Inbox 21. The Unexpected Part 2

8.7K 236 5
                                    

Yuri's POV

Habang palapit sa akin si Kurt,nakaramdam ako ng matinding takot sa galit na ipinapakita nya. Naguguluhan ako!

"MANLOLOKO KA!!!" Bulyaw sa akin ni Kurt ng makalapit.

"Kurt? Ano bang sinasabi mo?" takot kong tanong.

"Kurt,pabayaan muna natin mag explain si Yuri" awat ni Clyde dito.

"HUWAG KANG MAKIALAM DITO!!" Bulyaw ni Kurt kay Clyde.

"Dude! Kalma lang!"- Jinx

Muling humarap sa akin si Kurt na nag aapoy ang mata sa galit. Nakakatakot. Parang hindi ko sya kilala.

"Manloloko ka! Niloko mo ko!" ulit ni Kurt na sigaw sa akin,namumula na mata nya at may namumuong luha.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo,hindi kita maintindihan Kurt" naiiyak ko nang sabi.

"Sinungaling! Ito! Hindi ba katibayan yan ha?? Ano?! Ngayon mo sabihing hindi mo ako niloko!" sigaw ni Kurt at dinuldol sa akin ang celphone nya.

Nanginginig ang kamay ko ng kunin iyon upang tingnan. Isa itong video,dalawang lalaki na parehong hubad,yung lalaking nakapatong ay likod lamang ang kita ngunit mapapansin dun na niroromansa nito yung nakahiga, ng magkaron ng pagkakataon na maiba ang pwesto ng video,nagulat ako sa nakita at nag unahang tumulo sa aking pisngi ang aking mga luha.

It was me. Ako ang nasa video.

Wala akong matandaang may nakatalik ako,dahil maski kami ni Kurt ay hindi pa ginagawa yon.

"Kurt,hindi ako yan,maniwala ka" pagmamaka awa ko habang humahagulgol na ng iyak.

"Magdedeny ka pa? Ayan ang ebidensya oh?! Pano mo sasabihing hindi ikaw yan ha??!" galit na galit na sabi ni Kurt.

Hindi ko na alam kung anong gagawin. Nanlalambot na ako,imposibleng ako ang nasa video! Hindi ako yon!

"Kurt maniwala ka naman" pagmamaka awa ko pa rin. Wala na akong paki alam sa mga nakakita at nakakarinig sa akin.

"Ano pa bang kulang ha Yuri? Minahal naman kita ng totoo ah? Hindi ka ba makapag hintay at tumikhim kana agad ng titi ng iba ha??!! Akala ko iba ka sa ibang BAKLA! Pero pareho mo lang sila! Ang baboy mo! Manloloko!!"

"Kurt maniwala ka naman sakin"

"Kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala! Wala na ako balak pakinggan mga paliwanag mo! Sinungaling ka!!" sigaw nya saka tumalikod at nagmamadaling umalis.

Naguguluhan ako,pano nangyari yon?! Panong naging ako ang nasa video?

Pero ang hindi ko matanggap ay ang masasakit na salitang sinabi sa akin ni Kurt. Halos madurog ang puso at pagkatao ko. Ang sakit sakit! Wala naman akong ginagawa at ginawang masama eh!

Lumapit sa akin si Clyde at niyakap ako.. Lalo ako napahagulgol ng iyak. Nakatingin pa din sa amin ang mga tao. Nakita ko si Ana na nakatingin at naka ngiti. Bakit sya naka ngiti?

"Ano? Masaya na kayo? Tapos na ang palabas! Mag si alis kayo! Putang ina!!" sigaw ni Clyde sa mga usisero/ra.

Ilang saglit pa,nagdatingan na ang tropa. Dinala nila ako sa classroom para pakalmahin.

"Malaman ko lang may kagagawan nito,mapapatay ko sya" nanggigil na sabi ni Jopet.

"Shit! How did this happen?"- Pat.

"Teh,uminom ka muna ng tubig oh" ani Jepoy at inabot sa akin ang bote ng mineral water. Si Sugar ay hinahagod ang likod ko samantalang si Aifha ay pinapaypayan ako.

Pinapakalma din ni Kath si Clyde.

"Yuri-chan papaimbistigahan ko yan,hindi ako papayag na hindi maparusahan ang gumawa nun"- Kousagi.

"Odango,huwag,baka makarating sa mga parents natin" pigil ni Marx dito.

"May hinala ako kung sino gumawa nito,but I have to make sure muna,kakalap ako ng impormasyon. For the mean time,kakausapin ko muna si Kurt" biglang sabi ni Clyde na ikinatingin naming lahat sa kanya.

"Pano mo nasabi?"- Sugar.

"Basta,may hint ako kung kanino galing ang video at kung sino may pakana. Mananagot sa akin ang mga yon!" sagot ni Clyde.

"Tama si Clyde Yuri,palamigin muna natin kaya muna ang sitwasyon,hayaan muna natin si Clyde kumausap kay Kurt,pag okay na,saka mo sya kausapin"- Aifha.

"Hindi na,useless din,sa kanya na nang galing na hindi sya interesado kung magpapaliwanag ako. Pabayaan na natin sya,at saka sa tingin ko hindi ko sya kayang harapin dahil sa mga binitawan nyang masasakit na salita sa akin,kahit sa ibang tao wala na akong mukhang ihaharap" sabi ko,at muli napaiyak na naman ako.

Bakit kailangan mangyari sa amin to ni Kurt? Bakit kailangan ko maranasan ito? Wala naman akong inagrabyado para magkaganito ako :(

Sa buong linggo ng intramural at foundation ay hindi ako pumasok. Nasa bahay lang ako at ang tropa ang dumadalaw. Kung hindi naman ay ako ang pupunta sa kanila. Pero pag nandun si Kurt ay ako na ang umiiwas.

Gusto ko ng tumigil mag aral pero hindi ko alam ang idadahilan kay Mama at Papa at saka natatakot din akong biguin sila.

Until monday came at yon na pala ang simula ng pagbabago ng lahat at ang simula ng unti unting pag patay sa akin.

<3

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon