Inbox 22. Gelo : The Guardian Angel

9.5K 242 11
                                    

Yuri's POV

It was monday now,mabigat pa din ang kalooban at pakiramdam ko,hindi ko alam kung papano ako haharap sa mga classmates ko at sa mga tao dahil sa video na yun at sa nasaksihan nilang pag kompronta sa akin ni Kurt last week.

Hindi ko naman ginusto ito eh :(

"Bakla! Tayo naman ang gumawa ng sex video" sigaw ng isang lalaki habang papunta ako sa room. Napayuko ako,hindi ko na ata kakayanin ito,masyado ng mabigat.

"Huwag dude ako muna,tingnan ko kung magaling talaga sumubo"- boy1

"nakakadiri ang baklang yan"- girl1

"at may kapal talaga ng mukha na magpakita pa girl"- girl2

"He's a fag! Eeww kadiri"- girl3

Sa narinig ko hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Bakit ba ako nagdudusa sa kasalanang hindi ko ginawa at wala akong alam?

Pagka tapat ko sa pinto ng classroom ay bumuntong hininga muna ako at pinahid ang aking mga luha. Kailangan ko maging matatag sa harap nila. Kailangan ipakita ko na hindi ako mahina. Kailangan. . .

Pag pasok ko lahat sila nakatingin sa akin na para bang nakakita sila ng taong may nakakadiri at nakakahawang sakit. Ang tropa nakatingin sa akin na puno ng awa ang mga mata. Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin nila.

Pagka upo ko sa aking armchair napansin kong hindi na si Kurt ang katabi ko. Ng hanapin ko sya ng aking mga mata ay nakita ko sya,katabi ni Ana.

Ang sweet nilang nag uusap,si Kurt parang ang saya saya nya,samantalang ako? Eto lugmok at halos mamatay na.

Ng halikan ni Ana si Kurt ay napatingin silang dalawa sa akin. Si Kurt blangko ang expression,si Ana nakangisi.

That bitch! Malaman ko lang na may kinalaman sya sa mga nangyari sa akin ay pasensyahan na lang.

Parang unti unti hinihiwa ang puso ko,sobrang sakit. Mas masakit pa sa mga sugat na nakukuha ko pag nahihiwa ng kutsilyo o pag nadadapa.

Kinalma ko ang sarili ko,nangako ako sa tropa nung isang araw na kakayanin ko ito at hindi ako susuko. Kinausap ko sila na pag kasama nila si Kurt ay ako ang lalayo at dapat hindi sila lalapit sa akin. Ayaw ko na dahil sa akin magkaron din ng issue sa tropa. Tama ng ako na lang ang mawala. Hindi naman ako ganon ka importante. Ayaw man nila sa sinabi ko ay wala silang nagawa kundi ang sumang ayon.

Sa apat na magkaka sunod na subject lutang ako at walang naintindihan. Kahit nung kinongratuleyt na kami ni Maam Sanchez dahil sa success ng Intramural at foundation ay wala akong naramdamang saya.

Break time,nagpahuli talaga ako,hinintay kong makalabas at makapunta muna ang lahat sa canteen bago ako sumunod.

Dapat pala nagbaon na lang ako ng pagkain, bukas na bukas magbabaon na ako para hindi ko na kailangang pumunta pa ng canteen.

Ng makarating sa canteen ay agad na akong bumili ng pagkain,ng makuha ko na,naghanap na ako ng pwesto, malayo sa pwesto ng tropa, kasama kasi nila si Kurt.

I was in the middle of savouring the food,kahit ang totoo ay halos hindi ko din ito malasahan ng may lumapit sa akin at buhusan ako ng malamig na juice sa ulo. Hindi ako nakagalaw,nagtimpi ako. Ng lingunin ko kung sino ang hinayupak na gumawa nun. Nagulat ako sa nakita.

Si Ana.

"Serves you right two timer fag! Kulang pa yan sa panloloko mong ginawa sa pinakamamahal ko" galit na sabi nya.

Pinakamamahal? I dont get it? Why is she doing this to me? Lumalakas ang hinala ko na may kinalaman sya sa mga nangyari.

"Hindi ka makasagot dahil totoo? Pinilit kitang maging kaibigan dahil akala ko mabaet ka! Hindi pala! Malanding bakla! Baboy!" sigaw nya sa akin.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon