Inbox 30. Letting Go; Moving on!

9.6K 235 8
                                    

Kurt's POV

Malapit na ang christmas vacation at eto nga nagpaplano na ang tropa para sa gagawing christmas party sa section namin. Natural kaming tropa naka toka dahil kami nga ang maasahan sa ganito. Sabi din ni Mam Sanchez pwede mag invite ng other year level o section.

Dahil hindi naman magkasabay ang christmas party naming high school sa mga college, we decided and suggested to Mam Sanchez na pag isahin ang party ng High school. Kinausap namin si Chancellor and He agreed at nag bigay sya ng dagdag budget. Papatulungan na din daw nya kami sa ibang faculty members dahil ang covered court ang napili naming venue.

Plantsado na ang plano,mga kakailanganin na lang na gamit,props at pagkain ang aatupagin namin. Enjoy naman eh. This is what high school life is all about, dahil 3 months from now ga-graduate na kami diba.

Anyway,after ng retreat at nung pagpapayo sakin ng tropa talagang gumaan na ang pakiramdam ko,kaya 3days after ng retreat ng makasalubong ko si Gelo sa Gymnasium nung galing ako kay kuya Dex eh I took the chance to talk to him one on one at pinagbigyan naman nya ako.

I told him everything I want to say dahil ayoko na magsisi. Tuluyan ko na ipinaubaya sa kanya si Yuri,nangako naman sya na gagawin ang lahat para mapaligaya lang si Yuri. By then tinanggap ko na talaga ng buong puso na hindi na sa akin si Yuri at pagkakaibigan na lang ang meron kami.

Ng araw ding yon naging okay na kami ni Gelo, nawala na yung wall sa pagitan naming dalawa. Ganun lang pala yon pag tinanggap mo na hindi naman pala talaga para sayo ang isang tao eh mas madali kang makakapag move on at hindi matutulad sa iba na nagpapaka bitter.

Then si Yuri naman ang kakausapin ko para tuluyan ko ng mapakawalan ang nararamdaman ko sa kanya.

At ang christmas party ang magandang timing para doon.

Dumating ang araw ng Christmas Party, masaya kami sa naging outcome ng isa na naman naming pinag hirapan. Makikita sa mukha ng mga high schools na natuwa sila sa ginawa namin.

Chancellor,Mam Sanchez and the other teachers congratulate us.

Everything was set,the foods,games para mamaya, may videoke din kaming inarkila.

Pero ang mas nakapag pasaya sa kanila ay ang kaalamang pwede mag disco at ang inarkila naming band na tutugtog maya maya lang din.

Nag start na kami sa party,nakipag kulitan sa mga classmates at kapwa estudyante.

Ng mapansin kong busy na ang lahat,lumabas muna ako sa covered court.

"Kurt"

Lumingon ako just to make sure na tama hinala ko. And I was right, si Yuri nga.

I smiled at him.

"Nag usap na pala kayo ni Gelo" sabi nya at tumabi sa akin. Tumingala ako para tingnan ang magagandang bituin sa langit. The night was so perfect.

"Yup,tinanggap ko na kasi na hindi talaga tayo para sa isa't isa Yuri" my voice cracked. Hindi ko ineexpect na ganito agad bubugso ang damdamin ko. Pero kelangan ko sabihin ang mga gusto ko para tuluyan na ako maka let go.

"Kurt,Im sorry" nakayukong sabi ni Yuri.

"No,you shouldnt be sorry,its all Gods will Yuri,maybe hindi talaga tayo para sa isa't isa. Minahal kita ng sobra sobra pero dahil sa isang pagkakamali nakalimot ako sa pangako kong hindi ako bibitiw at iniwan kita. Pero ganun talaga ang buhay,hindi lahat ng nang iiwan may babalikan. Ang masakit lang dun ay ang katotohanang wala na dapat balikan. Pero hindi ako nagsisisi na minahal kita Yuri. Masaya ako na masaya ka,I know Gelo is a good guy at hindi ka nya papabayaan tulad ng ginawa ko. Mula ngayon pinapalaya ko na ang nararamdaman ko para sayo" mahaba kong sabi habang patuloy akong umiiyak. Mas gumaan ang pakiramdam ko. Napakawalan ko na yung burden. Kasabay ng pagdaloy ng mga luha ko ay ang pagdaloy din ng pagmamahal ko kay Yuri.

Napabuntong hininga ako. Ang sarap sa pakiramdam na nailabas ko na lahat. Totoo nga pala na its just a matter of acceptance. Once na tinanggap mo na hindi para sayo ang isang bagay mas madali ng bitawan. Totoo na ang pagtanggap ay ang isa sa pinaka mahirap gawin,pero once you did,it will set you free from agony.

Niyakap ako ni Yuri. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Alam ko umiiyak din sya. So I wiped his tears.

"Psh! Huwag kang umiyak! Baka isipin ni Gelo inaway kita" naka ngiti kong sabi.

"Ikaw kasi eh! Pero salamat Kurt ah?" sagot naman nya na naka ngiti din.

"No worries! Friends ulit?"- Ako.

"Yup! Friends again!" - Yuri.

"Mhy! Hinahanap na kayo sa loob" biglang singit ni Gelo.

"Mhy! Uhm sige tara na" salubong sa kanya ni Yuri.

"Dude okay ka lang?" tanong sa akin ni Gelo habang naglalakad kami papasok sa Gym.

"Oo naman,nag usap lang kami ng asawa mo,alam mo na" sagot ko at saka humagikgik. Ewan! Masaya ako,ang gaan sa pakiramdam eh.

"Ganon ba? Basta yung promise ko tutuparin ko yun" sabi naman nya.

"Nakakahiya naman sa inyo,ako na ata pinag uusapan nyo hindi ko pa alam? Gusto nyong sapatusin ko kayong dalawa?" biglang sabi ni Yuri na ikinatawa namin.

<3

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon