CHAPTER 23

85 7 0
                                    

CHAPTER 23

“What did you do, Ericka?!” mabibigat na hiningang sigaw ni Chord at kinuwelyuhan ito matapos n'yang ikuwento sa amin ang nangyari kay Caz.

Napatakip ako sa bibig nang ihagis ni Chord si Ericka sa sahig na ikinagulo nila. Hindi ko pa magawang tumayo sa aking kinauupuan dahil sa nalaman.

“Tama na 'yan, Chord!” awat ng lalaki sa kan'ya pero sarado ang isip ngayon ni Chord. Kinuwelyuhan ulit n'ya si Erica habang nakatingala sa kan'ya, tahimik na umiiyak ito.

“S-Sorry. Please, p-patawarin n'yo ako,” pakiusap ni Ericka.

Sa totoo lang galit na galit ako sa kan'ya. Tinatabunan lang ng awa ang aking dibdib para kay Caz. Sh*t lang. Kahit hindi naging maganda ang pagsasama namin ni Caz, hindi naman ibig sabihin no'n ay maging masaya ako sa nangyari.

Pinatay n'ya mismo ang kan'yang kaibigan! Hindi ko akalain na magagawa n'ya 'to kay Caz. Malayo sa inaasahan ko. Akala ko si Sir Robert ang may pakana.

Akala ko si Sir Robert lang ang kayang gumawa ng ganitong krimen subalit kaya n'yang gawin ito sa kaibigan n'ya mismo.

Halos silang lahat ay umiiyak sa tabi habang yakap-yakap ang mga kaibigan. Ang ilan naman ay galit na pinagdidiskahan si Ericka. Hindi ko sila inawat, may parte sa 'kin na dapat lang sa kan'ya iyan. Kulang pa ito sa ginawa n'yang pagpatay kay Caz.

Masama na ba ako? May parte naman sa 'kin na gusto kong awatin ang kanilang gulo. Pero mismo isip ko ang nagsasabing dapat lang ito sa kan'ya, mamatay tao s'ya.

Umalis na lang ako ro'n nang mas lalong nagkagulo ang lahat. Nadaanan ko pa si Madre Susina at Padre Sevilla ngunit hindi ko nagawang batiin sila dahil sa puot na aking nararamdaman.

'Di ko namalayang sinusundan pala ako ni Arren. Tahimik s'ya sa aking tabi nang umupo ako sa hagdanan ng simbahan banda inaakyatan namin papuntang kwarto. Walang nagsasalita ni isa sa amin. Pinapakiramdaman lang ang sarili.

Matapos ang ilang minutong pagtatahimik ay nagsalita si Arren, “Hindi ko inaasahan na ngayon kaagad mabubunyag ang sekretong pagpatay ni Ericka kay Caz.”

Tulalang tumango ako at ilang ulit akong bumuntong hininga. “Hindi ko maintindihan kung bakit sinabi kaagad ni Ericka ang tungkol do'n.” Binaling ko s'ya. “'Di ba dapat kung may ginawa 'kang kasalanan, isesekreto mo lang ito hanggang sa walang makakaalam. Iba yata sa kan'ya.”

Pinaghiwalay n'ya ang hita at saka tinukod ang siko sa tuhod. Pumalumbaba s'ya ro'n.

“Kinain s'ya ng konsensya gaya nga sa sinabi n'ya,” sagot n'ya. “Siguro ayaw s'yang patahimikin kaya nagawa n'yang umamin. May gan'yan naman talaga na tao. Pasalamat na lang tayo na hindi n'ya pa ito pinatagal.”

Tama nga s'ya. Imbes na po-problemahin ko ang pagtakas namin dito, madagdagan iyon kung hindi pa rin namin nahanap ang gumawa ng krimen. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.

“Puntahin na natin sila.” Aya ni Arren at tumayo sa pagkakaupo. “Malapit nang gumabi, sigurado akong nando'n sila sa dining room.”

Tumango ako sa kan'ya at sabay kaming tumungo sa dining room. Hindi nga nagkamali si Arren. Kakaupo lang nila pero bahid pa rin ang galit at awa sa nangyayari ngayon. Galit kay Ericka at awa para kay Caz.

Umupo ako sa row ng section 2, tumabi sa 'kin si Arren kahit hindi dapat s'ya rito sa aming row. Section 3 kaya s'ya. Tigas ng ulo.

Kahit papaano nakaginhawa na ako sa sunod-sunod na nangyayari sa simbahang ito. Lahat na siguro ng katanungan ay nasagot na. Sana hindi na dumagdag pa.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon