Inbox 32. The Accident!

9.1K 236 17
                                    

Yuri's POV

From that day till now,wala ako balita kay Gelo. Naghintay ako na kahit papano ay mag exert man lamang sya ng effort na kausapin ako. Sobrang sakit lang talaga that he left me hangin' here alone.

Nawalan na ako ng gana sa buhay,lahat ng positive aura ko sa katawan ay iniwan ako. I cant even participate in any of the class lessons,im physically present but mentally absent.

And again,unti unti akong umiwas sa mga taong nakapaligid sa akin, ang parents ko at ang tropa ay hindi nakaligtas sa pag iwas ko.

Im like a zombie, a living dead! Ni sa pagkain wala akong gana, after ng class deretso ako sa kwarto para magkulong. I isolated my self. Lahat iniiwasan ko talaga, iniisip ko kasi,lahat naman sila iiwanan din ako in the end.

Ganito talaga siguro ang buhay pag ibig ng mga baklang tulad ko. Pararanasin ka ng saglit na kasiyahan pero ang ipapalit naman ay walang katapusang kahungkagan at kalungkutan.

Ano ba ang ginawa kong masama para maranasan ko ang ganito? Nagmahal lang naman ako ng totoo diba? Wala naman akong inapakan at sinamantalang tao para makaranas ng ganitong parusa!

Hanggang sa dumating ang point na napapabayaan ko na ang kalusugan at pag aaral ko. Sobrang nag aalala na talaga sina Mama at Papa and lagi tinatanong kung ano talaga ang nangyari,pero wala silang makuhang sagot sa akin.

One day,nasa kasagsagan pa din ako ng pagka miserable ng umalis ako sa bahay,walang dalang pera. Naglakad lang ako ng naglakad. The road seems so long and endless,wala akong nararamdamang kahit anong pagod.

Siguro mga alas 5 na yon ng mapansin kong napadpad na pala ako sa park.

Sa park kung saan kami nagkakilala ni Gelo. Nakatulala lang ako at tuloy tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Hanggang ngayon ramdam ko pa din ang sakit. Yung parang paunti unting hinihiwa ng blade yung puso ko. San ba ako nagkulang?

Nakatayo lang ako,iyak ng iyak,para akong estatwa dun,pinagtitinginan na ako ng mga tao sa park. Panong hindi? Ang dungis ko na. Naka paa pa ako. Para akong pulubi. But I really dont care. Pakiramdam ko hindi na nagpafunction ng tama ang utak ko.

"Yuri?" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Bigla ako nakaramdam ng galak. Bumilis ang tahip ng puso ko. Paglingon ko,nakita ko sya.

Si Gelo.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya,niyakap ko sya ng umiiyak. Wala ako pakialam. Ang mahalaga nandito sya. Nayayakap ko.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Kahit tumutulo pa din ang mga luha ko pinilit kong ngumiti.

"God! Anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo? Sino kasama mo?" kita ko sa mga mata nya ang pag aalala. Parang may humaplos sa puso ko sa mga sandaling iyon.

"Hon,nandito ka lang pala,ow? You?" biglang lapit ng isang babae. Si Bianca. Dinuro pa ako.

Hon? Grabe! Bigla na naman sumikip dibdib ko, parang nanlalambot ang tuhod ko.

"Lets go hon" aya ni Gelo dito."Yuri una na kami,ingat ka" dagdag nya at tumalikod.

Muli naramdaman ko na naman yong kakaibang sakit pero mas matindi ngayon. Triple. Mas masakit pala pag harap harapan isampal sayo ang katotohanang Hindi kayo para sa isat isa at may iba na syang mahal.

Ano bang nangyari? Bakit biglang nagkaganun? :(

"Ow,before we go,let me have a word with you fag, wag kang lalapit kay Gelo at wag na wag mo kaming guguluhin, masama ako magalit" sabi nung Bianca.

Hindi ako nakapag salita. Tuloy tuloy lang ang pag iyak ko,parang walang katapusan,tulad ng sakit na nararamdaman ko,parang walang katapusan.

Tumalikod ako at naglakad na din palayo ng tulala. Hindi ko na alam kung ano dapat ko pang maramdaman at dapat ko pang isipin.

May nadinig akong sigawan,ang tropa tinatawag ako. Pano nila nalaman na nandito ako? Pati si Gelo lumingon sakin. Lahat sila parang gulat na gulat.

Don ko lang narealize na nasa kalsada na ako. At huli na ang lahat para maiwasan ko ang sasakyang papalapit sa akin.

"YURIIIII!!!" sigawan na nadinig ko before everything went black.

AN ~ Uwaaahh! Hindi ko alam ang isusunod! At hindi ko alam kung para kanino talaga si Yuri? Sumasakit na ulo ko :| comment at vote po sa mga mababaet ^_^

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon