Yuri's POV
Yey! Dito na kami sa Retreat House sa Bulacan,kasunod namin ang Freshmen Engineering. Nasan na ba si Gelo?
Habang papasok kami sa retreat house ay tumabi at sumabay maglakad sa akin si Kurt. Psh! Problema ba nito? Nilingon ko ang tropa at parang manghang mangha din sila sa laki at linis ng retreat house.
Sinalubong kami ng tatlong madre at inassist papunta sa mga rooms namin. Syempre hiwalay ang boys at girls. At malakas pakiramdam kong mapag kakaisahan kami ni Jepoy dito. Subukan nila! I will crash their scrotum pwahaha! ^___^
Syempre mabilis ako kumilos at yung magandang pwesto ng bed talaga ang kinuha ko,yung pang solo haha!
"Teh palit tayo! Ayokong kasama yung si King! Mamamatay ako sa kunsimisyon" reklamo sa akin ni Jepoy ng lumapit.
"Ayoko nga,baka ako mategi sa kunsimisyon, ayos na yan kesa wala" sagot ko. Bigla naman nya ako tinitigan.
"Bakla ayoko ng ganyan mong tingin!" sabi ko sa kanya at umayos sa pagkaka upo sa kama.
"Ang blooming mo ah? May nangyari na senyo ni Gelo no? Ano confirmed? Malaki ba?" nanlalaki ang matang tanong nya sa akin.
Waaahh! Grabe nakakahiya tong impaktang to! Nilibot ko ang tingin sa kwarto,buti abala ang mga boys sa pag aayos ng mga gamit nila. Nakakahiya kung narinig nila sinabi ni Jepoy.
Kahit pakiramdam ko ay namumula na ako,sinakyan ko ang trip nya.
"Secret,baka agawin mo eh" pabulong kong sagot sa kanya, bigla naman nya ako hinampas ng unan na dala nya.
"Ang landi mo!" sabi nya sabay tawa.
"Hoy mahiya ka! Ikaw nauna! Hala sige mangumpisal kana agad kay Father! Masyado kana makasalanan" sagot ko naman sa kanya na tinawanan lang niya.
Then I saw Kurt looking at me straight,bago ako mag iwas ng tingin ay nakita ko pa syang nilapitan nina Clyde.
"Hala ka? Wala kang dalang unan at kumot?" maya maya ay sabi ni Jepoy.
Doon ko lang narealize na wala nga akong dalang unan at kumot. Mukha pa namang malamig dito pag gabi :/
"Nakalimutan ko kasi eh,ayos lang yan,yung bag ko na lang gagawin kong unan" sagot ko. Maya maya ay tumunog ang bell,then pumasok si Mam Sanchez para tawagin kami. Pupunta kami lahat sa isang function hall para mademonstrate ang mga activities,nandun na daw ang mga Engineerings.
Pagdating namin dun kanya kanya kami ng upo, agad ko nakita si Gelo,nakatingin sa akin at nakangiti then kumindat.
Holy cow! Sa simpleng kindat parang tumalon ang puso ko! Grabe talaga tong si Gelo punong puno ng karisma!
"Good afternoon everybody,Im Father Justin at nandito ako para mag discuss ng mga konting bagay bagay, as you can see,kasama nyo ang mga freshmen college of Engineerings, sa retreat na ito,pwede nyo sila kausapin,kaibiganin so that makakuha kayo ng whereabouts sa college life. .Blah blah.." medyo nakaka antok din pala ang ganito. Salita lang ng salita si father ng kahit anong related sa retreat at kay God.
Bumalik lang ako sa wisyo ng sabihin na mag introduce daw isa't isa at banggitin ang taong gusto. Hala? Kasama ba dapat talaga yon?
Si Brix ang nauna sa akin.
"Im Brixton Paez and I love Yuri Mendoza"
ANO DAW? Tae gusto ako ni Brix? Lahat ng kasama namin sa function hall nagbulungan,napangiti naman sina Father,Mam at sina Sisters.
Hayop! Lalo ako nahiya! Gago ka Brix! Babalian kita ng bagang!
Sinamaan ko sya ng tingin,ngumiti lang ang gago! Si Kurt naka kunot noong nakatingin kay Brix,si Gelo salubong ang kilay!
BINABASA MO ANG
Inlove With You [Completed]
Fiksi Remajakwentong high school,pag ibig high school ng isang beki at isang lalaki ;) maging masaya kaya ang high school love life? Akala nyo girl lang pinag aagawan? Well,lets see XD. Subaybayan natin ang masaya at masalimuot na buhay pag ibig ni Yuri :D