CHAPTER 04

107 9 0
                                    

CHAPTER 04


Hindi ako mapakali sa 'king kinauupuan. Paunti-unti lang ang kinakain ko samantalang 'yong iba tuloy-tuloy naman. Parang kinalimutan na nga ang kakaibang pakikitungo kanina ng Padre at Madre.

Kasabay namin ngayon sa hapunan si Padre at Madre. Gabi na pala, akala ko hapon pa lang. Ang bilis nga ng oras.

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko bago nagbigay galang kina Padre. Tumango naman si Ma'am Karen at ngitian ako ng tipid nang makitang abala si Padre sa kinakain n'ya.

Lumabas ako ng dining room. May nakasabay rin akong katatapos lang din. Balak kong pumunta sa altar at manalangin muna. Matagal-tagal din pala no'ng huling pumunta ako ng simbahan para magsimba.

Lumuhod ako sa harapan nang nakasabit na krus sa gitna ng altar. Tila hindi nalinisan ang buong simbahan dahil sa maalikabok at maitim-itim ang paligid.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nanalangin na sana matagumpay ko ang ensayong ito. Kapag nabigo ako, baka extend ang buwan ko rito na manatili. Ayaw ko naman iyon mangyari.

Bukod sa ayaw kong manatili rito ng matagal, gusto kong tuparin ang pinangako ko kay Mama na kakanta ako sa harapan ng entablado. Kahit hindi na ako magsolo gaya ng gusto n'ya.

Alam kong 'di inaasahan ni Mama na ito ang pinili kong landas, ang maging choir. Hindi s'ya nagsalita at sinuporta n'ya ako sa anumang gusto ko kahit ang inaasahan n'ya sa 'kin ay ang maging isang pop singer.

Kailan man hindi ako pinilit ni Mama sa mga bagay na ayaw ko. Sabi nga n'ya tuparin ko ang mga pangarap ko.

Hindi lang naman si Chord ang dahilan kung bakit ako sumali sa choir. Gusto kong matupad ang pangarap noon ni Papa na ngayon ay wala na sa aming piling.


~•~•~•~•~

Iginaya kami ni Madre Susina sa aming matutulugan. Mahaba ang pasilyo. Ayos na sana pero nakatatakot ang daan at bawat picture na nakasabit sa pader. Itim at kayumanggi ang tanging makikitang kulay sa paligid.

Sa unang pasilyo, mga madre at padre ang nasa litrato. Pinaglumaan na ang lahat, tila nadaanan na ng bagyo dahil sa punit-punit ang ilang litrato.

Sa pangalawang pasilyo naman ang mga taong nagsisilbi sa simbahan, gaya na lang ng sakristan.

Hindi ko na nakita pa ang nasa pangatlong pasilyo dahil mismo sa gitna ang aming magiging kwarto. Walang nagtangkang tumuloy sa dulong pasilyo dahil na rin sa sobrang dilim.

Maraming kwarto rito at tanging apat lang ang kinuha namin dahil sa malaki naman ang space ng isang kwarto. Kasya ang labing tatlong tao sa loob ng isang room.

Akmang papasok ako sa unang kwarto nang tinawag kaming lahat ni Ma'am Karen na lumapit muna kami sa kan'ya.

“I'll divide you all into three sections.” Tinaas n'ya ang folder na hawak n'ya. “May list na ako kung sino ang magiging ka-myembro n'yo sa pag-e-ensayo at makakasama n'yo sa room.’’

Ibig sabihin nito p'wedeng sumama ang boys and girls? Awkward naman kung gano'n.

Isa-isang tinawag ni Ma'am Karen ang magiging section 1. Sobrang inis ko talaga, section 1 si Chord at hindi ako nakasama sa kanila. Section 2 pa ako napunta. Halos magugulo ang mga ka-myembro ko, oh!

Nakita ko ang lalaking nakatabi ko kanina. Walang imik lang sa tabi. Section 3 s'ya. Sobra pa sa nice na hindi s'ya nasama sa Section 2.

Nagsipasukan na kami sa aming mga kwarto. Pagod na talaga ako.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon