Gelo's POV
"YURIII!!!" sigawan ng tropa.
"Yung tao mababangga!!" sigawan ng mga tao sa park at sa buong paligid.
Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Kitang kita ko kung pano nabangga si Yuri ng kotse. Nanlamig ang pakiramdam ko at nanlambot ang tuhod ko,namutla ako,parang biglang nawalan ako ng dugo at huminto ang tibok ng puso ko.
Nagtakbuhan ang tropa at mga tao sa kanya.Dahan dahan akong lumapit. Ang bigat ng pakiramdam ko. Dahil sa akin kaya nangyari to. Oh God!
"Dalhin natin sya sa ospital!!" sigaw ni Kurt at binuhat si Yuri. Punong puno si Yuri ng galos at dugo.
"Please call Tita and Tito now!" tarantang sigaw ni Jopet.
Ng maka alis sila sa bunton ng mga taong nakiki usyoso napatigil sila at napatingin sakin. I feel guilty, hindi ko alam ang sasabihin ko.
Masamang tingin ang pinukol nilang lahat sa akin. Lalo na si Kurt at Clyde,tapos nilampasan nila ako at isinakay na sa kotse si Yuri at umalis.
"Its all your fault" napalingon ako sa nagsalita. Si Sugar. Basang basa na ang mukha nya ng luha. Tapos bumaling sya kay Bianca.
Damn! I almost forgot my kasama pala ako!
"Happy now bitch?! We saw what you did!! Alam ko ang sinabi mo kay Yuri! At pag may nangyaring hindi maganda sa kanya lalo,humanda kayong dalawa! Pagbabayaran nyo to! Youre messing with the wrong group!" galit na singhal nya at dali dali ng umalis para sumunod sa ospital.
I was dumbfounded,hindi ko na alam magiging reaksyon. I looked at Bianca and she seems so shock. Was it because of the accident o dahil sa sinabi ni Sugar?
Hinarap ko si Bianca. I made up my mind. I dont want to live in regrets. Magalit na sa akin sina Mom and Dad at ang parents ni Bianca. But I just cant leave Yuri behind. I wont just stand here and wait for him to die. I WONT!
"Bianca,Im quitting,back out na ako sa gusto ng parents mo, Im sorry,but I dont love you and I cant marry you" straight kong sabi.
"WHAT?! No way! Hindi ako papayag! Papabagsakin namin ang kumpanya nyo! Youre mine Gelo! Dont do this!" sigaw sa akin ni Bianca.
"Youre beautiful,witty,rich, but I dont love you. Please dont be selfish and stubborn Bianca" buong kalma kong pagpapaintindi sa kanya.
"NO!!"
"Hindi ako payag! Youll regret this!" dagdag na sigaw ni Bianca.
"Im sorry Bianca" tumalikod na ako at nagmadaling sumakay sa kotse ko at pinaharurot papuntang ospital.
Kurt's POV
Nandito kami ngayon sa lobby ng ospital. Hinihintay ang resulta. I just cant believe na nangyari ito kay Yuri.
Nilingon ko ang tropa,The girls were hardly crying, ang mga boys naman tahimik.
Hindi ko maintindihan kung bakit si Yuri ang nakakaranas ng mga ganitong bagay? Pwede namang ako na lang. Hindi pa nga sya nakaka alis sa stage ng pagiging heart broken nadisgrasya pa sya. Thank God at naisipan namin sya hanapin sa park.
Nakaramdam ako ng matinding galit kay Gelo. Ang kapal ng mukha nya,wala na nga syang ginawa para awatin yung babaeng kasama nya sa pag kompronta kay Yuri wala din sya ginawa ng maaksidente to! Ganon na lang ba nya inayawan si Yuri? Ganon na lang ba yon?
"Tang ina!!" napasuntok ako sa pader sa sobrang frustration.
"Pare,kalma lang,magdasal na lang tayo" sabi ni Jinx ng makalapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Inlove With You [Completed]
Teen Fictionkwentong high school,pag ibig high school ng isang beki at isang lalaki ;) maging masaya kaya ang high school love life? Akala nyo girl lang pinag aagawan? Well,lets see XD. Subaybayan natin ang masaya at masalimuot na buhay pag ibig ni Yuri :D