CHAPTER 01

354 10 1
                                    

CHAPTER 01

Kadalasan nagagawa nating sumunod sa mga gusto o hilig ng isang tao. Kahit wala kang kaalam-alam sa kan'yang hilig, pilit mo pa ring sinisiksik ang sarili para makisama sa kan'ya.

Walang kurap-kurap akong nakatingin sa lalaking matagal ko nang pinagmamasdan sa malayo. Sobrang gwapo n'ya at napakaseryoso ng mukha. Kailan ko kaya makikita ang kan'yang matamis na ngiti?

'If you believe, everything you dream will come true.
And if you can love
No matter how you're hurt
love will come to you
Back to you
This world is yours.'

Tanging ang kan'yang boses ang nangingibabaw sa aking pandinig. Kahit may mga lalaking nakapalibot sa kan'yang paligid, tanging s'ya lamang ang tinititignan ko nang matagal.

Hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa sa kan'ya. Para s'yang si Apollo sa aking paningin, tila hinihili n'ya ako sa malamunay n'yang tinig.

'Climb a mountain
Cross the ocean
Sail the river until it opens
Make good friends, listen hard Let it out and dance on.'

Tutok na tutok s'ya sa pagkanta at 'di man lang nagawang ilibot ang kan'yang paningin sa kabuoan ng choir room. Sadyang ayaw n'ya lang ng atensyon pero kahit umiiwas s'ya sa mga babae, mas lalo lamang dumadami ang nagkakandarapa sa kan'ya.

Muntik na akong mapasigaw nang bigla akong hinampas ni Carlo sa balikat. Bahagyang pinanlakihan ko s'ya ng mata bago ibinalik din pagkatapos ang tingin kay Chord. 'Di yata ako magsasawang tignan s'ya buong magdamag.

“Sabihin mo lang kung may balak 'kang umuwi, Avery.” Humawak s'ya sa kan'yang noo na tila ba'y problemado, napapabuntong-hininga pa s'ya. “Kung 'di lang talaga kita kaibigan baka kanina pa kita iniwan.”

“Shh! Hindi pa tapos ang kan'yang kanta!” Hindi ko talaga inalis ang nanlalaki kong mata kay Chord. Malapit nang matapos ang kinakanta nila tapos bigla namang umepal ang baklang 'to.

Rinig ko ang pagbuntong hininga n'ya ulit at sumandig sa gilid ng pintuan. “Bruha ka talaga.”

Umatras ako ng kunti at sumilip sa bintana ng room kung nasa'n nasa loob si Chord kasama ang kan'yang ka-myembro. Medyo nahihiya akong magpakita at baka biglang mapatingin s'ya sa 'kin.

'If you can see, if you can believe, if you can dream
This world is yours, yeah, yeah This world is yours.'

Pumalakpak nang malakas si Carlo dahilan upang mapasinghap ako sa 'king kinatatayuan. Mabilis akong nagtago sa gilid ng pintuan nang makitang lumapit si Chord kay Carlo. Tapos na pala sila at hindi ko man lang namalayan!

“Infairness ang galing n'yo, ah. Gusto ko tuloy kayo maging kagrupo,” rinig kong maarteng sambit ni Carlo. Bakla talaga.

“Anong ginagawa mo rito? Choir members lang p'wede pumasok dito.” Kita ko ang pagsalubong ng kilay ni Chord habang nakatingin kay Carlo na nakapameywang sa kan'yang harapan.

Mahinang hinampas ni Carlo ang kan'yang balikat at tumawa ng nakakairita. “Ikaw naman, Chord. Magkaibigan naman tayo kaya bakit mo ako pinapaalis?”

Napatampal ako sa 'king noo. Kung 'di ko lang s'ya kilala, baka nahampas ko na s'ya kanina pa. Mukha kasing nilalandi n'ya ito.

Gan'yan lang talaga s'ya magsalita, parang nilunok ng sirang plaka na pinaghaluan ng boses ng kalabao.

Hindi ako umalis sa 'king pinagtataguan. Hintayin ko munang umalis sila bago ako lalabas. Kinakausap pa kasi ng baklang 'to!

“Bawal kayo rito, Carlo. How many times do I have to tell you na h'wag na kayong pumunta rito.” Nawawalan na s'ya ng pasensya. Wait— kayo?!

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon