Inbox 5. Meet The Parents!

11.9K 317 6
                                    

-- KURT's POV --

Dinala ko si Yuri sa bahay,sa sofa ko muna sya hiniga habang ginagamot. Sakto dumating sina Mama at Papa. Nabigla pa sila sa nakita.

"Sino yan?"- Papa

"Anong nangyari dyan?" -Mama

Hay naku! Halos sabay pa nilang sabi. Sasagot na sana ako ng biglang magising si Yuri.

"Ikaw?! Nasan ako?" bungad nito pagkagising.

"Oo ako nga,ang savior mo" nakangisi ko namang sagot. Subukan nyang magmaldita dadagdagan ko sugat nya haha!

Natahimik naman sya at tiningnan ang sarili.

"Ma,Pa sya nga pala si Yuri,classmate ko" baling ko kina Mama at Papa na umupo na din sa magkabilang couch.

"M-magandang gabi po Ma'am at Sir,pasensya na sa abala" mahiya hiyang sagot ni Yuri, tingnan mo nga naman,marunong din pala mahiya ang malditang ito.

"Ayos lang yon ija,ano bang nanyari at puro galos ka?" tanong ni Mama. Nakita ko naman kung pano manlaki ang mga mata ni Yuri ng tawagin syang ija ni Mama,gusto ko ng tumawa dahil sa reaksyon ng mukha nya pero pinigil ko na lang.

"Po?"- Yuri

"Sabi ko ija ano bang nangyari sayo at puro galos ka?" ulit pa ni Mama, this time napangisi na talaga ako dahil epic ang reaksyon ni Yuri.

"Ija? Im sorry Ma'am pero hindi po ako babae" sagot ni Yuri kay Mama na halatang kinagulat pati ni Papa.

"Ow,Im sorry, I thought youre a girl,pasensya na"- Mama.

"Pero mukha nga syang babae" singit din ni Papa.

"ah eh,hehe, uhm ano po kasi ako,uhm beki po ako" ani Yuri na napatingin pa sa lapag.

"Beki? Ano yon?" sabay na react ni Mama at Papa ,nagulat naman si Yuri, hindi na ako nakapag pigil at dun na ako bumulanghit ng tawa!

"Ma,Pa ang ibig sabihin ng beki,ay bakla,bading,badaf" sabi ko habang tumatawa.

"ahh"- Mama at Papa

"anong tinatawa tawa mo dyan?" ani Yuri sakin. Tumahimik naman ako, tapos kina Mama at Papa sya bumaling. "kasi po puro puno ang jeep na dapat kong sasakyan pauwi,eh no choice naman po ako kaya nag taxi na ako. Malay ko bang may balak pala yung driver na holdapin ako,kaya po sa takot ko,kahit umaandar ang taxi ay tumalon ako palabas" dugtong nya pa.

Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Pero nakakabilib din na nagawa nya yun. Kung ako siguro yon hahayaan ko na lang na maholdap ako.

"ganon pala, sa susunod mag ingat ka na ha? O sya tara ng kumain,sumabay kana sa amin,sakto madami tong nabili naming pagkain" si Papa na ang nagsalita at nagpatiuna na papuntang kusina na sinundan agad ni Mama.

Kita ko namang nag alangan pa si Yuri,nahihiya pa din siguro.

"tara na,huwag kana mahiya" yaya ko sa kanya at hinila ko na sya patayo. Sumunod naman sya ng walang imik.

Patapos na kaming kumain ng may tumawag sa Phone nya,agad syang nagpasintabi sa amin at lumabas,sinundan ko naman sya.

"Hello Pa? Sorry po,may hindi kasi magandang nangyari sakin, uuwi na po ako"

"Opo opo,may natira pa naman akong pera pamasahe pauwi,sige po"

Lumingon sya sa akin at dumiretso sa loob ng bahay,dinig ko pang nagpaalam na sya at nagpasalamat kina Mama at Papa then lumabas na ulit sya.

"Kurt" tawag nya sakin ng makalabas sa gate namin,sinundan ko naman sya dun.

"Bakit?" -Ako.

"uhm,maraming salamat sa pagligtas at pag gamot ah? Sige mauna na ako" aniya at tumalikod na. Agad akong pumasok sa loob ng bahay para magpaalam kina Mama at Papa na ihahatid ko si Yuri.

Ng makalabas ulit ako,kita kong nasa malayo na sya. Ang bilis naman nitong maglakad? Agad akong tumakbo para maabutan sya.

"Yuri sandali! Hintayin mo ako" sigaw ko at lumapit na sa kanya ng huminto sya.

"Oh Kurt,bakit?"

"Uhm ano,ihahatid na kita,baka mapahamak ka na naman" alangan kong sagot. Huwag naman sana syang mag inarte,sa gwapo kong to aarte pa sya.

"Sure ka ba? Sige" sagot nya sa akin at ngumiti.

Dub.Dub.Dub.Dub.Dub.Dub

Teka? Bakit nagkaganon tibok ng puso ko ng ngumiti sya? Ngiti na napaka totoo. Ang sarap sa pakiramdam na binigyan nya ako ng ganong ngiti.

What the?! Ano bang sinasabi ko? Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito?

Kurt bakla yan! Hindi yan babae! Lalaki pa din yan! Sigaw ng kabilang panig ng isip ko.

"Kurt?! Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Akala ko ba ihahatid mo ako" sabi ni Yuri at muli akong bumalik sa katinuan.

"Sige,tara" sagot ko.

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon