CHAPTER 20

89 6 0
                                    

CHAPTER 20

AVERY,

“Bakit mo naman kasi sinabi iyon sa kan'ya?” inis na sambit ni Carlo sa 'king harapan. Tumusok s'ya ng isang binalatang manga sa pinggan.

Kumuha ako ng isang kutsarang suka na sinasawsaw namin sa manga saka hinigop ko na parang sabaw. Napangiwi ako sa pait pero nakakaadik namang higupin.

“Eww!” Napatakip si Carlo sa kan'yang bibig at ngiwi akong tinignan na parang nandidiri. “Magkakasakit ka talaga sa atay n'yan, girl.”

Nilunok ko at nilasahan ang suka na nasa bibig ko. “Magulo ang isip ko no'n kaya hindi ko sinasadyang sinabihan ko s'ya nang masasakit na salita.”

Ilang araw na lang ang nabibilang bago matapos ang aming pagsasanay. Isasabak na kami sa performance. Hindi ko alam kung saan gaganapin.

Ilang araw ring wala kaming kibuan ni Arren. Aaminin kong nami-miss ko na s'ya. Nasanay akong nasa tabi ko s'ya palagi.

Mababaliw na yata ako kung iisipin kong wala s'yang paki sa 'kin at mapunta sa wala ang pinagsamahan namin. Nakaginhawa naman ako nang makitang pasulyap-sulyap s'ya sa 'kin. Minsan sinusundan kung saan ako pumupunta.

Iisipin ko na talagang stalker ko s'ya at may gusto s'ya sa 'kin. Hindi ko naman masabing may pagtingin s'ya sa 'kin. Napaka-imposible nga, eh.

Inalis naman ni Carlo ang pagtakip ng kan'yang kamay sa bibig. “Wala akong maipapayo, girl. Kahit naman kasi ako bina-bash ko na sa isip ko si Arren.” Maarteng humawak s'ya sa kan'yang buhok at hinawi patalikod.

Napatirik ang mata ko sa inis. Kahit kailan talaga walang maitutulong ang baklang 'to.

“Thank you, ah? Imbes na payuhan mo ako sa dapat kong gawin, nagawa mo pa talagang magpaganda sa 'king harapan,” sarkastik kong ani.

Tumawa s'ya nang nakaiirita. “I know I'm maganda, girl!” Nag-flip hair ulit s'ya. “Pak! Dapat mag-sorry ka sa kan'ya, 'yong sincere, girl.”

Napasimangot ako. “Eh, ayaw nga n'ya akong kausapin. Sa tuwing nilalapitan ko s'ya, lumalayo naman s'ya sa 'kin.”

Napailing s'ya. “Ang laki ng problema, kasing laki ng talong ni Stephen.” Ayan na naman, nagda-daydream na s'ya.

Tumayo ako sa pagkakaupo at binatukan s'ya nang makalapit ako.

“Ouch, girl! Ikaw na nga tinutulungan, nagawa mo pa akong batukan?!” Marahan n'yang hinimas ang batok.

Overacting lang 'to. Hindi ko naman nilakasan ang pagbatok. Parehas lang sila ni Stephanie.

“Iba 'yong pinag-uusapan natin tapos sinali mo pa ang boylet mo,” usal ko.

“Sorry, okay?” Nag-peace sign s'ya sa 'king harapan. “Sa totoo kasi girl, hindi naman namin alam ang buong pangyayari no'ng namatay ang mga kapatid ni Arren.”

Natigilan ako at saka s'ya binatukan ulit. Napasubsob s'ya sa lamesa.

“Kayo talaga!” inis kong singhal sa kan'ya at napasabunot sa buhok. Hindi naman pala s'ya sure kung totoong chismis iyon. Sh*t!

“Ouchy!” Ngiyak n'ya habang nasa lamesa pa rin nakasubsob ang mukha.

Gag* talaga. Malamang sinadya n'ya iyon, nagpapaawa kasi dahil papalapit si Stephen sa amin.

Halos patakbo akong nilapitan ni Stephen. Huminga s'ya nang marahas na hininga na aking pinagtataka.

“Anong nangyayari sa 'yo, Stephen?” Hindi s'ya mapakali.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon