CHAPTER 18

84 7 0
                                    

CHAPTER 18

Totoo nga na pinaghahanap nila ako. Bahid ang pag-alala sa kanilang mukha nang lapitan ako.

“Saan ka ba nanggaling bruha ka?!” bungad na sermon ni Carlo, sinabunutan pa ang sariling buhok. “Alam mo 'bang kanina pa kami naghahanap sa 'yo?”

“Isang oras, girl, ah!” singhal naman ni Stephanie sa 'kin.

Bigla naman ako kinain ng konsensya. Sana pala hindi ko na sila pinag-alala pa. Kung sana may sinama ako kanina sa tuktok ng simbahan o 'di kaya nagpaalam man lang. Para hindi sila nag-alala ng ganito.

Napayuko ako. “S-Sorry, wala namang nangyaring masama sa 'kin.”

Nagkatitigan silang dalawa at binalingan ulit ako. “Si Arren hinahanap ka kanina. Alalang-alala sa 'yo,” saad ni Stephanie.

Naalala ko tuloy ang mga pinag-usapan namin kanina ni Neon sa silid. Hindi sana ako maniniwala sa kan'ya subalit hindi ko rin mapigilan na paniwalaan ang kan'yang mga sinabi.

Pinatay ni Arren ang kan'yang mga kapatid, at may record na s'ya sa presinto. Mabait si Arren kaya paano n'ya nagawa ito kung gano'n?

Tatlong babaeng hindi pa namin nakikita. Ni hindi ko man lang napansin na nawawala sila hanggang ngayon. Walang sinabi ang mga kasama ko at saka hindi rin pinag-uusapan tungkol do'n.

Kung totoo nga'ng nawawala sila, bakit ganito sila umasta? Bakit parang wala lang sa kanila iyon?

Hindi ko alam kung totoo ba ang mga sinasabi nila sa 'kin. Hindi nila gano'n kakilala si Arren at gano'n din ako. Ano ba talaga ang tunay na pagkatao ni Arren?

Hinahanap-hanap ng aking nga mata ang bakas na pigura ni Arren. “Nasa'n na s'ya ngayon?” tanong ko sa kanila nang makitang wala si Arren dito.

“Nasa ikalawang palapag sa pagkakaalam ko,” biglang sagot ni Caspian na nasa gilid ko na pala.

Bago pa man ako makaalis para puntahan si Arren ay dinumog pa ako ng mga kasama ko. Paulit-ulit lang naman na tanong. Nag-alala rin sa 'kin.

Hindi naman ako nahirapan sa pagtakas sa kanilang sunod-sunod na katanungan. Akala nila ako ang susunod na mamatay. Sana naman hindi nila hinahangad iyon, 'no?

Huminto ako mismo sa aming kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago ito binuksan. Kailangan kong kunin muna ang box na kinuha ko sa ceiling room at pagkatapos no'n pupuntahan ko si Arren sa kabilang kwarto.

Pagkasara nang pagkasara ko pa lang ng pinto ay bigla lang lumitaw si Arren sa 'king harapan. Napaatras ako ng isang hakbang at napahawak sa dibdib.

Naramdaman ko ang matinding pagkabog ng dibdib ko. “A-Anong ginagawa mo rito, Arren?” utal kong tanong. Bakit s'ya nandito sa kwarto ng section 2? Paanong nakapasok ito na walang pahintulot?

Imbes na sagutin ang tanong ko, niyakap n'ya ako nang mahigpit na ikinatigil ko. Gulat na gulat pa rin ako sa kakaibang kilos n'ya ngayon. Iba ito, mas lalong naglamang ang kan'yang pag-alala sa 'kin.

“Akala ko kung anong nangyari sa 'yo. Pinag-alala mo ako!” Tila naiinis pa s'ya. Hinawakan n'ya ako sa balikat at tinitigan. Nanlalaki ang mga mata ko. “Buti hindi ka napahamak. Saan ka ba nagpunta?”

Lumunok ako ng sariling laway saka inalis ang kan'yang kamay na nakapatong sa 'king balikat. Napatingin s'ya tuloy ro'n, nagtataka.

Dapat nagdidiwang ako ngayon dahil nag-alala talaga s'ya ng husto sa 'kin. Gusto ko s'ya pero hindi ko s'ya lubos na kilala. Natatakot ako na baka totoo ang sinabi ni Neon.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon