Yuri's POV
Pagkahatid sa akin ni Gelo sa bahay,naka tanggap ako ng isang text na ikinagulat ko.
'meet me tom after school.
- Brix
Hmmn? Buti nagtext sya,kailangan ko na din sya makausap para mas maliwanagan ako. Hindi yung ganito puro hinala ako. Dapat may mapatunayan ako.
Kinabukasan,as usual, normal na araw lang para sa akin. Kumbaga pag nasa school ako,parang hindi ako si Yuri. Tahimik at passive ako at walang pakialam sa paligid.
Dumating ang oras ng History namin at kailangan sa AVR na naman kami mag lecture. Napaka tamad talaga ni Sir Boromeo! Puro power point presentation na lang every other day,parang takot na takot humawak ng chalk at humarap sa blackboard!
Pagdating sa AVR I choose to sit at the back,palingon lingon sa akin ang tropa tapos ngingiti. Nagbawi ako ng tingin. I feel guilty dahil iniiwasan ko sila. Miss na miss ko na sila. But then nakita ko na naman si Kurt at Ana. Panira sa view!
Hindi ko alam,pero nag iiba na nararamdaman ko kay Kurt? Galit? Siguro dahil sa mga masasakit na salitang binitawan nya,pero kahit papano may konting pagmamahal pa din naman.
Konti? What the? It means nababawasan na pagmamahal ko sa kanya? Posible ba yon?
Posible.
Nakapag move on nga sya agad at may Ana eh,that means hindi na nya ako mahal. I can't blame him, lalaki sya at babae kailangan nya,hindi isang beki na tulad ko na wala naman matris at sinapupunan.
With that thought lalo ko lang napagtibay ang desisyong kalimutan at patayin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Sa wakas! Natapos na din ang history! Hindi pa man kami nakakakilos para lumabas sa AVR ng biglang may video na mag play sa projector na gamit kanina para sa power point.
It was Ana,kausap sina Arnold,Rhon at Matt.
Kasunod noon ay tumayo si Kousagi at may tinapat sa mic. Its a voice recorder.
"hihi its Payback time!"-Kousagi.
Lahat kami nabigla sa nakita at narinig, maski si Mr.Boromeo ay nalito.
Kita ko ang pagkagulat ni Kurt! Maski ako nagulat eh. Si Ana naman ay gulat na gulat din,hindi nakakilos sa kinatatayuan. Nagsimula na din magbulungan ang mga kaklase ko.
Ng matapos magplay ang recorder na hawak ni Kousagi ay si Jinx naman ang lumapit ay itinapat ang isa ding recorder sa mic.
Boses ng lalaki. Parang pamilyar sya..
Boses ni Brix!
Nag hysterical si Ana,nagsisigaw.
"NO! WHAT THE HECK IS THAT? STOP THAT!!" paulit ulit na sigaw ni Ana.
Biglang bumukas ang pinto ng AVR, pumasok si Pat kasama sina Matt,Arnold at Rhon at ang ..
.. .
. . .
. . . .
.
.
.
CHANCELLOR?!
Takte! Pati school nadamay na! >_
"Ngayon ka mag deny sa kagaguhan mo Ana"- Sugar.
"Nilaglag kana ng mga kasabwat mo"- Pat.
"Ms.Ana,Im so disapointed with you,thats a criminal act,see me at my office, call your parents too!" sabi ng chancellor.
"B-but Sir" magdadahilan pang sabi ni Ana. Psh! Lulusot kapang impakta ka!
"Go to my office NOW! Pati kayong tatlo" pagtatapos ni chancellor sa usapan.
Helpless sumunod na lamang sina Ana dito.
Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko,lumabas na si Mr.Boromeo at mga classmates namin.
Nung finally nag sink in na sa akin lahat ng pangyayari,napaluha ako. I feel relieved,parang nawala yung malaking tanikala na nakatarak sa dibdib ko.
Nilingon ko ang tropa,palapit sila sa akin. Naka ngiti. Napayuko ako. Nahihiya ako dahil sa ginawa kong pag iwas,ngunit kahit ganon ginawa ko tinulungan pa din nila ako.
Ng makalapit sila ay niyakap ako ng mga babae. Lalo ako napahagulgol ng iyak.
"Tapos na ang paghihirap mo best" sabi ni Clyde at ang mga lalaki naman ang yumakap sakin. I feel blessed for having them, iniwan ko sila pero sila hindi nila ako iniwan.
"Maraming maraming salamat" sabi ko pa habang nagpupunas ng luha.
Napatingin ako kay Kurt. Nakatingin din sya sa akin.
Kita ko sa mga mata nya ang guilt at pagsisisi. Gusto kong lapitan sya pero ayaw naman kumilos ng mga paa ko.
"Welcome back Yuri" sabay na sabi nila at napangiti ako.
Biglang bumukas ang pinto,si Gelo tumakbo papunta sa akin.
"Oh God! Thanks at okay ka" aniya sa nag aalalang tono at yumakap sa akin. Napayakap na din ako. I feel comfortable in his arms. I feel safe and sound.
Hindi sinasadyang napatingin ulit ako kay Kurt. Bigla sya yumuko.
AN~ Waahh! Ano kaya isusunod ko dito? XD
@Calibullet ang kaisa isahang nag comment dito. Maraming maraming salamat,hindi mo alam gano mo ako pinasaya sa pag comment mo. Mas ginanahan tuloy ako,thank you po :)
BINABASA MO ANG
Inlove With You [Completed]
Teen Fictionkwentong high school,pag ibig high school ng isang beki at isang lalaki ;) maging masaya kaya ang high school love life? Akala nyo girl lang pinag aagawan? Well,lets see XD. Subaybayan natin ang masaya at masalimuot na buhay pag ibig ni Yuri :D