-----
- Yuri's POV -
Dismissal,nandito na ulet kami kina Jopet,with Kousagi,Pat and Aifha, I dont know what happened to Kurt pero hindi na sya sumama samin. Uuwi na lang muna daw sya at susunod din dito since malapit lang ang bahay nya.
Talagang hindi ko na ma decipher kung anong ugali meron ang Kurt na yan,Bipolar ata,minsan okay after a minute hindi na! What was he thingking? Ako na nga ang nagmagandang loob kanina na habulin sya at ibigay yung wallet nyang naiwan nya nung mag walk out King sya eh! Ni hi ho wala! Talagang hindi nya alam ang salitang 'Thank You'.
Sa kabilang banda,hindi ko din maintindihan si Maam Ignacio kung bakit sa group namin nilagay sina Kousagi,Pat at Aifha kung pwede naman nyang hatiin yung tatlo diba? Lakas din ng sayad ni Maam eh!
Pero ayos na din yon para sa akin o para sa amin,mas magkakaroon kami ng time para kilalanin ang isa't isa. Tulad na lang nitong mga gangster na tropa ni Kurt, for an instance parang bigla nawala yung mayabang aura nila, pakiramdam ko nabuwag yung wall o barrier sa mga pagitan namen at kumportable na kaming makipag usap sa bawat isa, ewan kung napansin din nila yon.
Kaya eto,pinapaliwanag na ni Jopet sa tatlong bago ang mga dapat gawin, ako tulala,nganga, bakit hindi? Wala nga akong laptap diba? Naisip ko na lang na gumawa ng props at gawin ang presentation ko gamit ang cartolina o manila paper.
"Bakit hindi ka pa nagsisimula?" tanong sakin ni Clyde, ito ang kauna unahang pagkakataon na kausapin nya ako ng walang halong yabang o sarkasmo.
"Ha? Ah eh.. Nakalimutan ko kasing sabihin sa inyo na wala akong laptap,kaninang umaga ko lang naisip" nag aalangan kong sagot. Lahat sila ay tiningnan ako.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"- Jopet.
"Yuri-chan,gusto mo pahiramin kita? Uuwi muna ako"- Kousagi
"Ha?" yan lang nasabi ko. Hindi ko kasi alam kung kaninong tanong ang uunahin kong sagutin.
Bigla naman tumayo si Clyde.
"Oh bro? San ka pupunta?"- Jinx
"Uuwi kana?"- Marx
"Mga gago! Hindi no!" sagot nya sa dalawa at saka bumaling sakin. "Wait me here okay? Huwag kang aalis,stayput, may kukunin lang ako"
Nagtataka man ay napatango na lang ako at sinundan sya ng tingin palabas sa kwarto ni Jopet.
"Oww I smell love triangle here"- Sugar.
"Hihi tama ka dyan Sugar-chan! Yun din napansin ko mula kanina! In Japan it was called Yaoi^o^"- Kousagi.
"Yaoi?" sabay sabay nilang tanong. Takte! Parang alam ko na ibig sabihin nun ah? >_>
"Yup! Boy to boy Love! Like Yuri-chan,Kurt-san and Clyde-san! They are so kawaii! I hope magkatuluyan sina--asdfjgkl!" hindi na naituloy ni Kousagi ang sasabihin nya dahil tinakpan ni Sugar at Aifha bibig nya! Good job girls! ^___^
"Ang daldal mo teh! Sige ichika mo pa! Nakakaloka ka!"- Sugar.
Binigyan naman ako ng mga lalaki ng nagtatanong na tingin at sinagot ko ng isang kibit balikat saka ko binaling sa ibang direksyon ang aking tingin.
- Kurt's POV -
Malapit na magdilim ng makarating ako kina Jopet. Dumaan pa kasi ako sa bahay. At nag isip ng mabuti kung ano ang dapat ko talagang gawin sa nararamdaman ko? Ang kilalanin at tanggapin ba ito kasabay ng pagtanggap na nagbago ako? Na binago ako ng nararamdaman ko kay Yuri o pabayaan at kalimutan ko na lang ito? Ngunit paano ko gagawin yun kung inaatake ako ng selos? Hindi pa ako naging ganito sa mga ex girlfriends ko kaya yun ang hindi ko matanggap! Bakit kay Yuri nagkakaganito ako?
I know rude at mali ang ginawa kong pagtalikod sa kanya kanina,pero ano nga ba magagawa ko? Inunahan ako ng kaba at tensyon.
Bago ako pumasok sa room ni Jopet ay nagpakawala muna ako ng buntong hininga.
"Kurt!" sabay sabay nilang sabi ng pumasok ako. Agad akong sinalubong ni Kousagi at hinila.
"Kurt-san,here! Sit beside Yuri-chan^_^ he's helpless,wala syang lappy"- Kousagi.
Nang lingunin ko si Yuri ay sya nga lang ang walang laptop at walang ginagawa samantalang ang iba naming kasama ay busy na sa pag research at gawa ng project.
"Nasan si Clyde?" tanong ko ng mapansing wala si Clyde.
"Umalis, pero babalik din yon,may kinuha lang daw" si Jinx ang sumagot at muling itinuon ang atensyon sa ginagawa.
Muli kong tiningnan si Yuri,kawawa naman to,pano to gagawa ng project kung wala syang laptop? Edi wala syang grade? Naisip kong i-offer na ipahiram na lang sa kanya ang akin tutal may PC naman sa bahay at dun na lang ako gagawa.
Hindi pa ako nakakapagsalita ng dumating si Clyde na may bitbit na laptop.
Ah.. Nakalimutan nya siguro kaya umuwi ulit.
"Here,use this" ipinatong nya sa harap ni Yuri ang laptop at saka umupo. Lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Ha?"- Yuri.
"Wala kang magamit diba? Pano mu magagawa ang part mu kung wala ka nyan? Edi wala kang grade? Use that,sayo na lang yan tutal hindi ko na ginagamit dahil kakabili ko lang ng isang ito" sabi ni Clyde at tinuro ang sariling laptop.
Bakit? Bakit nya ginagawa yon? Feeling ko napaka useless ko tuloy.
"Ha? Uhm..Sigurado ka ba?" nag aalangan pang sabi ni Yuri. Psh! Kunyari ka pa!
"Oo naman,sayo na yan" naka ngiting sagot ni Clyde.
"Salamat Clyde" sabi ni Yuri at ngumiti din.
Tangena! Hindi pwede to! Para sa akin lang dapat ang ngiting yon!
"Wow bro ah? Gentledog! Palibhasa madami pambili,kawang gawa ba yan?" biro ni Jinx.
"Tado!" ani Clyde at sinuntok ang braso ni Jinx.
"Baka mauwi sa relasyon yan ah? Haha" buska naman ni Marx.
Sa lahat ng biro mo Marx yan ang hindi maganda! Masasapak talaga kita!
Lahat sila nagtawanan,tiningnan ko si Yuri.
Teka? Nagba blush ba sya? Tss! Hindi pwede!
"Eh ano naman? Bakit? Hindi ba pwede?" seryosong sagot ni Clyde, lahat natigilan sa sinabi nya. Si Yuri nanlaki bigla ang mga mata.
At ako? Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko,parang unti unti akong nakaramdam ng pamamawis.
"Syempre Joke lang!" maya maya ay sabi ni Clyde ng naka ngisi.
Agad syang binatukan ng nina Marx at Jinx.
"Gago ka! Akala namin totoo"- Jinx
"Kyaaahh! Clyde-san youre so cute when you said that! Kinikilig siguro si Yuri-chan! Hindi makakilos eh hihi^o^"- Kousagi.
Nakaramdam ako ng relief pero nawala din ng sabihin yon ni Kousagi. Kinikilig nga ba si Yuri?
Kinikilig ka nga ba Yuri? Gusto mo na nga ba si Clyde?
"Hindi no! Ang dami nyong kalokohan! Ituloy na natin to at ako'y magsisimula pa lang" sagot ni Yuri na parang binalewala lang ang nangyari.
Kung ako ba ang gagawa ng mga bagay na ikasasaya mo Yuri ay magugustuhan mo din ba ako?
BINABASA MO ANG
Inlove With You [Completed]
Teen Fictionkwentong high school,pag ibig high school ng isang beki at isang lalaki ;) maging masaya kaya ang high school love life? Akala nyo girl lang pinag aagawan? Well,lets see XD. Subaybayan natin ang masaya at masalimuot na buhay pag ibig ni Yuri :D