Inbox 23. At The Canteen!

9K 244 11
                                    

Yuri's POV

Kinabukasan,inihanda ko na ang sarili ko sa kung anong mangyayari ngayong araw at sa mga susunod na araw. Mukhang seryoso si Ana sa pagbabanta nya eh! Mahirap na,ayoko magpatalo no! Gagawa ako ng paraan,hindi pwedeng panay iyak lang ako. Malakas talaga hinala ko na may kinalaman sya.

Mas malakas loob ko ngayon,pinalakas ni Gelo The Angel hihi! Tinotoo nya ang paghatid sa akin kagabi. Nagulat pa nga ako na kilala sya ni Mama at Papa. Anak daw pala si Gelo ng kaibigan nilang dalawa na napalayo nung college. Ayon kinausap nila ng kinausap si Gelo at sa bahay nila pinag dinner. Natutuwa daw sila na nagkakilala kami,para daw sinadya ng tadhana. They were planning on visiting Gelo's parents next week,sumang ayon na lang din ako. Bago umuwi si Gelo ay nagpalitan muna kami ng phone numbers. Panay paalala pa nga nya na if everything comes up ay kontakin agad sya. Wow ha? Kinakarir nya talaga xD

The good thing is hindi binabanggit ni Mama at Papa si Kurt,hindi din sila nagtatanong,alam ko at ramdam ko na nagtataka na sila dahil one week ng hindi pumupunta si Kurt.

And I dont think na handa ako if ever na kausapin nila ako. Ano sasabihin ko? Edi pati yung video madadamay at pag nalaman nila baka ipatapon na nila ako ng tuluyan sa probinsya at ayoko manatili dun at magtanim na lang ng kamote at mani no!

Pumasok ako sa room ng walang tinitingnan,as if wala talaga akong nakikita. Wala na ako paki alam. Napagpasyahan ko na din na umiwas at mag lailo sa tropa,ayoko ng mahirapan pa sila sa akin, at isa pa,kung nasan ang tropa,nandun si Kurt,pano ako mag mu-move on diba?

Pagka upo,started reviewing the lessons,advance reader kasi ako, ayokong maapektuhan ang pag aaral ko dahil sa nangyayari sa akin.

Naririnig ko si Ana na nagpaparinig. Pero deadma lang.

You witch! May araw ka din sa akin!

"Lumipat na pala si Brix no?" classmate1

"Oo nga daw,syempre naman mahihiya yon" classmate2

"Tama! Sya pala yung nasa sex video with Yuri no?" classmate3

"Girls girls,syempre wala na syang mukhang ihaharap dahil sa sex video nila ng baklang yon,nakakadiri kaya!" singit ni Ana sa usapan ng mga tsismosa kong classmates.

Nanlaki mata ko sa nadinig! Pakiramdam ko nag init ang mukha ko at parang lumolobo ang ulo ko?

Si Brix? Si Brix at ako ang nasa video? Pano nangyari yon?! Wala ako matandaan,hindi pwede yon!

Tatayo na sana ako para komprontahin si Ana pero bigla namang dumating si Kurt at lumapit sa kanya. Hinalikan sya ni Ana sa harap ng mga classmates namin! Psh! Napaka PDA! Bitch at tanga nagsama!

Nagpupuyos na ako sa galit pero pinili ko kumalma. Itinuloy ko ang pag review. Kikilos na ako maya,kelangan ko ng ebidensya!

Third subject na namin,History,nasa gitna na kami ng lesson ng ma interrupt.

"Goodmorning sir,sorry for interrupting,pwede ko po ba mahiram si John Yuri Mendoza?" lahat nagtinginan dun sa nagsalita. Kilala ko ang boses na yon! Si Gelo!

Ang mga kaklase kong babae parang mga bulateng nilagyan ng asin kung kiligin. Ng tumayo ako,mga nagtatakang mukha ng tropa ang nakita ko. I just ignored them. Sorry guys :(

Lumabas na ako ng room para puntahan si Gelo,hindi sinasadyang napatingin ako kay Ana at Kurt.

Si Kurt madilim ang tingin sa akin,galit na galit,samantalang si Ana nagtataka din pero nakataas ang kanang kilay.

"Oy! Gelo,anong ginagawa mo dito?" bati ko sa kanya at medyo nilayo ko sya para hindi kami kita sa room.

"I brought this" sabi nya at ibinigay ang isang plastik na may lamang lunch box at mineral water. "Youre Mom texted me,nakalimutan mo daw kaya ako ang inutusan nya" dagdag nya.

"Waaahh! Salamat! Nakalimutan ko nga! Wala pa naman akong dalang pera" sabi ko na tuwang tuwa, ngumiti sya at ginulo buhok ko.

"Ang cute mo talaga!" sabi nya. At alam ko nagblush ako. So para makabawi nag inarte ako haha!

"Tse! Pwede kana umuwi! Naihatid mo na ang dapat" sabi ko sabay irap. Tumawa lang sya! Takte! Kelan kaya to maiinis sa akin.

"Haha! Hindi lang yon, look" aniya at dinukot ang ID nya sa loob ng damit na suot nya.

Nanlaki mga mata ko as in! 0_0

"Dito kana mag aaral?" tanong ko.

"Yup! Para lagi na kitang kasama at mabantayan kita" masaya nyang sabi sabay akbay sa akin.

"Ganon? Mamaya may ikekwento ako sayo,diba sabi mo gusto mo akong tulungan?" maya maya ay sabi ko.

"Sige ba"- Gelo.

"No need,tapos na ata class nyo" aniya. Paglingon ko lumalabas na nga mga classmates ko.

"Mr.Mendoza,kumopya ka na lang ng notes sa mga classmates mo" sabi ni Mr.Boromeo ng lumapit.

"Yes Sir,thank you po" at umalis na si Sir.

"Tara na sa canteen" aya ni Gelo at inakbayan ulit ako. Nawiwili sya ah?

"Yuri-chan sabay kana samin maglunch oh :(" sabi ni Kousagi ng lumapit samin.

"Tara na Best" dagdag ni Clyde.

"Im sorry pero may iba akong kasama,next time na lang" sagot ko saka nagbitiw ng pilit na ngiti. Nandun din si Kurt at masama na naman ang tingin sa akin.

Huwag mo ako artehan ng ganyan Kurt! Ikaw may kagagawan nito!

Ako na humila kay Gelo papunta sa canteen.

"Teka? Kaibigan mo sila diba? Bakit iniiwasan mo?" pigil ni Gelo sa akin.

"Mamaya sasabihin ko sayo lahat lahat" tanging sagot ko sa kanya at tumuloy na kami sa canteen.

Umupo kami sa bandang dulo. Nilabas ko na ang lunch box para magsimula kumain pero napansin kong hindi pa sya umoorder.

"Bakit hindi ka pa umoorder?"

Nag pout lang sya. Luh? Ang kyut ni gago haha!

"Gusto ko yung pagkain mo,gusto ko makisalo" parang bata na sabi nya. Natawa na lang ako.

"Oh sige,tara saluhan mo ako" natatawang alok ko. Bigla naman kuminang ang mga mata nya at lumipat sa tabi ko. Habang kumakain kinwento ko sa kanya lahat lahat wala ako itinira,pati yung hinala ko. At hiniling ko sa kanya na tulungan nya ako sa pag imbistiga na hindi naman nya tinanggihan.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng may bumunggo sa akin. Natapon sa akin ang mga pagkain,ang lagkit!

"Tarantado ka ah?!" biglang tumayo si Gelo na akmang susuntukin yung nakatapon sa akin pero pinigilan ko sya.

"Sorry dude,akala ko basurahan sya eh" sagot nung lalaki saka umalis at humalakhak pa.

Ramdam ko nakatingin sa amin ang lahat. Ng iangat ko tingin ko nakita ko si Ana,nakangisi at naka tingin sa akin,naka akbay sa kanya si Kurt.

"Bakit mo ako pinigilan? Ayos ka lang ba? Tara iuwi muna kita sa bahay" ani Gelo at inalalayan ako makatayo.

Palabas na kami ng canteen ng tumigil si Gelo at may tinanggal sa likod ko. Isang papel na may naka sulat na.

"Im a Fag,tara babuyin nyo ako"

nilamukos ni Gelo ang papel at tiningnan ng masama ang mga tao sa canteen.

"Masaya na kayo?" sabi nya sabay hila sa akin. Napaka bigat ng pakiramdam ko. Sabi ko pa handa na ako sa mga mangyayari sa akin,pero hindi ko pa din pala kaya. Talo pa din ako.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon