Inbox 19. The Wait is Over

9.5K 228 4
                                    

Clyde's POV

Finally! This is the last day of our preparation! Nagbunga ang hirap at pagod namin! Next week na ang intramural at foundation, today is friday so naka set na lahat ng rides na ginawa naming mga boys, may Peris wheel,octupos,roller coaster at horror house. Our parents and the school's administrator's provide us so that we can make it possible.

Walang klase ngayon at nakatambay lang kami sa coridor tapat ng room namin. Tamang kwentuhan lang.

Suddenly,in the middle of the conversations,niyaya ako ni Kath na maglakad lakad na daw muna.

Nagtataka man ako,pero nagpaunlak ako,gentleman to no?!

Naupo kami sa isa sa mga bench malapit sa Oval.

"Clyde" tawag pansin sakin ni Kath.

"Hmmn?" tugon ko at nilingon sya.

"Ilang araw ka na ba nanliligaw sa akin?" tanong nya.

Bigla ako kinabahan, hindi ko alam kung papabor ba sa akin o hindi ang patutunguhan ng usapan naming ito.

"Three weeks na next week" simpleng sagot ko sa kanya.

"Matagal tagal na pala" aniya saka tumungo. Lalo ako kinabahan dahil sa ikinikilos nya.

"Bakit mo natanong?"- Ako.

"Im sorry Clyde..."

Nanlumo at nanlambot ako. Parang bigla nanikip ang dibdib ko at nag init ang aking mga mata. Eto na, hindi nya ako gusto,basted ako :

"I understand" sabi ko at tumayo na para maitago ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong maramdaman at makita nya na okay lang sa akin,kahit hindi.

Magsisimula na sana akong maglakad ng muli syang magsalita.

"Im sorry Clyde, ayaw ko ng patagalin pa ang paghihintay mo,ayaw na kitang pahirapan,hindi ko na din kayang pigilan ang nararamdam ko,sinasagot na kita" mahaba nyang sabi.

Humarap ako sa kanya pero hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko napako ang mga paa ko sa semento. Ng lahat ay mag sink in sa akin,tumakbo ako at niyakap sya ng mahigpit na mahigpit.

"Salamat! Salamat Kath! Hindi mo alam kung gano mo ako pinasaya! Ang saya ko sobra! Salamat! Mahal na mahal kita Kath" sabi ko sa kanya habang nakayakap.

"Ganon din ako Clyde,masayang masaya ako,mahal na mahal din kita" sagot nya sa akin.

Bumalik kami sa tropa na magka holding hands at ibinalita na kami na. Lahat sila binati kami.

Totoo nga ang sinabi ni Yuri,dadating sya, at eto na nga,dumating na sya,at hinding hindi ko na papakawalan pa.

Bago magdilim ay nagpaalam na kaming lahat sa bawat isa para makapag pahinga na,para by monday ay may lakas na ulit kami.

Hinatid ko din si Kath. At ng makauwi at matapos makapag dinner with Mom and Dad ay umakyat na ako sa aking kwarto.

Masaya kong binabalik balikan ang pangyayari kanina. Nag paid off ang lahat ng hirap at effort ko.

Ng bigla sumagi sa isipan ko si Yuri at yung usapan nina Brix at Ana. Kinabahan ako. Kailangan maka siguro ako na hindi makakalapit si Ana kay Yuri.

AN ~ Next chapter ang trahedya!

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon