Inbox 17. Tampo! :/

9.5K 238 2
                                    

Clyde's POV

Kinabukasan,dahil nga sinabi ni Maam Ignacio na ngayon nya ididiscuss ang tungkol sa intramurals at foundation day na sa section pala namin nakatoka ay inagahan ko ulit ang pasok.

At kung mamalasin nga naman makikita ko agad si Jepoy! Hindi ba pwedeng si Kath na lang sana nakita ko?

I have no issues regarding Jepoy naman talaga sana kung hindi lang nila iyon tinutukso sa akin! Hindi porket minahal ko si Yuri eh magkakagusto na din ako sa mga katulad nya! Hindi ganon yon.

Okay si Jepoy para sa akin,makulet,kwela,joker, kahit ako binibiro nya ng panlalandi ay ayos lang sakin nung una,pero nung inaasar na sya sa akin ng tropa,nailang na ako.

Pagkapasok ko sa room ay binati na ako ng mga classmates namin at binati ko din sila,hanggang sa nagdatingan na ang iba pa pati na din ang tropa. Naiinis ako sa kanila,hindi ko sila papansinin.

Ilang saglit pa dumating na si Maam Sanchez at nag start na nga kami ng meeting. At dahil nabalitaan daw nya na ang groupo namin ang nag outshine sa group project sa English ay sa amin nya in-assign ang mga booth at fun fare. Mga rides daw.

At kung bakit kaming fourth year high school section A ang gagawa at hindi ang mga college? May iba daw na naka assign sa college,sila ang sa intramurals sa mga games like volleyball,chess,basketball at sa mini concert.

Pihidong tadtadan na naman ito ng mga idea at waldasan ng pera. Ayos lang basta makakuha ng magandang grades :)

Dismissal,nagmamadali na ako umuwi,ipaparamdam ko sa kanila na inis ako talaga, siguro naman ramdam nila yon dahil nung break at lunch hindi ako sumama sa kanila. Nagkunyari na lang akong busy sa pagbabasa.

Ng makauwi sa bahay inabala ko ang sarili ko sa pag laro ng online games,ng magsawa ay natulog na.

Nagising ako mga 7pm na dahil sa katok ng isa sa mga maid namin,dinner na pala,andyan na din siguro sina Mom at Dad.

Tiningnan ko ang phone ko, 122 messages at 13 missed call. Puro galing sa tropa. Pero hindi ko pinansin, bahala sila dyan!

Bumaba na ako para sumabay kay Dad at Mom na mag dinner. Tamang tama,adobo ang ulam.Paborito ko ^_^

The dinner was quite good, panay ang tanong nina Mama bout school at kung may bago ba daw akong girlfriend? Syempre sabi ko wala pa.

AN~ yan nalang po muna,antok na ako, HAPPY VALENTINES :)

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon