Inbox 14. Happy Birthday Clyde!

10.4K 281 5
                                    

Yuri's POV

We were now riding a taxi,kung san patungo? Hindi ko alam dito kay Kurt. Basta ang sabi nya sa tropa daw. Its almost 5pm na.

Busy ang mga mata ko sa pagtanaw sa bawat madadaanan namin ng buksan ni Manong Driver ang radyo,at tila nananadya pa ang tugtog.

"Mga tambay lang kami,sawa sa babae.

Mga babaeng manloloko,pineperahan lang kami.

Kaya naman BAKLA na lang ang aming iibigin.

Masarap magmahal ng bakla..

Oh kay sarap,damhin..'

Napalingon ako sa katabi kong si Kurt,at ang bruho sumasabay pa sa kanta at pangiti ngiti pa.

Sino kaya ang ulupong na nag imbento ng kantang yan?!

Ang galing nya ah? Dapat syang pasalamatan ^___^

"uhm kurt" pukaw ko sa mokong na pangit ngiti pa.

"yes mahal ko?" sagot nya, napalingon tuloy ako kay Manong Driver na nadidinig kami >_

"Kanina sa bahay,sinabi mo ba kina papa at mama na--"

"Yes! I told them na liligawan kita" putol nya sa sasabihin ko, nakurot ko tuloy sya ng wala sa oras. Ang ligalig ah?

"Eh! Kaasar ka naman?! Anong sabi nila?" tanong ko pa.

"Okay lang daw,bast alagaan daw kita at huwag sasaktan,syempre hindi kita sasaktan no? Parang sinaktan ko na din ang sarili ko nun,saka nagpromise ako na ako ang bahala sayo" mahaba nyang sagot.

Lumundag naman ang puso ko sa saya at nayakap ko sya ng mahigpit.

"Y-yuri"- Kurt.

"Hmm?"- Ako.

"Hindi ako makahinga,si Manong Driver nakatingin" sagot nya.

Parang bigla naman ako natauhan at umayos sa pagkakaupo, humagikgik lang sya.

"Anong hinahagikgik mo dyan?" inis kong sabi,kahit deep inside halos mamatay na ako sa kilig.

"Wala" naka ngiti nyang sagot sa akin sabay kibit balikat.

Makalipas ang ilan pang minuto,bumaba kami sa harap ng isang napakalaki at magarbong bahay. At mukhang madaming tao sa loob. I look at my phone, it was 6 in the evening na. Nakaramdam na naman ako ng gutom -__-

"kaninong bahay to?" tanong ko.

"Kina Clyde,birthday nya" casual na sagot nya.

"ANO?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Hala ka wala tayong regalo sa kanya,nakakahiya" sabi ko,nakakainis naman tong kumag na to eh! Ngayon lang sinabi! Nakakahiya naman kay Clyde na wala ako regalo T.T

"Ano ka ba? May regalo tayo,nauna pa sa atin,pinadeliver ko kanina dito" sagot nya. At niyaya na akong pumasok sa loob.

Malawak ang harap ng bahay nila at madami naka park na kotse,malayo din ang Main door,ang sabi ni Clyde nasa likod daw ang celebration, sa may garden at pool.

Napa wow naman ako! Ang yaman nina Clyde, at yung mga gamit nila ay halos buhay mu na ata ang kapalit pag nabasag o nasira mo,nung makapasok kami at alalayan ng maid papuntang garden at makarating dun. Nakaramdam ako ng matinding hiya.

Bakit hindi? Ako lang ata ang Bakla sa lahat ng bisita,ng igala ko ang aking tingin nakita ko ang tropa na nagkukumpulan sa isang mesa.

At si Kousagi? Kumakain na agad! Pambihira ang babaeng yun! Dinaig pa ako! Isa syang Human Digestive System! Haha!

Ng mapansin kami ni Clyde ay lumapit ito sa amin.

"Oy Bro! Best! Akala ko hindi kayo dadating" bati nya,ang gwapo nya sa suot nya. I wonder kung may girlfriend ba to o nililigawan?

"Happy birthday" sabay na sabi namin ni Kurt.

"Pwede ba namang wala kami?" sabi pa ni Kurt.

"Haha! Akala lang naman,tara dun sa table ng tropa at sasamahan ko na din kayo sa buffet table para makakain"-Clyde.

Ng makalapit na kami sa tropa ay agad kaming inusisa ng mga ito. Si Kurt naman sinamahan ni Clyde na kumuha ng pagkain naming dalawa.

"May label na ba?"- Aifha.

"bakla! Anong status nyo?"- Sugar

"Mukhang dinaan sa bilis ni Kurt ah?"- Marx

"Sabi ko na nga ba! Haha"- Jinx

"San kayo nagdate?"- Pat.

"Magkwento ka naman Yuri"- Jopet.

"Kyaaahh! They look good together! Kawaii^o^"- Kousagi

Napatulala na lang ako sa kanila. Walang patawad,sunod sunod! Hindi man lang pinag init ang pwet ko sa upuan! Mga walangya!

"Seriously,sa totoo lang sa tingin nyo masasagot ko yun lahat? Ang aadik nyo din eh!" sabi ko at nagtawanan sila.

Maya maya pa ay bumalik na si Clyde at Kurt. Okay lang naman daw na mag stay sa table namin si Clyde dahil ang mga parents naman nya ang nag a-assist sa mga bisita. Na halos ay puro ka acquaintance ng mga ito sa negosyo.

"So,whats hot?" ani Clyde ng makiupo na sa amin.

"Nililigawan ko si Yuri" deretsong sagot ni Kurt.

Bigla ako hinampas ni Sugar.

"Ang taray mo teh! Sagutin mo na!" kilig na sabi ni Sugar.

"Aray! Isa pa teh sasapatusin na kita!" sabi ko na akmang maghuhubad ng sapatos.

"Kurt,sinasagot na kita" wala sa sariling sabi ko. Literal na napatingin sa akin ang tropa,maski si Kurt ay nabigla sa nadinig.

"Talaga?"- Kurt.

"Oo"- nakangiti kong sagot. At bigla nya ako niyakap at hinalikan sa harap ng tropa! Ang loko talaga ng animal na to! Hindi man lang nahiya!

Right after that,tinukso at congratulate nila kami. Masaya daw sila para sa amin. Para sa akin naman,hindi naman na siguro kelangan ng mahabang ligawan,hindi naman ako babae, ang mahalaga ay ung pagmamahal na nararamdaman namin sa bawat isa.

Sobrang saya ng pakiramdam ko. Ito na ang pinaka masayang nangyari sa akin.

Kinausap din ako ni Clyde,masaya daw sya para sa amin ni Kurt. I asked him kung may nagugustuhan na ba sya. Wala pa daw. But I do believe na ang bawat isa sa atin ay may nakalaan.

"Maghintay ka lang,dadating yon Best" sabi ko at bumalik na kami sa tropa para ipagpatuloy ang kasiyahan sa birthday ni Clyde.

AN~ Hehe! Pagpahingahin muna natin ng saglit sina Kurt at Yuri. Tutukan din natin ang love story ng iba pa sa tropa sa mga susunod na chapter. At pag natapos na sila,balik tayo kina Kurt at Yuri dahil madami pang mangyayari sa kanila ^_^ Vote and Comment po sana hehe :)

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon