CHAPTER 11

92 7 0
                                    

CHAPTER 11


Nagawa kong maibuka ang bibig ko mula sa matinding kaba. “N-Nakahubad sila. R-Rape...”

Tila hindi ako makahinga sa 'king nakita. Mga babaeng nasa picture, nakahubad at halos naliligo na sa sariling dugo. May nakunan pa nga ng ilang lalaki na nakahubad din. Mukhang tuwang-tuwa pa.

“Sino kumuha nito?” diing tanong ni Arren kahit wala namang makasasagot sa kan'yang tanong.

Bigla na lang naiyukom ni Arren ang album. Buti pinigilan ko kaagad s'ya at kumalma naman s'ya. Nilipat ko kaagad sa ibang page ang album, gano'n pa rin pero may isang taong pumukaw ng atensiyon ko.

Nakaupo s'ya sa upuan. Babae s'ya pero hindi nakahubad. Alam kong kilala ko 'tong babae pero hindi ko mamukhaan kung sino s'ya dahil na rin sa madilim sa kan'yang pwesto.

“Ang bababoy nila,” inis at nagtitimping asik ni Arren. “Ito ba ang tinatago nila Padre? Gagawin din ba n'ya 'to sa atin?”

Napatingin ako sa kan'ya dahil sa kan'yang sinabi. Hindi... Sana hindi 'to totoo. Ayaw ko.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatambay sa 'king kama. Hindi rin ako nakapasok sa klase ni Ma'am Karen. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang natuklasan namin kanina ni Arren.

Maraming bagay kaming natuklasan sa album. Alam na namin ngayon na may iba 'pang student choir na nakapunta na rito. Hindi ko alam kung nakalabas din ba silang lahat pero iba ang pakiramdam ko sa kanila.

May mga tao ro'n na familiar sa 'kin pero 'di ko lang matandaan kung ano naging parte nila sa 'king buhay. Siguro nakasalubong lang sa eskwelahan.

Napahilamos ako sa 'king mukha. Hanggang ngayon 'di pa rin mawala ang pangamba ko sa aming mga kasama. Mangyayari ba iyon sa amin?

Bumalik din ako sa klase matapos naging magaan ang pakiramdam ko. Hindi ako sinamahan ni Arren, kakainis talaga. Imbes na kaming dalawa ang mag-isip sa plano, inuna pa n'ya 'yong kagutuman n'ya.

Dahil nalalapit na ang aming performance, pinag-igihan ng mga ka-myembro ko ang pag-eensayo. Mauubos na yata ang boses nila sa sobrang taas ng tonong kinakanta nila. Buti maayos pa rin ang boses nila, kung hindi paos ang magiging kalabasan sa performance.

“Hindi naman tayo always na magpa-practice. Masisira panigurado boses natin kapag nagkataon,” saad ni Stephanie, pinapangaralan ang mga kasama namin.

Maganda rin ang boses ni Stephanie. Sa katunayan nga pangalawa s'ya sa pinakamagaling na kumanta sa music club namin. Hindi na ako magtataka kung bakit s'ya sumama sa 'kin, malamang gumaya rin kay Carlo.

Sanay silang nasa tabi ko sila. Kung saan ako nando'n din ito, ayaw nilang maghiwalay kaming tatlo. Ayos lang naman na hindi kami same ng club, basta hindi lang namin makalilimutan ang isa't-isa.

Tumango-tango naman bilang pagsang-ayon ang mga ka-myembro ko. Proud na proud sa sarili, hindi pa nga nila naririnig ang boses ng mga kasama namin.

“Siguraduhin n'yo na mananalo tayo, ah? Kung p'wede lang sana tie tayong lahat,” naibulong ko sa kanila.

Alam kong mayro'n sa amin na hindi kayang pantayan ang katapat namin. Umaasa pa rin naman ako na lahat kami ay makakaalis dito.

“Malabo 'yang sinabi mo, Avery,” biglang sabat ni Venezia habang nakaupo sa sahig. Nasa third floor kami ng simbahan, dito kami sa kwartong pinag-eensayuhan namin kahapon.

Napatingin ako sa kan'ya at naghintay sa kan'yang idudugtong. Nag-aalangan pa s'ya kung sasabihin ba n'ya sa amin. Para bang ayaw n'yang malaman namin ngunit kinakailangan n'yang sabihin

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon