."

DANGEROUS Danger RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon