CHAPTER 28.3

75 6 0
                                    

CHAPTER 28.3

AVERY RAMOS,

Kaunting impormasyon ang napagtagpo-tagpo sa 'king isipan matapos sabihin sa 'kin ni Padre Norman ang nangyaring pagpatay ni Marvey sa mga kasama n'ya.

Hinawakan ni Padre Norman ang balikat ni Arren. “Nasa'n si Padre Sevilla? Ilang araw na n'ya kaming hindi binibisita rito. Mabuti nga na may pagkain pa kaming natira. Kaya 'yon muna ang kinain namin.”

Sumagi sa isip ko 'yong madalas na pag-akyat dito ni Padre Sevilla, pati na rin ang ikatlong pasilyo na nasa ikalawang palapag. Hindi pa man nila na sabi ang tungkol dito, may ideya na ako kung bakit.

Bagsak balikat kaming dalawa ni Arren dahil sa tinanong ni Padre Norman.

“Wala na po sila.” Yumuko si Arren, 'di man s'ya umiiyak ay ramdam naman sa klaseng boses na nanghihina s'ya.

Kaagad kong pinahid ang luhang pumatak, nilingon ako ni Padre Norman. Mahigpit n'yang hinawakan ang rosaryo sa kan'yang leeg.

“Diyos ko, patawarin mo sana ang mga kasalanan nila. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Pati mga kasama n'ya'y napayuko na rin sa pagdadalamhati para kay Padre Sevilla.

Bumaba kami mula sa itaas. Kita ang pagkamutla ng kanilang balat nang dumapo ang liwanag mula sa labas. Tumataas na rin ang sikat ng araw.

Kanina pa nakahawak si Arren sa 'king kamay. Hindi ko alam kung pansin n'ya ba ang malalim kong tingin sa kan'ya. Nasa itaas ng altar ang kan'yang tingin. Ayaw ko naman titigan dahil sa nanginginig pa ako.

Rinig ko ang singhapan nilang lahat. Ang ilan ay napapikit na lang at tahimik na napaiyak. Wala kaming magawa ni Arren kundi titigan  na lang sila na hirap-hirap sa sitwasyon.

Mamula-mula ang mata ni Padre Norman na lumapit sa amin. “Kaya mo ba sila pababain, hijo? Kailangan ko nang maisagawa ang panalangin para sa kanila.”

Tumango si Arren at saka ro'n pa lang n'ya binitawan ang kamay ko. May kinuha s'yang mahabang hagdan para baklasin ang nga bakal na nakapulupot sa leeg ni Padre Sevilla pati na rin ang iba pa.

Umupo ako sa mahabang upuan. Do'n pa lang sumagi sa isipan ko na may mga ilang kasama pa kami. Tumayo ako sa pagkakaupo at saka sila hinarap.

Tumungo ako sa dining room ngunit hindi ko sila nakita. Sana naman magkasama silang lahat para na rin mapag-usapan ang susunod naming hakbang.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng Hall nang madinig ang samu't saring boses na tila ba'y nagtatalo. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang buksan ang pinto.

“Hindi namin sinasadyang bagsakin ang cover court!”

“Anong hindi sinasadya? H'wag ka nang magmaang-maangan pa! Narinig ko ang usapan n'yo na iiwan n'yo kami ritong makulong. Malamang sinadya n'yo ang pagbagsak ng cover court,” boses ni Salisca.

Natigilan ako. May ilan pa silang pinag-aawayan ngunit naubos na ang aking pasensya sa aking natuklasan. Hindi ko nakayanan ang mga pagtataksil nila.

Gulat at halos lumuwa ang mga mata nilang nakatingin sa 'kin nang mabuksan ko na ang pinto. Mabibigat na hakbang na tumungo ako sa kanila.

Hinila ko ang kwelyo ng babaeng na galing pa sa section 1. Nakikita ko ang sarili sa kan'yang mga mata, matindi ang aking pagtitimpi.

“Sinasabi ko na nga ba may kinalaman kayo. Plano nating makalabas tayong lahat pero anong ginawa n'yo? Gusto n'yo kayo lang at iwan kami rito!”

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon