Inbox 10. Jealous Much?!

11.1K 301 3
                                    

-----

- Yuri's POV -

"Yuri-chan wait for me! Im hungry! Waaahh!" sigaw ni Kousagi habang naglalakad kami papunta sa canteen. Grabe kasi si Sugar kinaladkad agad ako. Gutom lang?

"bilisan mo teh! Baka maabutan tayo ng baliw na cotton candy girl na yon!" ani Sugar. Haha! Kaya pala? Ayaw kasi nya masapawan sa kakulitan!

"Grabe ka girl,mabaet naman si Kousagi ah"- Aifha.

"Kaya nga,ano ba nangyayari sayo Sugar?"- Jopet.

"Takot yan masapawan haha!"- Pat.

Sinamaan lang sila ng tingin ni Sugar at hinila ulet ako.

"Baka naman madapa na ako nyan teh! Dahan dahan" awat ko,grabe lang sya makahila! Amazona ang peg ni Sugar!

"uwaaahhh!!! Aifha-chan! Patrick-san! Wait hintay! Waaahhh!!" at nag iiyak na si Kousagi.

Tungunu! Parang bata! -__-

tumigil kami sa paglakad,at nilapitan si Kousagi ni Jopet at Pat para patahanin.

Haha! Mapapraning ako sa mga ito eh! XD

Sa wakas nandito na kami sa canteen,naka bili na kami ng pagkain namin. Nag start na kami kumain habang si Sugar naman ay nag labas ng lunch box na puro bunny ang design. Montik na ako matawa pinigilan ko lang.

Ng buksan nya ang lunch box nya ay natulala naman kami sa laman nun.

Pagkain ba yun? Ang kyut! Parang mahihiya ka kainin eh.

"Cotton candy girl ano yan?" tanong ni Sugar na parang naglalaway na din. Tamo tong babaeng to,biglang pinansin si Kousagi dahil sa pagkain? Pambihira!

"its a sushi and tiramisu Sugar-chan^_^"- Kousagi.

"Wow! Sushi! Odango can I have one?"

Nabaling ang tingin naming lahat sa nagsalita.

- Kurt's POV -

Hindi na natuloy ang balak kong pagpapalipat ng section,hindi pumayag sina Mama at Papa, wala naman akong magagawa kundi ang sumunod. Gagawin ko na lang ang lahat para hindi pansinin si Yuri,kahit magkatabi kami sa room at kahit magka group kami sa English.

Pero nung pang gigilan sya nung Pink hair naming bagong classmate at humarap sya sa akin,nagulat ako dahil pulang pula ang mukha nya, gusto ko pa sana syang tingnan dahil ang cute nya pala pag namumula,ang sarap halikan siguro ng pisngi nya? Haay! Mukhang na wrong move ako,sa pagkagusto ko sya iwasan lalo nahuhulog loob ko sa kanya. Pero hindi! Itatago ko na lang ito. Tama ganun na nga habang wala pa nakakapansin at nakakahalata.

Agad akong nagbawi nun ng tingin,mahirap na baka makita pa ako nina Jinx na nakatingin kay Yuri at baka lalong lumakas hinala nila.

Ngayon break time,nandito na kami sa canteen dahil nagmamadali si Marx. Tinamaan ata kay Pink hair. Ayoko na sana lumapit pa ng lumapit kay Yuri,kaso tong mga mokong kong kasama ay lumapit sa table nila sa pangunguna ni Marx.

"Wow! Sushi! Odango can I have one?"- ani Marx ng makalapit kami sa kanila.

Lahat sila tumingin samin.

Agad kong binaling sa iba ang atensyon ko.

"uhm, yah sure^_^" sabi ni Pink hair.

"by the way Im Marx,this is Jinx,Clyde and Kurt"

Bilang may pinag aralan nakipag kamay kaming apat kina Aifha at Patrick. Pero itong si Pink Hair panay ang bow. Baliw ba to? Wala naman na sya sa Japan eh.

"Mga pre maupo na kayo,maluwag pa naman" anyaya ni Jopet. Aba? Bumait si mokong ah?

"Oo nga naman, uhm Kurt dito kana maupo dali!" sabi ni Sugar sabay hila sa akin at pina upo sa tabi ni Yuri -__-

Ayan na naman ang puso ko,ang bilis na naman ng tibok,parang nakikipagkarera lang.

"Ako na bibili ng pagkain natin,alam ko naman gusto nyong kainin eh"- Clyde at pumila na din para sa pagkain naming apat.

"Ayun! Mukhang kakakuha lang ng allowance ni Clyde ah? Galante" buska ni Jinx na kaming dalawa lang ni Marx ang tumawa.

Awkward

Ng makabalik na si Clyde dala ang pagkain namin ay nagsimula na din kaming kumain. Ilang minuto pa nawala na yung awkwardness at natanggal ang barrier at tensyon sa grupo namin at grupo nina Yuri. Parang bigla nag jive ang lahat,dala na din siguro sa kakulitan nina Yuri,Sugar at Pink hair na sasapawan din nina Marx at Jinx.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay napatingin ako kay Clyde.

Busy syang nakatitig at bahagyang nakangiti kay Yuri.

Parang biglang nanikip ang dibdib ko at nakaramdam ng kirot. Hindi ko maipaliwanag. Parang bigla ako nainis sa kaibigan ko?

Kahit hindi pa ako tapos kumain ay tumayo na ako nagpaalam sa kanila.

"una na ako sa room" paalam ko at nagmadali na akong lumabas sa canteen. Hindi ko na inabala ang sarili kong alamin pa kung ano naging reaction nila.

Bakit ganon? May gusto ba si Clyde kay Yuri? Posible ba yun? E diba galit na galit sya kay Yuri?

Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Paglingon ko ay si Yuri. Agad nag salubong ang aking mga kilay.

"Kurt,naiwan mo ang wallet mo" sabi nya ng makalapit sa akin at ini abot ang wallet. Agad ko itong tinanggap at tumalikod na at nagsimulang maglakad ulit.

"Thank you ah?" sarkastiko nyang sabi. Ngunit hindi na ako sumagot. Ng lingunin ko sya ay pabalik na sya sa canteen.

Nagpakawala na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga.

A/N ~ haha wala kasi magawa kaya nag Update ulit ako. Sige na,goodnight :)

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon