-----
- Yuri's POV -
Maaga akong pumasok ngayon dahil nakalimutan kong sabihin sa kanila na wala akong laptap T.T
Pagkarating ko naman sa room namin ay wala pa sina Sugar at Jopet,pero nandun na si Kurt at ang mga kurimaw.
Dahil ayokong masira ang araw,deadma na lang sa presence nila,naupo na ako at nag simulang mag review ng mga notes ko. Hindi ko na inabala ang sarili kong magtext, nagQuit na ako dun sa clan, baka hindi ako maka focus sa pag aaral at hindi ako makapasa, takot ko lang kay Mama at Papa baka itali ako ng patiwarik ng mga yon.
At kung mag jiGM ako ,sa mga classmates and friends ko na lang atleast dun alam ko itsura nila doboo? ^_^
five minutes bago mag bell ay hinihingal na pumasok sina Sugar at Jopet sa room. Ano ba tong dalawang to nag habulan? Naramdaman ko na ding tumabi sa akin si Kurt,pero deadma pa din. Kaso lang hindi naman ako makapag concentrate dahil naaamoy ko sya. Putek lang sa bango! Nakaka baliw teh! >__
Ilang saglit pa pumasok na si Ms.Sanchez.
"Okay class may importante akong announcement" sabi ni maam.
Ano naman kaya yon?
"Magkakaroon kayo ng tatlong bagong classmates,ang dalawa ay inilipat dito mula sa section B at yung isa ay transferee galing sa Japan" panimula ni maam. Agad namang nagkanya kanyang react ang mga classmates ko. Who wouldnt? Nakaka excite naman talaga,new classmates from section B and from japan,edi may instant classmate kaming japanese hahaha!
"Mga ijo at ija pasok" ani maam at tinawag ang mga new classmates daw namin. Pumasok naman ang tatlo.
Pakiramdam ko nalaglag ang panga ko pagkakita sa kanila.
Si Aifha at Pat! Tiningnan ko si Jopet at Sugar halatang nagulat din.
Pero ang mas naka agaw pansin ay yung isa! Babae na cute yung galing sa japan! Na amazed kaming lahat neng! Sinong hindi? Kulay pink ang buhok nya na may tig dalawang patusok na odanggo sa magkabilang side at nag flow dun ang kulot na pink nyang buhok!
Okay,hindi nyo maimagine? Isipin nyo si SailorChibiMoon, ganun yung nasa ulo nya kaya lang tig dalawa at mahabang wavy na buhok na pink ang nakalaylay sa magkabilang side. Gets na?
Para tuloy kaming nakakita ng live anime o cosplayer! Ang kyut! Sana ganon din ako ^_^
"Okay,magpakilala kayong tatlo"- Ms.Sanchez.
"Goodmorning every one! Im Aifha Dela Vega,you can call me Aifha"
"And Im Patrick Arcilla,just call me Pat" at jusme! Nagtilian ang mga kaklase kong babae! Hindi ko naman sila masisisi,gwapo talaga si Pat,parang si Jopet din. Napalingon ako kay Kurt at sa tatlong kurimaw,blangko ang expression ng mukha nila.
Oh ano kayo ngayong apat na gangster? Nalaos kayo? Bwahahaha!
Natigil ang pag daldal ko sa aking isipan ng magsalita na yung pink hair girl.
"Ohayo kai, watashino namaeha
kousagi Tsukino desu,you can call me Kousagi,I know how to speak tagalog too! Lets be friends! Daijubu!^_^
Wow! Pati ang boses nya ang kyut haha! Kakaibiganin ko to! Mahilig kasi ako sa anime eh hahaha!
"Ano daw?" bulong bulongan ng mga classmates ko, psh! Naturingang Section A eh hindi alam mag Japanese?
Ano nga kaya yong sinabi nya? XD
"Ang sabi ko po, Im Kousagi Tsukino,but you can call me Kousagi ^_^" anito at nag bow pa.
Luh? Mukhang crush agad sya ng mga boys ah? Ang lalapad ng ngiti eh.
Tumayo si Ms.Sanchez at tiningnan yung nasa ulo ni Kousagi.
"Ms.Tsukino ,part pa ba ng buhok mo ang mga yan?" ani Maam na itinuro ang tig dalawang odango sa magkabilang side ng ulo nya,kulay pink din kasi.
"No maam,pang ipit lang po iyan,pero itong mga ito ay buhok ko talaga" sagot ni Kousagi na hinawakan ang flowing hair nya.
"parang cotton candy ang buhok nya! Nagugutom ako" - Sugar. Ayan inatake na naman sya ng kabaliwan at nagtawanan mga classmates namin.
Nakitawa lang din ang kyut na si Kousagi.
"Okay,masyado ng maraming nakaing oras, humanap na kayo ng ma uupuan para makapag start na tayo sa lesson natin" sabi ni Ms.Sanchez.
Si Pat ay umupo sa tabi ni Jopet at nag apiran pa sila,si Aifha naman ay kay Sugar. Nako Aifha! Mag ingat ka baka mahawaan ka ng kabaliwan nyan -__-
Si Kousagi naman ay nagpalingon lingon, wala makitang bakante, pero bulag ba sya? May bakante dito sa left side ko oh.
Napatingin sya sa akin ngumiti at biglang sumigaw na ikinagulat naming lahat.
"kyaaaaaahhh! Kawaii!" anito at tumakbo papunta sa akin, laking gulat ko lalo ng bigla nya ako upuan at pag pisil pisil ang pisngi ko.
"waaahhh! Aray! Tama na!" nag mamakaawa ko ng sabi masyado nyang pinang gigilan ang mukha ko,lahat tuloy samin nakatingin.
"Ms.Tsukino!" saway ni Ms.Sanchez.
"Hihi! Sorry po Maam,nakyutan lang ako sa kanya" - Kousagi.
"Nakyutan? Grabe parang namamanhid mukha ko teh sa ginawa mo" say kong ganyan.
"Ay! Akala ko girl ka! Sorry hihi"
"Kung kalbuhin kaya kita,grabe ka ah,may salamin ka ba dyan?"- ako.
"bakit?"- Kousagi
"buang ka! Titingnan ko mukha ko" sagot kong ganyan,hindi naman ako nainis. Nagulat lang, dyosko! Nakakabaliw na nga si Sugar dinagdagan pa ng isang to! Baka mag breakdown na utak ko!
Lumingon ako sa paligid nagsisimula na si Maam sa lecture,pagtingin ko sa katabi ko, si Kurt, halatang nagulat pa sya sa akin.
Bakit kaya?
"here" pukaw ni Kousagi sa akin at nag abot ng salamin. Actually compact sya na hugis puso,kulay pink at may design na mga crystals,need pa buksan dahil nasa loob ang salamin.
0_0
Para akong nag blush on! Sobrang namumula mga pisngi ko. Bruha tong Kousagi na to,sipain ko sya pabalik ng Japan eh!
"Hihi! Sorry^_^V" - Kousagi.
Buong Filipino time wala ako maintindihan,ang daldal kasi ni Kousagi,grabe ang hyper,parang hindi interesado mag aral!
A/N ~ Hihi! Antok na ako, yan na lang muna :)
BINABASA MO ANG
Inlove With You [Completed]
Teen Fictionkwentong high school,pag ibig high school ng isang beki at isang lalaki ;) maging masaya kaya ang high school love life? Akala nyo girl lang pinag aagawan? Well,lets see XD. Subaybayan natin ang masaya at masalimuot na buhay pag ibig ni Yuri :D