Inbox 1. First Day High!

36.4K 498 14
                                    

-----

"Yuri matulog ka na anak! Maaga pa pasok bukas,first day of school mo pa naman sa new school mo" litanya ni Mama ng sumilip sya sa kwarto ko. Mukhang mas excited pa sa akin eh :D

"opo Ma" sagot ko at umalis na si mama.

Ako nga pala si John Yuri Mendoza, 16yrs old at isang beki. Yup! Tama kayo sa nabasa nyo, ladlad ako at tanggap yon ni mama at papa,kaya lang hindi naman ako tulad ng iba na pagirl at pala make up. Simple lang ako, what you see is what you get. Gets? ^_^

Eto nga,nilipat ako ng school kung kelan 4th year High School na ako, nung una ayoko talaga at halos mag tatumbling ako sa loob ng bahay para huwag lang ako mailipat. Pero ang ending, hindi ako nanalo T_T

Kung ano kasi ang disisyon ni mama at papa ay hindi na pwedeng bawiin at baliin. Pero hindi sila mahigpit o kung ano pa man, mahal na mahal nila ako at ganun din sila sa akin, dahil kung hindi ay hindi nila matatanggap pagiging beki ko at baka sa lansangan na ako pulutin habang nakikipagchikahan sa mga taong grasa diba?

Matapos ko ilock ang pinto ay humiga na ako at kinuha ang cellphone ko. Nag start mag type at nag GM! Haha! Mahilig ako mag GM eh,baduy at jologs man pero isa yun sa kasiyahan ko, sumali kasi ako ng text clan.

- Goodnyt err'one!

Meme na ako,

maaga pa pasok bukas

at first day pa naman.

Sana maging okay ang

lahat! :D

TEXTCall? Tom ako repz

after skul :)

~ YURI

gm@BLR

Pagka send ko sa group list ay pumikit na ako,namimigat na talukap ko,ayoko namang magmukhang zombie bukas no!

-----

Pagka gising ko ay agad na akong naligo at kumain kasabay si Papa, papasok na din kasi sya sa trabaho.

Pagkatapos magprepare ay kinuha ko na ang phone at bag ko sa kwarto at nagpaalam na kami kay Mama.

Ihahatid kasi ako ni Papa gamit ang kotse namin. Yes! May kotse kami no? Second hand nga lang, hindi naman kami dukha at hindi din kami mayaman, sapat lang ang aming estado.

Pagkarating sa school ay nalula ako sa dami ng tao. Ito ba talaga ang St.Adams?-__-

"oh anak,uwi agad pagkatapos ng klase" paalala ni Papa bago ako bumaba ng kotse.

Pagkapasok sa gate ay namangha naman ako sa ganda at laki ng school na to! Ang sarap mag cartwheel sa napaka laking oval nila.

Ang daming estudyante mapa high school man o college! Ang dami ding gwapo! HAHAHA mukhang gaganahan ako mag aral dito ah? ^____^

Habang naglalakad at hinahanap ko ang magiging classroom ko ay tiningnan ko ang phone ko.

285 messages recieved

WTH?! Ang bilis dumami ah? Ilan lang naman kaming members dun sa clan nasa 93 lang.

Iniscan ko muna ang mga message pero hindi ko muna binasa lahat.

Sa wakas! Nakita ko na din ang room ko! Haha tagumpay ito para sa akin hoho!

Ng biglang may bumangga sa akin at sa pagkataranta ko dumulas sa kamay ko ang pinakamamahal kong N95!

Ayon bumagsak sya sa sahig at nagkalas kalas.

Agad kong tiningnan ang hudas na may kagagawan kung bakit nagkaganun ang phone ko,huhu wala na akong pang GM!

"Hoy!" tawag ko sa naka bangga sa akin,lumingon lang sya at pumasok sa room!

Aba't?! Kaklase ko pa ang hudas na yon?! Gggrr! >_

Pinulot ko ang phone ko at ikinabit ang keypad at housing.

Waaahh! Thank God at gumagana pa sya! Yey!

"humanda kang kumag ka! Pagbabayaran mo ang pagka chop chop ng phone ko" sabi ko pang ganyan at pumasok na din sa classroom.

A/N ~ Ayan po muna bilang panimula,sana madugtungan ko agad. Comment at vote naman dyan hahaha! Kapal eh no? Thanks po in advance ^_^

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon