CHAPTER 26(2)

74 9 0
                                    

CHAPTER 26.2


THIRD POV,



“S-Sino kayo?”

Hindi maipinta ni Salisca ang kan'yang itsura sa nakita. Kakaibang aura ang mga nilalang na nakapalibot sa kanya.

Ilang segundo ay walang ni isa sa kanila nagsalita. Nakatitig sa kan'ya na para 'bang may binabalak na masama.

Bahagyang napatalon s'ya nang tumunog ulit ang kampana. Bumalik bigla ang kan'yang atensyon sa labas ng binatanang nasa gilid n'ya, mismo kaharap ng hagdanan ng ikalawang palapag kung saan s'ya ngayon.


Napahawak si Salisca sa dibdib at unti-unting nilingon ang mga taong 'di n'ya kilala. Napasinghap s'ya nang makitang wala s'yang kasama. Hinanap n'ya ito sa paligid. Ano ang nangyayari sa kan'ya ngayon?

Humigpit ang pagpiga n'ya sa dibdib habang humihinga nang malalim. Napagtanto n'ya na hindi tao ang nailigtas n'ya at mas nakatatakot do'n, hindi n'ya ito kilala.

Kinakabahan s'ya. Paano na lang kung malaman ni Padre Sevilla na may bumukas ng kwarto sa ikatlong pasilyo. Mali ba ang kan'yang pinagkatiwalaan? Ang tanga n'ya para maniwala kaagad.

Do'n pa lamang s'ya kumilos. Bumaba s'ya ng simbahan at tinungo ang mga kasama n'yang nasa cover court ngayon.

Huminto s'ya sa paglalakad. Nakita n'yang nag-aaway at nagkasakitan ang kan'yang mga kasama.

“Itigil n'yo iyan!” buong lakas n'yang sigaw at pilit silang pinaghihiwalay.

Hindi sila nakinig kaya naman lumabas s'ya ng cover court para humingi ng tulong kay Madre at Padre. Wala na s'yang pakialam kung ano man ang kan'yang natuklasan sa itaas ng simbahan. Kailangan n'yang maawat ang mga kasama.

“Bilisan natin, Salisca,” wika ng kan'yang mga kasama na sumunod sa kan'ya, ilan sa kanila ay galing pa sa ibang section.

Gulat man si Salisca na nakasunod na pala sa kan'ya ang mga kasama. Tumango s'ya at mabilis na naglakad.

Gano'n na lang ang pagkatalon nila sa kanilang kinatatayuan nang yumanig ang lupa. Rinig nila ang malakas na pagbagsak ng kung anong bagay mula sa kanilang likuran. Mabilis na lumingon si Salisca at gano'n din ang ilan.

“Hindi!” sigaw ng isa n'yang kasama at akmang tatakbo papunta sa bumagsak na cover court nang mabilis nilang pinigilan ito.

Nataranta ang ilan at sumigaw ng buong lakas. Tinatawag ang mga pangalan ng kanilang kaibigan na binagsakan na ngayon ng yero at semento.

Niyakap pa ng isang babae ang umiiyak na kaibigan habang nakatingin sa mga ilang kasama na naiwan sa cover court. Natulos sila sa kanilang kinatatayuan habang tanaw ang kanilang mga kasama na binagsakan ng cover court.


~•~•~•~

AVERY RAMOS,

“Hindi n'yo nakita kung sino ang may pakana nang pagbagsak ng cover court?” tanong ko kay Salisca.

Malungkot s'yang umiling. “Hindi namin nakita ang eksaktong nangyaring pagguho ng cover court. Napag-alaman namin na marupok na ito.”

“A-Alam mo ba kung nasa'n 'yong tinulungan mong estudyante?” kinakabahan kong tanong. Sigurado akong mga dating choir ito.

Paano sila nabuhay ng isang taon na nakaposas lamang sa isang kwarto? Hindi ko natuloy ang pagtungo sa kwarto kaya hindi ko alam na may tao pala ro'— hindi sila tao gaya sa sinabi ni Salisca.

Student ChoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon