Inbox 4. Darna!

12.4K 340 4
                                    

-----

Hay! Limang subject na lang at uwian na! Gusto ko na umuwi! Kakapagod talaga pag first day ng school pakilala dito,pakilala dun.

At laking pasalamat ko naman na hindi na ako ginagambala ng bwisit na Kurt,maliban na lang pag hihingi ng 1/4 na papel,aba! Anung akala nya sa akin? School supplies? Tss.

At makalipas nga ang 45 years ay nag uwian na, sabay sabay na kami nina Pat,Aifha,Sugar at Jopet pababa ng building, sila papunta sa parking,dahil may mga kotse sila,ako commute dahil hindi naman ako masusundo ni Papa.

"Sure ka ba na ayaw mong sumabay?" tanong ni Jopet.

"oo naman,dalawang sakay lang naman ang bahay namin dito saka ayoko maka abala" sagot ko.

"Ikaw talaga,paano pa't naging magkaibigan tayo"- Jopet.

"ano ka ba,okay lang ako. O sige na bye,kita kits tom" sagot at paalam ko sa kanila,iba kasi ang exit gate ng High school sa College.

"Ingat" paalam nilang apat sa akin. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa gate.

Paglabas ko,naglakad pa ako ng kaunti papunta sa sakayan.

Matagal din ako nag abang ng Jeep. At kung minamalas ka nga naman, puro puno. Inabot na ako ng isang oras kakahintay.

"hala? Alas sais na pala kaya madilim na,bakit naman kasi puro puno ang mga jeep? Kung alam ko lang sumabay na sana ako kina Jopet" reklamo ko na lang.

Tiningnan ko ang wallet ko,sakto! May 200 pesos pa ako! Mag Taxi na lang ako,at magbabaon na lang ng pagkain bukas. Budget ko pa naman to for 2days! -_-

Sakto naman may dumaang Taxi na walang sakay at agad kong pinara.

"Kuya,sa Pasig po" sabi ko kay kuya driver.

Habang nasa byahe,binasa ko mga message sa phone ko,ang dami, tas may mga pinawelcome pa, nisave ko ang mga pinawelcome sa clan ko then delete all na sa mga messages.

Ng malingat ako,laking pagtataka ko na iba yung dinadaanan ng Taxi. Nakaramdam na ako ng kaba.

"kuya,hindi po ito ang way papuntang pasig" kinakabahang sabi ko.

Hindi sumagot si Kuyang Driver pero ngumiti lang. Kitang kita ko sa salamin.

Waahh! Anong gagawin ko? Huhu help me! T_T

Medyo bumilis ang andar ng kotse at lalo ako natakot.

Ayoko pa mamatay!

Isa lang ang paraan! Alam ko namang after this buhay pa ako,saka ko na isipin ang kahahantungan ko basta makaligtas lang ako dito!

Nag sign of the cross muna ako at binuksan ang pinto.

"Hoy! Anong gagawin mo?!" bulyaw ni Kuyang Driver. Hindi ko sya pinansin.

Lord! Kayo na po ang bahala sa akin!

Agad akong tumalon at pumikit.

DARNA! Sigaw ko sa aking isipan.

After that,nagdilim na ang buo kong paligid.

~ KURT's POV ~

Maaga akong nakauwi after school. Masaya ang unang araw dahil may kaklase kaming bading,masarap sya asarin, actually sanay na ako makakita ng magagandang bakla. Pero itong classmate kong si Yuri ay kakaiba,nakaka amaze, hindi ko lang maisip kung bakit asar sya akin,dahil siguro nung nabunggo ko sya kanina,sinadya kong huwag mag sorry at huwag mag thank you para lalo syang inisin, ewan! Basta masarap syang asarin.

Napa bangon ako sa kama ko ng mapansin kong 6pm na pala.

Wala pa naman sina Mama at Papa,maglalakad muna ako sa labas ng subdivision at pupunta na din sa NBS para bumili ng mga papel.

Ang totoo nyan, tita at tito ko sina Mama at Papa,inampon lang nila ako dahil hindi sila magka anak. Pumayag naman ang mga tunay kong magulang dahil nasa kanila naman si kuya Dex.

Maliit pa lang ako ay sinabi na nila yon sa akin at tanggap ko naman. In good terms naman kami lahat at iisang dugo lang ang nananalaytay sa aming mga ugat.

Pasalamat na lang at pinanganak akong gwapo ^_^

ahem,huwag na kayo kumontra dahil totoo naman haha!

Paglabas ko sa gate ng subdivision ay naglakad pa ako ng kaunti,kung bakit naman kasi ang layo ng NBS dito eh! Hindi pa ako pwede mag drive dahil wala pa ako lisensya,sayang ang porma at kagwapuhan ko wala naman ako tsekot! >_

Habang naglalakad ay may lumampas sa aking taxi na napakatulin ng takbo,sinundan ko yun ng tingin at laking gulat ko ng bumukas ang pinto at may tumalon! Pero parang walang pakialam yung Driver at mabilis pa ding magpa andar.

WTF?! Ano yun?! 0_0

dali dali kong nilapitan ang kung sino man yung nilalang na tumalon.

Nakadapa na ito at walang malay.

Teka? School uniform namin to ah?

Iniharap ko sya at mas nagulat ako ng makitang si Yuri yon!

Ang dami nyang galos!

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding kaba at takot. Agad kong tiningnan kung humihinga pa sya.

Salamat naman at buhay pa!

Ano kayang nangyari at bakit tumalon sya palabas mula sa humaharurot na taxi na iyon?

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon