CHAPTER 03

128 8 0
                                    

CHAPTER 03

“Noon at hanggang ngayon hindi pa rin naman natin matatakasan ang nakatadhanang trahedya na mangyayari. Kailangan nilang masaktan.”

Sino ang kailangan masaktan? Anong pinagsasabi nila?

Nanghihinang napaatras ako nang hakbang. Nanlalaki ang mga matang nakatutok ang mga mata ko sa pinto na kinalalagyan nila.

Magtatago na sana ako nang makitang papalabas sila. Naistatwa ako ngunit agad na may humila sa akin.

Mabilis ang pangyayari at namalayan ko na lang na nakatago kami sa bakanteng stock room malapit lang sa CR. Nanginginig ang katawan na pumiglas ako sa kan'yang pagkakahawak. Mas hinigpitan n'ya ang pagkatakip sa aking bibig.

“Hmm!” sigaw ko pero tanging ungol lang ang lumabas. Sh*t!

“Shh! Ayaw mo naman sigurong makita tayo ni Ma'am, 'no?”

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata. Kaagad n'yang binitawan ang bibig ko nang kan'yang naramdamang hindi na ako pumapalag pa.

Humarap ako sa kan'ya at di makapaniwalang nasa harapan ko s'ya ngayon. “C-Chord?”

Sinamaan n'ya ako ng tingin at sinenyasan akong h'wag maingay. Tumango-tango naman ako na parang bata na sumusunod sa Nanay n'ya.

Grabe, 'di talaga ako makapaniwalang nandito na s'ya sa 'king harapan. Magkasama pa kami! Sobrang saya talaga kapag nasa malapitan kong nasisilayan ang kan'yang mukha.

Sumilip s'ya sa nakasiwang pintuan. Napansin ko ang inaantok n'yang mga mata. Hindi naman nabawasan ang kapogian n'ya.

“Wala na sila,” bulong n'ya at binalingan ako ng tingin. Nakita tuloy n'ya ako na nakatitig sa kan'ya. Parang timang lang, eh.

Tumikhim ako at nakisilip din sa nakasiwang pinto. “Puwede na 'bang umalis tayo rito?”

“Oo,” tugon n'ya at saka binuksan ang pinto ng maigi. “Tara na at baka mahalata pa tayong may ginagawang kakaiba.” Nauna s'yang lumabas at naglakad papaalis.

Mas lalong nanlaki ang mata ko nang matukoy ko kung anong ibig n'yang sabihin.

“Grabe naman s'ya. P'wede namang nagkasabay lang kami,” kausap ko sa sarili.

Iling-iling na sumunod ako sa kan'yang likuran.

Nag-uumapaw sa saya ang nararamdaman ko. 'Yong feeling na kaming dalawa lang ang nasa iisang room. Tama nga sigurong sumali ako rito. May pag-asang mapansin n'ya ako.

~•~•~•

Maaga akong nagising nang naramdaman kong maliwanag na ang paligid.  Alas-syete na pala at wala man lang silang balak na gisingin ako.

Umupo ako mula sa pagkakahiga. Hinilot ko ang aking likuran sa matinding kirot at sakit na nararamdaman ko. Hindi ako komportable sa comforter, dagdag pa na malilikot at dikit-dikit pa kami ng higa.

May lima 'pang babae na tulog mantika. Buti hindi ako 'yong huling nagising, nakakahiya iyon.

Tumayo ako at nagpasya na maligo sa CR. May CR naman kasi sa room na 'to kaya hindi na ako bababa pa.

Dumiretso ako sa canteen matapos kong mag-ayos. Nakasuot ako ng simpleng T-shirt ma kulay itim at gano'n din ang pantalon.

“Avery!”

Napabaling ako sa gilid. Kumaway si Carlo sa 'kin. Agad naman akong lumapit sa kanila. Katabi n'ya ngayon si Stephanie na mukhang may sariling mundo. Umupo ako sa gilid ni Carlo.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon