CHAPTER 12

94 9 0
                                    

CHAPTER 12


“M-May tao...” Kinakabahan kong bulong sa kan'ya. Hindi ko na magawang itulak s'ya kasi ako mismo natatakot na makawala sa kan'yang bisig.

“Shh...” Pilit n'yang pinapagaan ang aking loob. Para kasi akong nauubusan ng hangin.

Hindi ko masyado makita ang taong nakahiga sa kama pero sigurado akong may nakahiga ro'n! May paa at saka kamay akong nakita kaya sigurado ako!

Nangingig na tinignan ko si Arren. “B-Bumalik na kaya tayo?” mahina kong bulong sa kan'ya, takot na baka marinig ng kasama namin.

“T-Titignan muna natin,” tugon n'ya, kahit s'ya'y natatakot din. Duwag din pala.

Parehas kaming lumapit sa kama na kinahihigaan ng taong 'di namin kilala. Sino ba 'to? Baka si Madre lang.

Natulos ako sa 'king kinatatayuan nang nakita kong pamilyar ang nakahiga sa kama.

“Bakit nandito si Rynne? 'Di ba dapat nasa kabaong s'ya nakalagay?” Nagtatakang lumapit pa ako lalo, ngunit kaagad akong pinigilan ni Arren sa ano 'mang binabalak ko.

Umiling s'ya at hinila ako sa kan'ya. “H'wag ka munang lalapit. Ako na,” presenta n'ya. Binitawan n'ya muna ako bago nilapitan si Rynne.

Napakagat ako sa kuko ng aking kamay, iniisip kung bakit nandito si Rynne. Dapat nailabas na s'ya sa lugar na 'to at ibigay sa kan'yang pamilya. Alam ba 'to ng mga magulang ni Rynne?

Sino naman nakaisip ng ideyang iiwan s'ya rito?

Kita ko ang pagtakip ni Arren sa kan'yang ilong. “Mabaho s'ya. Bakit dito s'ya nilagay?” Tulad ko'y nagtataka rin s'ya.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa kan'ya—sa amin. Parang kailan lang kausap ko pa s'ya at maayos pa ang lahat.

“Pumunta pala si Padre rito para ialay ang pagkain para sa kan'ya ” Lumayo si Arren sa kama at  hinarap ako. “Wala namang masama sa ginawa ni Padre. Baka wala namang mali sa kan'ya.”

“Paano mo ma-e-explain 'yong paglihim n'ya sa atin? Bakit hindi tayo binalaan na h'wag pumunta rito gayong alam n'yang mapanganib ang buhay natin?” inis kong tanong.

Nilapitan n'ya ako. “H'wag muna tayo magpadalos-dalos. Maghahanap pa rin tayo ng ebidensya, okay?” Hinawakan n'ya ako sa balikat. “Inalagaan n'ya si Rynne, kita mo naman 'di ba?”

Napabuntong hininga ako at tumango. Mahirap talaga isipin kung sino ang totoo sa paningin mo. Hindi mo alam kung sino ang kakampi at kalaban.

Saglit kaming namalagi sa loob para ipagdasal ang kaluluwa ni Rynne. Hindi man kami gano'n ka-close, alam kong isa s'yang mabuti at tunay na kaibigan.

Bubuksan na sana ni Arren ang pinto para makaalis na kami nang mahagip ng aking paningin ang mantya ni Rynne banda sa kan'yang tiyan. Hindi pa pala s'ya nalinisan, kailangan 'pang imbestigahan ang nangyari sa kan'ya.

“Bumalik na tayo,” aya sa 'kin ni Arren at hinawakan ako sa kamay.

Kahit gusto kong sumunod sa kan'ya ay may nagtulak sa 'kin na tignan ang katawan ni Rynne. “May aalalamin lang ako.”

“Bilisan mo!”

Umupo ako sa gilid ng kama ni Rynne, hindi alintana ang mabaho n'yang amoy. Hinawakan ko ang kan'yang tiyan kung saan may pulang mantya. Sariwa pa ang dugo...

Tinaas ko ang aking kamay at nakitang may bahid na itong dugo. Nanginginig na tinignan ko si Rynne.

Napaatras ako ng upo nang makitang nakadilat ang kan'yang mga mata at nakatingin mismo sa 'kin. “P-Paano? Nakapikit s'ya kanina!” Imposible!

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon