CHAPTER 28

76 4 0
                                    

CHAPTER 28

THIRD POV,

Umalingawngaw ang hagulgol at iyak ng mga estudyante habang nakaluhod sa harapan ng altar. Pilit ang mga mata at tahimik ang ibang nanalangin na bigyan sila ng proteksiyon sa masasamang nilalang.

Hindi lang ang proteksiyon ang kanilang dinadasal, pati na rin sa mga walang buhay na katawan ng kanilang kaklase. Tatlong babae at isang lalaki na ngayon pinalilibutan nila.

Alam nilang si Marvey ang pumatay sa mga nasawing estudyante. Hinanap nila kung saan-saan si Marvey ngunit hindi nila mahanap ito. Wala silang ideya kung bakit kinakailangan pang patayin ang estudyante. Hindi naman ganito kalala ang ginawa noon ni Marvey.

Paulit-ulit man sila magmakaawa sa kaligtasan nila, hindi sila pakikinggan ni Marvey dahil binalutan na ito ng kadiliman. Kaya tanging nagawa ng ilan ay h'wag mangialam at tumahimik lamang.

“Please, Lord,” pikit matang pakiusap ni Niña habang nakaluhod sa harapan ng altar kasama ang mga kaibigan n'ya. “Tulungan n'yo po kami. Mas lalong bantayan n'yo po si Marvey. H-Hindi n'ya alam ang kan'yang ginagawa.”

Pilit na sinasaksak ni Niña sa isipan na hindi lang ito sinasadya ni Marvey. Estudyante pa lamang si Marvey at hindi pa bukas ang isipan sa mundong ginagalawan nila. Nilamon lang s'ya ng masamang nilalang at epekto ito sa hindi tamang pag-iisip nito.

Walang imikan at bahid ang pagkabalisa ng mga estudyante nang nagsibalikan sila sa kani-kanilang kwarto. Minsan napapatingin sa gilid. Baka mamaya kasi nand'yan lang si Marvey.

Simula nang makita nilang nakabitin sa itaas si Jevain, bigla na lang nawala na parang usok si Marvey. Mga Pari at Madre ay kasalukuyang hinahanap pa rin si Marvey. Dapat nang alisin ang masamang nilalang sa katawan ni Marvey.

“P-P'wede 'bang mag-back-out sa choir club?” tanong ni Galathea kay Niña.

Napatingin tuloy si Niña sa kan'yang kaibigan. Bumuga ng hininga si Niña saka umupo mula sa pagkahiga. “Alam mo naman na kulang tayo tapos magba-back out ka.”

Niyakap ni Galathea ang sarili. Biglang nahawi ang kan'yang buhok dahil sa hangin na pumasok sa kanilang bintana. Malapit sa kinahihigaan ni Niña.

Mahinang bulungan ang maririnig sa loob ng kwarto. Ang ilan ay natulog na kaagad sa sobrang takot. Kahit makatakas man lang ng ilang oras
sa reyalidad. Masyadong mapanakit at nakasisindak ang mga pangyayari.

“Sa una gusto ko rito, Niña, pero hindi ko na gustong manatili pa rito ng matagal,” ani Galathea.

“Konting tiis na lang, Thea.” Lumapit si Niña sa kan'yang kaibigan at niyakap ito. “Weeks na lang ang hihintayin natin. Nand'yan pa naman sila Padre at Madre. Hindi tayo pababayaan.”

Tumango-tango na lang si Galathea kahit ayaw na n'ya talagang manatili pa sa simbahan ng ilang araw. 'Di rin magtatagal ay mag-isa na lang s'yang aalis dito. Alam naman nito na hindi sasama si Niña.

“Matulog na tayo,” yaya ni Galathea matapos nilang mag-usap ni Niña. Hindi na nila inungkat pa ang tungkol sa mga kasama nilang namatay.

Madagdagan lamang ng problema nila kung iisipin pa nila ang nangyari kanina.

Tinignan ni Niña ang kan'yang cellphone. “11:55 pm na pala,” untag n'ya. “Sige matulog ka na.”

Antok na tumango lamang si Galathea saka patalikod na humiga sa kama nito. Bumalik din si Niña sa kan'yang kinahihigaan na katabi lamang ng kama ni Galathea.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon