CHAPTER 02

175 8 0
                                    

CHAPTER 02

“Avery! Avery, gumising ka!”

Naramdaman ko ang malakas na pagyugyog sa 'king katawan. Bigla akong napabangon sa 'king kinahihigaan habang hinahabol ang aking paghinga.

Pawis na pawis ang buo kong katawan. Para 'bang tumakbo ako ng ilang kilometro at naligo ng isang baldeng yelo. Nanlalamig din ako sa 'di malamang dahilan.

“Salamat sa Diyos at gising ka na!” Bigla akong niyakap ni Mama nang mahigpit. Bumalik ako sa katinuan dahil do'n. “Binabangungot ka.”

Unti-unting bumalik sa 'king alaala ang nangyari sa 'kin kagabi. Isa ba iyong panaginip? Bakit parang totoo ang lahat na nangyari?

Si Niña... Panaginip nga ang lahat. Malabong buhay si Niña kagabi gayong matagal na s'yang wala.

Bakit ko naman napaniginipan ang nangyaring pagkamatay ni Niña? Ang pinagkaiba nga lang, hindi ko naman nasaksihan ang aksidente ni Niña.

Hindi naman ako naapektuhan sa nangyari sa 'king bangungot. Nakarating ako sa eskwelahan na parang normal lang ang araw.

Aaminin kong iniisp ko pa rin si Niña. Sabi raw ng pulis noon aksidente lang ang nangyari sa kan'ya. Sa 'king panaginip, parang sinadya ang kan'yang pagkamatay.

Isang taon na s'yang patay at sa isang taon na 'yon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang kasama ni Niña no'ng araw na sumabog ang sinasakyan nito.

Basta ang alam nila sumakay si Niña sa motor na 'di naman sa kan'ya at bigla itong sumabog mismo sa dagat. Magkatugma sa 'king panaginip ang nangyari sa kan'ya.

Hindi ako sigurado kung lahat na nakita ko ay totoong nangyari sa kan'ya. May pakiramdam ako na totoo ang lahat ng iyon. Hindi ko naman p'wedeng sabihin sa kanila ang tungkol dito. Bukod sa walang kwenta 'yong kutob ko, matagal nang tapos ang nangyari kay Niña.

Inalis ko muna sa 'king isipan ang tungkol sa kan'ya bago pumasok sa Hall ng aming eskwelahan.

Inanunsyo sa aming group chat na dumiretso kami rito dahil may mahalagang bagay na ipagpupulong ang choir master namin. Kagabi lang ako nakasali sa choir club, buti nga nakaabot ako.

May iba't-ibang club ang eskwelahan na 'to. Mayro'ng music club, dance club at kasama na ro'n ang choir club kung saan myembro si Chord.

Sa music club talaga ako nanggaling pero dahil gusto kong makasama s'ya at mapalapit na rin ay lumipat ako sa kan'yang club.

Mga nasa apatnapu't lima na bilang ang myembro ng choir club. Pinagsama ang senior at junior high school.

Nakita ko si Carlo banda sa pinakaunahang upuan. Naglakad na ako papalapit sa kan'ya ngunit kaagad akong natigilan. Akala ko ba bukas pa s'ya makakauwi? 'Di ba dapat nasa Manila s'ya?

“Magsisimula na ang meeting, Avery.” Biglang sumulpot sa 'king tabi si Stephanie.

Napakurap ang mga mata ako. “T-Tara.” Wala sa sariling hinila ko s'ya patungo sa kinaroroonan ni Carlo. Nagpahila naman s'ya.

Napansin kaagad kami ni Carlo, kumaway pa sa amin kahit malapit na kami sa kan'ya.

“Hey, girls! Na-miss n'yo ba ako?” Paulit-ulit n'yang kinukurap-kurap ang kan'yang mga mata sa 'min.

“Kahapon lang tayo nagkita, bakla kaya 'wag 'kang over, ah?” Umupo si Stephanie sa tabing upuan ni Carlo at sumunod naman akong umupo.

Nag-usap pa silang dalawa. 'Di ko magawang sumabay sa kanilang kuwentuhan. Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang napanaginipan ko kagabi. Nakatitig ako kay Carlo, hindi alam kung sasabihin ko ba ang tungkol sa 'king panaginip.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon