Clyde's POV
Masaya ako dahil successful ang birthday party ko nung saturday kahit na biglaan lang. Actually ayaw ko talaga mag handa,sina Mommy at Daddy lang may gusto palibhasa nag iisa lang akong anak at gusto nila imbitado ang mga bussiness Associates nila. Konting kamag anak at kakilala ang imbitado.
Dahil nga wala talaga ako balak na mag celebrate,nagulat na lang ako nung umaga na nag peprepare na ang lahat. Kaya naman kahit biglaan nagtext na ako sa tatlong kumag at sila na bahalang magbitbit sa tropa dito.
Mga bandang 6pm dumating ang tropa pero wala pa sina Kurt at Yuri.
Hayst, si Yuri, I never thought na magkaka gusto ako sa kapwa lalaki. Never in my entire life that I imagined hugging and kissing a guy sa aking pag deday dream until I met Yuri.
Aaminin ko nainis talaga ako sa kanya ntng una dahil kahit na aminado syang hindi sya kasing yaman tulad namin ay pinapakita naman nya sa lahat na kontento at masaya sya.
Hindi ko namalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya,ngayon lang nangyari sa akin ito,everytime na nagkakainisan sila ni Kurt ay napapatitig ako sa kanya. Wala ba syang idea kung gano sya ka akit akit at ka cute pag nagpapout at nagdadabog sya?
Pero pinigilan ko sarili ko, I know naman na gusto nya si Kurt at ganun din ang tropa ko sa kanya. Kaya nga dinadaan ko na lang sa pambubully at pang iinis. Ayaw kong maging kakompetensya si Kurt kay Yuri,dahil alam ko at halata naman na pareho sila ng nararamdaman at nasa indenial stage pa sila.
Then dumating sa amin ang English group project na mas naging dahilan para mapalapit kami. At first talagan hindi ko sya tinantanan sa panglalait at pang iinis ,hoping na pag nagalit sya sa akin ay madadivert na din sa iba o mawawala ang nararamdaman ko sa kanya,or atleast thats what I thought.
Nadagdagan kami sa group project,dahil sa mga new classmates namin,ang mag jowang Patrick at Aifha at yung anime girl na si Kousagi na kung tawagin ni Marx ay odango.
Dahil sa project na yun,nawala ang tensyon sa mga grupo namin,naging mabait sina Joseph,Sugar at Yuri samin,tinamaan din kasi kami ng guilt ng minsang pagtulungan naming laitin si Yuri at tinalakan kami ni Sisa este Sugar.
Si Yuri nanatiling mabaet,lalo ako nahulog sa kanya,pero pag nakikita ko kung pano sya tingnan ni Kurt ng palihim aynaiisip ko na dapat ako magpa ubaya.
Sinet ko ang utak ko na friendzone lang ako kay Yuri. Thats better kesa wala diba? Mautak to no?!
Ang pinaka hindi ko makalimutan ay yung agawan namin sa cookies, thats so fantastic haha! Pati yung lahat kami ready to go na sa pag gawa ng project pero sya nakatulala,thats why I asked him kung bakit hindi pa sya gumagawa. Wala pala sya laptop.
Thats why I decided na umuwi at kunin ang isa ko pang laptop at ibigay sa kanya.
Dun kami nag start maging close ni Yuri. I know nagseselos na si Kurt, I can sense and see it. Thats why nag usap kami ng masinsinan ni Yuri one time,and I offer myself to be his Bestfriend. Doon hindi man kami,alam ko naman na may puwang na ako sa puso niya bilang bestfriend.
Kontento na ako sa ganun. Pero nung mismong birthday ko sinagot ni Yuri si Kurt. Parang gumuho ang daigdig ko,gusto ko umiyak pero pinili ko magpakatatag,ginusto ko yun eh so dapat,tanggapin ko. Hindi ako nagpakita ng kahit anong hint na nasaktan ako. Bagkus ipinakita ko sa kanila,na masaya ako para sa kanilang dalawa. Ganun naman ualaga dapat yon diba? Ang maging masaya ka para sa mahal mo kahit may mahal syang iba. Atleast bestfriend pa din kami yun ang mahalaga.That night also nag usap ulet kami ni Yuri pero hindi ako umamin,sinabi ko lang sa kanya na masaya ako para sa kanila.
Nakakatuwa nga ng sabihin nyang may dadating para sa akin,maghintay lamang daw ako. Sana nga meron.
Ngayon monday na,inagahan ko ang pasok,mas inspired akong mag aral dahil sa mga magulang ko at mga kaibigan ko. Pero maya maya natulala ako pumasok na naman sa isipan ko si Yuri.
"Si Yuri na naman ang iniisip mo"
napatingin ako sa nagsalita.
Si Jinx.
"Anong pinagsasabi mo dyan?" angil ko sa kanya,aga aga aasarin ako,ihagis ko sya sa labas ng bintana eh!
"magdedeny ka pa bro,halata ka kaya! Hanap ka na lang ng ibang lalaki dyan bro"- Jinx
"ulul! Hindi ako bakla no! At saka hindi naman sadya yung kay Yuri. At si Yuri lang ang lalaking minahal ko. Sya lang wala ng iba" sagot ko at medyo hininaan ang boses baka madinig ng iba pa naming classmates mahirap na.
Ilang saglit pa nagdatingan na iba naming classmates maging ang tropa at si Maam Sanchez na may kasamang dalawang estudyante. Ang isa babae,at ang isa binabae.
Napangiti ako dahil hindi na nag iisa si Yuri bilang bading sa section namin.
"Okay class,may bago ulit kayong classmates,galing sila ibang school at nakapasa para makapasok dito. Eventually dito sila sa Section A napunta" panimula ni Maam Sanchez.
Pansin ko lang ang dami lumilipat sa section namin >_
"Okay,kayong dalawa,introduce yourselves" sabi pa ni Maam.
Infairness naman maganda yung babae. At type ko sya ^_^
BINABASA MO ANG
Inlove With You [Completed]
Teen Fictionkwentong high school,pag ibig high school ng isang beki at isang lalaki ;) maging masaya kaya ang high school love life? Akala nyo girl lang pinag aagawan? Well,lets see XD. Subaybayan natin ang masaya at masalimuot na buhay pag ibig ni Yuri :D