CHAPTER 13

91 9 0
                                    

CHAPTER 13


Walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa. Pareho lang na pinapakiramdaman ang sarili pati na rin ang paligid. Hindi ko alam kung dinig ba n'ya ang malakas na kabog sa 'king dibdib sa isipang magkasama kami palagi.

Wala naman akong paki sa iisipin ng mga kasama ko kung magkasama kaming dalawa.

Napalingon ako sa kan'ya. Wala namang kakaibang sa kan'ya, masyado lang praning ang mga kasama ko.

Sinasabihan ako ng mga kasama ko na misteryoso s'ya at hindi mapagkatitiwalaan. Hindi ako nakinig, nakikita ko naman kasi ang kabutihan n'ya kahit hindi n'ya napapansin na pinagmamatyagan ko s'ya.

Medyo naawa lang ako sa kan'yang kalagayan. Walang may nagtangkang kaibiganin s'ya dahil siguro sa pakikitungo n'ya. Tahimik, misteryoso at hindi nakikisalamuha sa mga tao.

Iniisip ko rin na baka may depression s'ya. Mero'n pa naman na ibang dahilan kung bakit s'ya nagkagaganyan. Gagawin ko naman ang lahat para hindi n'ya isipin na nag-iisa lang s'ya. Kaibigan na ang turing ko sa kan'ya kahit alam kong takot s'ya magtiwala sa isang tao.

“Dumidilim na,” bigla n'yang usal at tinignan ako. “Pasok na tayo, maya-maya magsasara na si Padre Sevilla.”

Tumango ako at sabay kaming napatayo sa pagkakaupo. Nakasabulong namin si Padre Sevilla nang nakapasok kami. Hinihingal n'ya kaming sinalubong na pinagtataka namin.

“Ano po ang mero'n, Padre?” si Arren na mismo ang nagtanong.

Naghintay lang ako sa sasabihin ni Padre na hindi pa yata kayang sabihin ang gusto n'yang iparating sa amin. Napahawak s'ya sa kan'yang dibdib at pinakalma ang sarili.

“H-Hanapin n'yo si Rynne, hijo at hija.” Balisa na tinignan n'ya kami pareho. “Nawawala s'ya, wala na s'ya sa kwarto na kan'yang kinalalagyan.”

Napatingin kami pareho ni Arren sa isa't-isa. Tila iisa lang ang aming iniisip ngayon. Ang lalaking nakapasok sa kwarto kagabi ni Rynne ang hinala namin.

Maingay at nagkagulo ang mga kasama ko nang pagkapasok namin ng Hall. Natataranta pa ang iba kung saan s'ya uupo o tatayo.

“Ayaw ko na rito! Uwi na ako!” Biglang nagwala ang isang babae na galing sa section 3. Agad s'yang inawat ng mga kaibigan n'ya at pinakalma kahit naging lumala pa.

“This is bullsh*t!” sigaw ni Caspian, napasabunot s'ya sa buhok. “Sino naman gagawa nito?”

Hindi s'ya mapakali sa kan'yang kinatatayuan. Halos mahilo ako sa pabalik-balik n'yang lakad sa 'king harapan.

Binalingan ko si Arren at nakitang nakatingin s'ya sa aming mga kasama. Tulad ko'y naaawa at gusto n'ya rin silang tulungan.

Hindi ko alam kung saan kami magsisimula. Madami ang nangyari rito sa simbahan, hindi ko alam kung ano ang uunahin. Ano ba ang importante munang isolba?

Halos silang lahat gusto nang makaalis dito. Mas lalo lang lumala ang kanilang pagkagulo nang marinig ang inanunsyo ni choir master.

“Hindi pa maaaring makalabas nang simbahan, students. Kailangan muna nating hanapin ang katawan ni Rynne.” Inawat naman ni choir master ang mga kasama namin na tudo hagulgol sa tabi.

Nakakairita man pakinggan ang mga reklamo nila, wala naman akong magawa para pigilan sila. Mas nangangamba sila kaysa sa amin. Desperado na silang makaalis dito.

“Kayo ang maghanap sa kan'ya at kami aalis dito!” biglang sigaw ni Ericka, tulad ng iba'y umiiyak din s'ya sa kaba.

Biglang sumulpot si Padre Sevilla at ang dalawang Madre. Tila nangangamba at naaawa sila sa amin. Bigla lang nawala ang kanilang nakatatakot na ekspresyon dahil do'n.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon