Inbox 31. Some Good Things Never Last

9.4K 237 7
                                    

Yuri's POV

January na! Resume na ang class and I was so happy to see my classmates again at ang tropa,nung christmas vacation kasi umuwi kami sa probinsya,kina lolo kaya namiss ko talaga ang tropa at si Gelo.

Masaya ako sobra sobra! Bakit? Wala na ako mahihiling pa no? Parents na mapagmahal, wonderful sets of friends at syempre loving boyfriend,my life,Gelo ^_^

Balik sa normal ang lahat as if nothing happened last year,as for me hindi ko yun makakalimutan pero hindi ko na yun babalikan,isa ang pangyayaring yon sa nagpatatag sa pagkatao ko.

Don nalaman ko gano ako kamahal ng tropa, at don nakilala ko ang mamahalin ko pala ng higit sa pagmamahal ko kay Kurt.

As for Kurt,masaya ako na unti unti na syang nakakapag move on. Yon naman talaga ang dapat diba?

Ngayon nandito kami sa canteen,doing the old same stuffs we used to do way back then. Happy chit chatting,asaran,biruan,kwentuhan. Pero hindi ako makapag focus masyado coz my mind is pre occupied.

Iniisip ko si Gelo,usually kasi nakikisabay sya dito samin during break time or kung hindi sya makakasabay magpapasabi sya,magtetext or tatawag. Pero ngayon ni isa sa nabanggit ay wala.

Ano kayang nangyari don? Its not very like him na hindi magparamdam kaya sobrang bothered talaga ako.

"Baka busy lang yon" lagi sinasabi ng tropa for the whole day pag nakikita nila akong tulala.

Oh well baka masyado nga lang ako nag iisip at napaparanoid. So what I did nung dismissal na is to text him. Nakauwi na lang ako sa bahay wala pa din reply.

I tried calling him pero hindi nya sinasagot. Nakatulugan ko na lang ang bagay na yon.

The next day,there's still no signs of him,I checked my phone pero puro GMs lang ng tropa.

Bagsak ang balikat na pumasok ako sa school. Lumilipad ang isip ko. Every other minute tumitingin ako sa window,hoping na dadating sya para sumilip or hintayin ako,pero wala talaga.

By dismissal nagpaalam ako sa tropa na hindi ako makakasama sa plano nilang pumunta sa mall. May iba akong plano that day.

Agad akong pumara ng taxi at sinabi sa driver ang destinasyon.

Pagkarating ko dun, bumuntong hininga muna ako bago nag doorbell. Pinagbuksan ako ng katulong,dahil sa kilala naman ako dun ay agad akong pinapasok.

Nasa pathway na ako papunta sa frontdoor ng may sumigaw.

"Kuya Yuri!" paglingon ko, si Argel nakita ko,ang 7yrs old na kapatid ni Gelo, agad itong lumapit sa akin na ubod ng lapad ang pagkakangiti. Napaka cute na bata ^_^

"Oh Argel kamusta na?" tanong ko at nag bend down para pumantay sa kanya.

"Okay lang po! Si kuya ba hinahanap mo?" maligalig na tanong nito sakin.

"Yup! Nasan ba sya?" sagot at tanong ko sa kanya.

"Ay! Umalis si kuya eh! Kasama si ate Bianca!"- Argel.

"Ow,I see, sino naman yon?" tanong ko ulit. Medyo nakaramdam na kasi ako ng kakaiba, I know hindi magsisinungaling ang bata.

"gerlpren nya po!" masaya pang sabi ni Argel.

"Girlfriend??!" agad akong napa diretso ng tayo. Pakiramdam ko may mga matutulis na bagay na tumutusok sa dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

Agad akong tumalikod para lumabas sa gate,iniwan ko si Argel na nagtataka,tinawag pa ako nito pero hindi na ako lumingon, sakto may pumaradang kotse,bumaba sina Tito Rudolf at Tita Mariz mga parents ni Gelo. Hindi ko na naitago ang mga luha ko na nag unahan ng tumulo. Nilampasan ko sila, tinawag nila ako pero hindi ko pinansin. Tumakbo lang ako ng tumakbo papalabas sa subdivision na yon habang patuloy na umiiyak.

Bakit mo ako niloko Gelo? May girlfriend ka pala? Ako naman din tong si tanga naniwala sa lahat ng sinabi at ginagawa nya,my fault din naman hindi ako nagtatanong ng tungkol sa kanya.

Tinext ko ang tropa kung nasan sila, nasa mall daw sa Timezone. Pagkalabas ko ng subdivision sumakay ako agad ng jeep,good thing dahil madadaanan ng mga jeep mula rito ang mall.

Pagdating sa mall agad agad akong pumasok,lakad lang ng lakad papunta sa Timezone.

At kung sasampalin ka nga naman ng tadhana,pagliko ko sa isang corner papunta sa Timezone nakasalubong ko si Gelo.

May kasamang babae,napakaganda at napaka elegante,walang wala ako,masaya silang nagtatawanan habang magka holding hands.

I pretended na hindi ko sila nakita,dumiretso ako ng lakad. This is too much, nagbeblurd na paningin ko,at yun nga tumulo na naman ang mga luha ko.

"Yuri?" it was Gelo's voice. Nakita nya siguro ako. I just ignored it. Sobrang masama ang loob ko. Ang sakit sakit. Alam kong susundan nya ako kaya tumakbo ako at agad pumasok sa timezone at nagtago.

Pinag titinginan ako ng mga tao. I know para akong tanga na iyak ng iyak habang nagtatago. Hindi ko sila masisisi, I look miserable.

Akala ko lagi na ako masaya,pero hindi pala. Totoo nga ang kantang 'Some Good things Never last'.

Nasa ganun akong state of mind ng may humawak sa balikat ko. Paglingon ko si Kurt at ang tropa.

Hindi ko na lalo pang napigilan ang sarili ko. Niyakap ko si Kurt at dun nag iiyak sa dibdib nya, alam ko nagtataka ang tropa sa inaakto ako. Pero hindi pa ako handang sabihin sa kanila kung ano ang nangyari.

Ng mahimasmasan na ako tinanong nila ako kung ano nangyari. I just told them na natakot lang ako dahil hindi ko sila makita agad kaya napaiyak ako. Thats a lie. And I know hindi sila naniwala but they just shook their heads.

Kahit papano naman,nalibang ako kasama sila sa paglalaro dito sa Timezone,pansamantala nakalimutan ko yung sakit. But Im pretty sure,when I got home mamamatay na naman ako sa kakaiyak.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon